Chapter 29

3.1K 55 0
                                    

Elaine's POV


Pagkatapos ng isang linggo ay bumalik na nga kami sa Pilipinas. Kasama ko si Seth dahil gustong-gusto na rin niya talagang umuwi at hinihintay niya lang talaga ako na pumayag.

Pagkababa pa lang namin ng eroplano ay sagana na agad sa init kaya hinubad ko agad ang blazer ko. I'm wearing white high neck racerback crop top, flared jeans and stilettos. Nakakapanibago na umapak ulit sa Pilipinas.

May mga media na nakakilala sa akin kaya panay ang kuha nila ng litrato.

"Grabe, ang gwapo ko talaga."

Saad ni Seth habang ang yabang pa ng pagkakalakad at kumakaway pa sa mga tao. Umirap ako at inabot sa kanya ang handbag ko.

"Sa gwapo kong 'to pagbubuhatin mo lang ako ng bag mo?"

"Gusto mo bang iwan kita dito sa Pilipinas?"

Nanlaki ang mga singkit niyang mata, "Joke lang! Saan na tayo punta, boss?"

Sumakay na kami sa van na naghihintay sa amin. At ang unang pinuntahan namin ay ang puntod ni Papa dahil gusto rin ni Seth na makita ito. Nakadungaw lang ako sa bintana buong byahe. It feels so nostalgic coming back here.

Pagkarating namin sa sementeryo ay nakita ko kung gaano kaayos at kalinis ang puntod ni Papa. I smiled.

"Hi, Papa. Long time, no see." Umupo ako at hinaplos iyon. "Sorry kasi hindi ko natupad ang gusto mong maging Nurse ako... Are you still proud of me?"

Tahimik lang ang buong paligid. Hanggang sa umupo na rin si Seth sa tabi ko at hinaplos ang likod ko.

"I'm sure he's more than proud of you."

Tumingin ako sa kanya at ngumiti siya sa akin, ngumiti rin ako sa kanya. Inangat niya ang kilay niya at bumulong.

"Pakilala mo na 'ko."

Napawi ang ngiti ko at umirap sa kanya kaya bumalik ang tingin ko kay Papa.

"This is Seth."

Sandali kaming natahimik, hanggang sa marealize ni Seth ang sinabi ko.

"Ha? Yun lang? Wala man lang mga papuri, ganon?"

"Wag na. Hindi ka naman kapuri-puri."

"Psh."

We stayed for a while to pray to Him. Pagkatapos ay humiwalay sa akin ng landas si Seth dahil may gusto daw siyang puntahan, hindi ko na rin siya napigilan dahil kailangan ko nang puntahan ang client ko kaya sinabi ko sa kanya na tawagan na lang ako pagkatapos niya.

I'm on my way to BGC dahil doon ang meet-up namin. I'm not really familiar with here kasi laki talaga ako sa Laguna. Sa tingin ko ay ito na rin ang pagkakataon ko na maglibot sa sarili kong bansa.

Tumigil kami sa tapat ng isang building. Pagkabukas pa lang ng van ay sinalubong na ako ng mga tao.

"Welcome, Miss Elaine!" she smiled at me, "I'm Gina from Patchbury Vintage. It's nice to finally meet you."

Inabot niya ang kamay niya sa'kin kaya inabot ko rin 'yon, "Yeah, you too."

"This way."

Pumasok kami sa loob ng building, well, it's nice. It's a six-storey building. Madaming tao sa loob na mukhang inaabangan ang pagdating ko, may ilan na kumakaway at binabalikan ko lang sila ng isang ngiti, at tsaka kami pumasok sa isang elevator.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Where stories live. Discover now