Chapter 20

3.4K 67 0
                                    

Anjo's POV


Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Alam kong nasa hospital ako pagkatapos kong mapalo sa ulo, inikot ko ang tingin ko dito sa loob ng kwarto. Pero ang taong inaasahan ko na makikita ko sa pagdilat ng mga mata ko ay wala dito.

"Anjo? Y-you're awake?"

Saad ni Jen. Lumapit siya sa akin at inalalayan ako sa pagbangon ko.

Si Jen lang ang nandito.

Kahit kailan talaga 'yung babaeng 'yon, pagkatapos ko ipagtanggol eh hindi man lang ako bibisitahin?

"Ayos ka lang ba? Teka, tatawagin ko si Tita."

"Where is she?"

Napaisip siya, "Si Elaine ba? Nagbihis lang 'yon. Ilang oras ka niya binantayan dito kaya pinagpalit ko muna."

Natigilan ako at napatitig sa kanya. Lumawak ang ngiti niya.

"Oo, insan. Binantayan ka niya buong oras. Bakit kasi ngayon ka pa nagising kung kailan lumabas siya?"

Nang-aasar pa ang ngiti niya pero bigla rin itong nagpalit sa isang simangot.

"Tsaka ano bang ginawa mo ha?! Grabe akong nag-alala sa'yo! Ganyan ba talaga kapag may jowang basagulera? Nahahawa ka na din?"

"That's not what happened--"

"Heh!!!"

Nagulat ako sa sigaw niya. Ang liit-liit niyang tao pero sobrang lakas ng boses niya. Masakit na nga ang ulo ko pati ba naman eardrums ko.

"Lagot ka kay Tita! Isusumbong kita!"

Sobrang sama ng tingin niya sa akin tsaka siya lumabas sa kwarto. Nahiga na lang ako ulit tsaka pinikit ang mga mata ko. Hindi ko napigilan ang mapangiti dahil sa nalaman.

At least ngayon ay alam kong concern din naman pala siya sa akin.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya kinalma ko ang sarili ko. Pero nang mapalingon ako kung sino ang pumasok ay nabigo na naman ako dahil hindi na naman ang taong inaasahan ko.

Si Dean Juarez at... Queenie.

"How are you, Anjo?"

Tanong sa akin ni Dean. Agad akong napabangon dahil doon.

"Ayos lang po ako, Dean."

Tumango ito. "It's good to hear," napabuntong-hininga pa ito bago ulit magsalita, "I'm sorry that you get involved with Miss Santiago's mess."

Hindi ako nagsalita. Hindi pa niya siguro alam na alam kong siya ang Nanay ni Elaine.

"It's fine... and it's not her fault. Hindi po siya ang nagsimula ng gulo."

Nalipat ang tingin ko kay Queenie, napansin ko ang galos sa mukha niya at iilang kalmot sa mga braso niya.

Tumingin ito kay Queenie. "Sinamahan ko si Miss Larson dahil gusto ka niyang bisitahin... maiwan ko na muna kayong dalawa."

"Salamat po sa pagbisita."

Ngumiti ito sa akin tsaka na lumabas ng kwarto. Naiwan kaming dalawa ni Queenie dito sa loob at hindi ako tumingin sa kanya. Hanggang sa naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. I gritted my teeth.

"Did you do this?" madiin kong tanong.

"W-what?"

Nilipat ko ang tingin ko sa kanya at para siyang nabasang pusa dahil nanginginig ito ng bahagya.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Where stories live. Discover now