Chapter 18

3.7K 73 0
                                    

Elaine's POV

Pagkatapos namin kumain ay napadaan kami sa Baskin Robbins, I suddenly crave for sweets kaya niyaya ko siya. Nagpumilit pa siya na siya ulit ang bibili pero isang titig ko lang sa kanya ay hindi na rin siya nakapagsalita.

Naglakad kaming dalawa sa may garden dito sa Ayala Malls. Gabi na kaya konti na lang ang tao. May ilan din na nakatambay dito sa garden. And here we are, tahimik lang kami na naglalakad habang kumakain ng ice cream.

Hindi ko alam kung saan kami papunta at hinahayaan ko lang ang mga paa namin na maglakad. But... it's peaceful. Because it's not where you walk, it's who walks with you.

Natigil kami sa isang bench dito sa may garden kaya nagpasya kami na maupo doon.

"Are you okay?"

Nalipat ang tingin ko sa kanya kaya nagkatinginan kami.

"Of course."

Tumango siya. "Nag-enjoy ka ba?"

"Oo naman. Ramdam ko ang birthday ko lalo na kanina sa resto."

He smiled then sighed. A relief sigh. Natahimik ulit kami. Lumingon ako sa paligid at may ilang christmas lights na din dito dahil November na rin.

"Kapag birthday ko... pumupunta ako sa puntod ni Papa."

Hindi ako lumingon sa kanya, but in my peripheral vision, he's already staring at me.

"Simula nung umalis si Kuya, sa sementeryo na ako lagi nagcecelebrate ng birthday," I scooped at my ice cream, "Kaya nga sana hindi siya galit kasi hindi ako nakapunta ngayon kung kailan dalaga na ang anak niya,"

Hindi siya nagsalita at nakikinig lang sa mga sinasabi ko. So, I looked at him. Ilang segundo din kaming nakatitig sa isa't isa.

I smiled. A sincere one. "Kaya... salamat sa'yo, Anjo."

Kita sa expression niya ang pagkabigla. Para bang ngayon niya lang ako nakita na ngumiti. O nagsabi ng pasasalamat?

"Oh, 'yung ice cream natutunaw na." pang-aasar ko.

Hindi pa siya natauhan ng ilang sandali, inangat ko ang ice cream ko kaya nalipat din ang tingin niya sa ice cream niya na kanina pa tunaw.

Gabi na at may pasok pa kinabukasan kaya nagpasya na kaming umuwi. Hinatid niya ako hanggang dito sa apartment. Nakatayo pa din ako sa harap ng building habang tinitingnan ang kotse niya papalayo, hanggang sa lumiit na lumiit ito sa paningin ko at tuluyan nang makalayo.

Pumasok na ako sa building at bago ako mapasok sa elevator ay may tumawag sa akin.

"Miss Elaine?"

Lumingon ako sa kanya at ito iyong receptionist.

"Yes?"

"Ah... may nag-iwan po dito ng regalo para sa inyo.

Lumapit ako doon. Yumuko ito para kuhain sa ilalim ng desk ang sinasabi niyang regalo. Pagkatayo niya ay may hawak nga siyang isang puting paper bag at box ng cake.

"Kanino 'to galing?"

Sandali siyang nataranta at kinuha ang isang log book. "Uh... galing po kay Miss Linda Juarez."

Bahagya akong nagulat. Galing 'to kay Mama?

Hindi na ako nagtagal doon at kinuha ko na ang regalo na iyon hanggang sa maakyat na ako sa kwarto ko. Inilapag ko sa lamesa ang paper bag pati na ang cake na hawak ko. Dalawa na ang cake ko ngayon dahil sa bigay din kanina ni Jen. Mabuti na lang at hindi ko inuwi ang cake kanina ni Anjo kundi mukhang cake ang magiging hapunan ko sa isang buwan.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Where stories live. Discover now