Chapter 3

7.2K 129 0
                                    

Elaine's POV


Nandito ulit kaming dalawa ni Anjo sa field, napansin ko na ang dami niyang inaaral, isang makapal na libro at outputs ang hawak niya.

He's taking a Med course kaya normal na sa akin na makita siyang ganito, ang pamilya talaga nila ay pamilya ng mga Doctor kaya wala siyang choice kundi sundin ang tradisyon ng pamilya nila... lalo na dahil namamahala din ito sa Laguna ng mga hospital.

Simula grandparents niya ay lahi ng mga Doctor, except his Dad. Nakapag-asawa ang Nanay niya ng isang businessman, pero hindi na rin masama dahil malaki din ang business na hinahawakan ng Tatay niya.

He's 1st year college habang ako naman ay 4th year high school na.

Sinarado niya ang libro at humawak sa ulo niya, "Mababaliw na ata ako,"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag-drawing ko. Isa rin sa mga gustong gawin ko ay gumuhit lalo ng mga design sa fashion, ang daming ideas sa utak ko kaya dinodrawing ko na lang iyon.

Tumingin siya sa ginagawa ko, "Hindi ko talaga alam kung anong gusto mo. Maging Nurse ba o Arts Designer?"

Lumipat ang tingin ko sa kanya. Totoo naman, kahit ako naguguluhan din.

Balak ko talagang kunin na course sa college ay Nursing dahil iyon ang gusto ni Papa... na kahit wala na siya ay gusto ko pa rin tuparin iyon para sa kanya. Pero minsan ay hindi ko maiwasan ang kahiligan ko sa pag-iisip ng mga designs.

"Kamusta kayo ng kapatid mo?" tanong niya.

Tuluyan na akong napatigil sa ginagawa ko at naalala ang nangyari kahapon.

"Bakit hindi siya ang kausapin mo?" saad ko.

Umiling siya sa akin at tinakpan ang mukha niya ng libro. Well, it's already obvious. May gusto si Queenie kay Anjo, noon pa.

Mas nauna silang magkakilala kesa sa akin, hindi ko alam kung interesado ba ang lalaking ito kay sa babaeng yon kasi simula noong kinausap niya ako ay hindi na rin niya pinansin si Queenie nang tuluyan.

Kaya nga ako ang sinisisi ng babaeng iyon na inagaw ko daw sa kanya si Anjo... hindi ko naman kasalanan kung nakuha ko ang atensyon ng taong gusto niya.

Tsaka ang bata niya pa para sa mga ganitong relasyon... she's still in 2nd year high school for hell's sake. Napaka bata pero napaka landi.

I don't really care about him.

Wala talaga.

Kaso hindi ko alam kung anong bulati sa tyan ang meron siya at lagi niya akong ginugulo.

Niligpit ko ang gamit ko at napansin niya iyon, "Where are you going?"

"Ilalagay ko lang 'to sa locker ko tapos uuwi na ko," tumayo na ako, "Wala ka bang next class?"

Tumingin siya sa relo niya, "May 10 minutes pa."

"Mauuna na ako."

Mabilis akong naglakad palayo doon at naramdaman ko na nakasunod siya sa akin.

The hell, hindi niya ba talaga ako titigilan?

Uwian ko na kanina pa pero nagpumilit siyang samahan ko muna siya saglit kaya sinamahan ko na, ayoko rin naman umuwi dahil ayoko sa bahay. Pero dahil naboboring ako kasama siya ay mag-roroadtrip na lang ako. 

Habang naglalakad kaming dalawa ay pinagtitinginan kami ng mga tao, I mean, tinitingnan siya ng mga tao.

Kaya ayoko din kasama ito dahil mas napapansin ako ng mga tao eh. Binilisan ko lalo ang lakad ko para hindi kami magkasabay pero bumibilis din ang paglakad niya na ikinainis ko.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Where stories live. Discover now