Chapter 5

6.2K 119 0
                                    

Anjo's POV


I look at her and sometimes I wonder... out of all the faces in the world, how did I find that face so perfect?

Nalipat ang masungit niyang tingin sa akin na tipong naiirita pa. Napangiti ako.

"Ayos na ba ang kamay mo?"

Itinaas niya ang kamao niya na may bandage pa, "Oo, kayang-kaya pa sapakin ang mukha mo."

Sumimangot ako. Alam kong iritang-irita na siya sa presensya ko at ilang beses na niya akong pinapalayo sa kanya pero hindi ko magawa ang gusto niya.

Hindi ko ba kasi alam sa babaeng 'to kung bakit sobrang hilig niya sa gulo. Hindi namimili kung sino ang aawayin, masaktan man siya o hindi ay parang wala lang sa kanya.

Tulad ngayon! Nagbasag ng baso at puro sugat na ang kamay niya pero akala mo ay walang nangyari!

Pero... dahil na rin sa hilig niya sa gulo, doon kami nagsimulang mapalapit sa isa't isa.

One year ago. I was in 4th year high school nang makilala ko si Queenie. Napansin ko siya nang lagi siyang nanonood ng training namin ng basketball, ilang beses niya din akong nilalapitan kaya nakilala ko na rin siya.

She's too young kaya hindi ko siya tinutuon ng pansin, hindi naman kasi ako pumapatol sa bata.

She's kind though. She's also pretty. But not my type.

Kapag may free time ay lagi siyang lumalapit sa akin para magpaturo sa isang subject niya, ni-recommend daw ako ng isang prof na turuan siya doon dahil mataas ang grade ko doon. Hindi naman ako nakatanggi dahil tuturuan ko lang naman siya.

Gumagana ang pagtuturo ko sa kanya dahil nakikita ko kung paano tumaas ang scores niya sa quizzes at exams niya kaya masaya akong natulungan ko siya.

Akala ko doon na matatapos pero nakakahanap pa rin si Queenie ng oras para lapitan ako. Pero tuwing lunch ay napupuntahan niya ako at niyayaya na kumain.

Madalas ay hindi tumutugma ang schedule namin sa kanila kaya hindi ko alam kung paano niya iyon napagkakasya para makita ako.

Sumasama na siya sa amin ng mga kaibigan ko na mas ikinagulat ko. Gustong gusto naman ng mga mokong na ito kasama siya dahil masaya daw kasama kasi madaldal.

Psh, she's still 1st year high school, you idiots. 

"May girlfriend ka na ba?" 

Nagulat pa ako sa out of nowhere niyang tanong. Umiling ako.

"Me too, wala akong boyfriend."

I smiled at her, "Bata ka pa. That's good."

Hindi ako assuming pero alam kong may gusto siya sa akin. Pero hindi ko itinatatak yon sa utak ko dahil hindi naman siya nagsasabi kaya hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya.

Salita lang siya ng salita hanggang sa tumahimik ang buong canteen. Pati tuloy siya ay natahimik rin dahil doon... inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang isang babae na kakapasok lang dito sa canteen.

"Oh shit, bakit nandito siya?"

"Nagugutom din naman ang demonyo, bro."

Everyone's know her. She's Elaine, kung tawagin nila ay "Girl Monster." 3rd year siya sa pagkakaalam ko. 

Sumunod ang tingin ko sa kanya hanggang sa makapunta siya sa counter. Nakita ko kung paano umiwas ang mga tao sa kanya at nawala pa sa pila ang mga ito para paunahin siya na bumili. Nang mabigay na sa kanya ang binili niya ay mabilis din siyang lumabas ng canteen at narinig ko ang pagsinghap ng mga tao dito.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon