Chapter 36

2.5K 52 1
                                    

Anjo's POV


Hindi biro ang pitong taon na nagdaan. Hindi biro na ang dami kong hinarap na responsibilidad pagkatapos nang nangyari. I didn't even know where to start.

Nang malaman ko ang ginawa ni Papa ay sobra akong nanlumo... hindi ko alam ang paniniwalaan ko. Sa tatay pa talaga ni Elaine 'yon nangyari na mas lalong nagpalumo sa'kin. I don't even know that my Dad had a gut to do that just for the sake of money.

I thought.... fuck. Mali ako.

Nang umabot samin ang balita ay talagang naging isang magulong pangyayari siya sa pamilya namin. Even my mom didn't know what to do.

"Did you know about this, Mom?"

"I don't, Anjo.... I actually don't know."

Tinitigan ko siya. Kitang-kita ko ang gulo sa itsura niya dahil sa balitang ito.

It feels like Dad stabs our back repeatedly. Not just me, but also my mom. And our whole family.

My dad's issue is all over the place. Sa internet, sa TV, sa balita, kahit sa mga dyaryo. It became the talk of the town.

It was such a big move, it was risky for Elaine to fight this alone to give her father a justice. Hindi ko alam kung anong nagtulak para sa kanya na gawin 'to. But I know... dahil ito na lang ang tanging kakampi niya sa buhay at hindi pa nabigyan ng sapat na hustisya. How hard must that be?

Hindi ko alam ang mararamdaman nang magkita kaming dalawa sa korte. Her versus my dad.

Kaya pala lagi niya akong tinatanong tungkol sa kanya. Ito pala ang binabalak niya.

Ginamit niya lang ba ako laban sa tatay ko? Ginamit niya lang ako para sa mga gusto niyang makuha na impormasyon?

Then, she won the court. I already expected it because of how heavy the case are. Labing dalawang taon niya tinago samin. Twelve fucking years. Just... wow.

"That girl is your girlfriend, right?"

Tanong sa'kin ni Tito Melchor, ang papa ni Jen. Nagtipon ang buong pamilyang Luna dahil sa nangyari.

"She's not."

"But you brought her on Paul's birthday."

"I did... but we're not... in a relationship,"

I guess we're almost there. Mag-aaminan na lang ng nararamdaman sa isa't isa.

Pero sino nga ba ang niloloko ko? Ako lang naman ata ang may gusto sa kanya...

"Alam mo ba na gagawin niya 'to sa tatay mo?"

Nilingon ko ang isa ko pang Tito dahil sa tanong nito. Nilingon ko si Mama pero tahimik lang din ito at nakatulala. Huminga ako ng malalim.

"Hindi ko po alam..."

"My God, Anjo. Dinala mo talaga ang babaeng 'yon sa teritoryo natin? Na may binabalak pala siyang ganito?"

I didn't react. Parang pinapamukha sa'kin na ako ang may kasalanan.

Hindi ko rin naman alam. Kahit si Jen ay wala ring alam tungkol dito.

"May kasalanan rin naman si Papa. Her father deserves that justice."

Natahimik sila, ang ilan ay napasinghap. Hindi inaasahan ang naging sagot ko. I'm so mad right now... hindi ko lang alam kung paano ako magrereact. Hindi ko alam kung paano ko ibubuhos ang galit ko. Kaya... mas pinili ko na lang na isarili 'yon.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Where stories live. Discover now