Chapter 9

5.2K 86 0
                                    

Elaine's POV


Tapos na rin ang exams sa wakas.

At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakahanap ng apartment.

Nang malaman ni Queenie na hindi pa ako nakakaalis sa bahay ay madalas ay hindi siya umuuwi dahil daw natatakot siya sa akin. Psh, siya ang nagtulak sa akin na ipakita ang ugali kong yon tapos hindi pala niya kakayanin?

Ilang beses na rin akong pinilit ni Mama na tanggapin na ang condo pero dahil matigas ang ulo ko ay hindi ko pa rin tinatanggap iyon.

Ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng oras para maghanap. And this time, I'm with Anjo.

He's wearing a black long sleeve and black jeans. Pati ang suot niyang casual shoes ay itim rin. Galit na galit sa black?

While I'm just wearing a white flowy tank top and denim shorts. Hindi na ako nakapili ng sapatos kaya white vans na lang ang nasuot ko.

"Hindi mo naman ako kailangan samahan,"

"Nandito na ako sa loob ng kotse mo kaya hindi mo na ako mapapaalis."

Napabusangot na lang ako habang nagmamaneho. Kanina ko pa siya gustong sipain palabas dito kay Asul pero alam ko na hindi 'to magpapatalo.

Tumigil kami sa isang apartment, umabot na kami dito sa Los Banos para lang sa apartment na 'to. Sinearch ko lang 'to sa google kaya hindi na rin masama kung i-check ko na rin.

Maswerte na lang ako dahil may available na for one-room lang. Iginala kami ng landlord sa loob ng apartment at hindi ko maiwasan ang mamangha sa itsura nito.

It is a cozy one-room apartment. Hindi siya ganon kalawak pero hindi rin siya ganon kasikip, kumbaga sakto lang.

Lumingon ako kay Anjo na chinecheck ang bawat kandado ng pintuan.

"Is the lock's safe? Hindi ba 'to mabilis masira?"

"Ay, hindi po, Sir. Okay po ang bawat locks namin."

Tumango siya at sinarado niya na nga ang pintuan at sinubukan ang pag-lock nito.

Iginala ko ang mga mata ko sa loob at napansin ko ang malaking pane windows at may maliit na balcony din, napangiti ako habang palapit doon at tinanaw ang view.

Nasa 6th floor kami kaya ayos din ang tumanaw mula dito.

Naisip ko tuloy ang F.R.I.E.N.D.S. May building din sa tapat ng apartment kaya mas lalong naglaro ang imahinasyon sa utak ko. Makikita ko din kaya mula dito si Ugly Naked Guy?

Lumapit si Anjo sa pane windows at siya na ang nag-check kung paano iyon buksan... nang mabuksan niya ay chineck niya ulit ang locks nito.

Why is he so obsessed on checking the locks?

Pumunta siya sa balcony at tumingin sa kaliwa't kanan at tsaka tumango. Nilingon ko ang tiningnan niya at nakita ko na malayo ang balcony ng kabilang room sa akin.

Ano bang iniisip nito? Na mag-aakyatan kami ng kabila sa bawat balconies?

Ibinalik ko na lang ang tingin ulit sa loob ng apartment. I like the floor because it's in parquet flooring. Sa bahay kasi namin ay marble tiles ang flooring, kaya mas komportable tingnan sa mata ang parquet.

Dumako kami sa maliit na kusina, kitchen sink lang ang nakita ko doon at may cabinets naman. Ako na siguro bahala sa sarili kong stove. Connected sa kusina ang high table at high chairs.

"Iyong pintuan na yon Ma'am ay ang banyo."

Nilingon ko ang daan tabi ng kitchen at nakita ang isang pinto.

"Can I check it?"

"Yes, Ma'am!"

Dumerecho ako doon at binuksan ang banyo. It's small but it's okay. It's just toilet sink, toilet bowl and thank God for the shower. Akala ko ay magtatabo at balde ako.

Tumango-tango ako at sinarado na iyon. Nilingon ko ang kurtina na nasa tabi.

"What's this?"

"Ah, kwarto po iyan."

Kumunot ang noo ko at inangat ang kurtina at sumalubong sa akin ang isa ngang kwarto.

"What? Eto ang kwarto pero kurtina lang ang pagharang?"

Seryosong reklamo ni Anjo. Napakamot ako sa ulo, hindi niya siguro gets yung meaning ng one-room apartment?

Tsaka sino ba ang kukuha nito, ako ba o siya?

"Yes, Sir. Close area po kasi kaya hindi na pinto ang nilagay dito."

Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto at wala ngang bintana dito, pero napansin ko itong cabinet.

"Cabinet ba 'to?"

"Ay, Ma'am! It's wall mounted bed po. Foldable bed."

Lumapit siya doon at dahan-dahan na binuksan. Nagulat ako nang ibaba niya ito ay unti-unti naging kama! Tumango-tango ako. Lumabas na kami doon at nahuli ko si Anjo na nakakunot noo pa.

"I like it here." saad ko.

"Right, Ma'am! Hindi ka magsisisi na kunin ito."

Siniko ako ni Anjo kaya nalipat ang tingin ko sa kanya, naka-krus pa ang braso niya habang seryoso na nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay habang nakatingin din sa kanya.

"Magugustuhan niyo pong mag-asawa dito."

Nalipat ngayon ang tingin ko sa landlord habang malawak ang ngiti sa aming dalawa.

"Ah, no. We're not a thing... high school pa lang ako."

Ang ngiti niya kanina ay napalitan na ngayon na gulat.

"Talaga, Ma'am?! Akala ko ay model kayo pareho... ang tatangkad niyo po kasi tsaka maganda ang katawan."

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at sinabi na kukunin ko na itong apartment. Pinaliwanag niya lang sa akin ang monthly rent and anything stuff.

Sa wakas. Nakahanap na rin ako! Makakalipat na rin.

Umalis na kami doon ni Anjo at nakasakay na kami sa kotse pabalik sa Calamba. Napansin ko ang pagiging tahimik niya at nakatingin lang siya sa bintana ng kotse.

"Oh, ba't ang tahimik mo?"

"Tsk. Kukunin mo talaga yon?"

"Why not? I like that."

"Sabi ko naman kasi sayo sa penthouse ka na. Mas secure ka pa don."

Umirap ako. Hindi ko alam kung nakita niya ba 'yon pero naiirita ako sa sinasabi niya.

"Nabayaran ko na yon. Maglilipat na lang ako ng gamit. Wag ka ngang umasta na parang ikaw yung titira don dahil ako naman!"

Ramdam ko ang matalim niyang tingin sa akin kaya lumingon ako. Mabilis niyang iniwas ang tingin niya habang nakakunot ang noo at naka-krus ang magkabilang braso.

Sandali kaming natahimik pero nagsalita ulit siya.

"Fine. Tutulungan kita sa paglipat ng gamit mo."

Hindi ako sumagot at nagmaneho na lang.

"And please, lagyan mo ng kurtina yung napakalaking bintana na yon. Parang awa mo na."

Nalipat ang tingin ko sa kanya. Iyon ba ang kanina pa niyang pinoproblema? Yung pane windows?

Napailing ako at pinagpatuloy na lang ang pagmamaneho habang siya ay nakabusangot pa din hanggang sa makaabot kami sa Calamba.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon