Chapter 35

2.7K 52 0
                                    

Elaine's POV


"Hindi ko alam kung ako na ba yung assistant mo at hindi na si Sancha,"

Nilingon ko si Seth, "Ginusto mong sumama sa'kin dito sa Pilipinas kaya ipakita mo naman na may pakinabang ka,"

He murmured what I just said and rolled his eyes. Natutuwa pa akong asarin siya na bilisan niya habang siya ang may buhat lahat ng shopping bags na binili ko.

Ilang linggo na lang ang itatagal namin dito sa Pilipinas kaya naisipan ko na mag-shopping.

Bawat clothing store na papasukan namin ay nagugulat sa tuwing makikita ako, nakasuot ako ng shades at bucket hat kanina pero dahil karamihan sa napuntahan kong stores ay bawal 'yon ay napilitan na lang akong hubarin at hayaan silang makiusisa sa'kin.

Napili na namin kumain ni Seth, lunch na at sinabi ko na ililibre ko na siya kaya nabuhay muli ang katawan niya at sumigla.

Pumasok kami sa isang resto at inasikaso agad kami ng assistant habang naghahanap ng upuan para sa'min. Wala pa kasing avail na 2 persons seat.

Napukaw nang paningin ko sa katabi namin na naghihintay din.

"Elaine? Is... that you?"

Natigilan ako nang magtama ang tingin namin. Halos hindi ko siya nakilala.

"Colleen..."

Hindi niya alam kung ngingiti ba siya, lalapit sa'kin, kung kakausapin ba niya ako... dahil alam naman namin sa isa't isa na hindi maganda ang naiwan naming alaala nitong nakaraang taon.

"How are you?" panimula niya.

"I'm good."

Tumango siya at tumingin sa tabi ko. Nilingon ko si Seth na nakalingon na rin kay Colleen. Nilipat ni Seth ang tingin sa'kin na nagtatanong gamit ang tingin niya.

"Ah, Seth. This is... Colleen."

Panandalian na naningkit ang mga mata ni Seth, at ilang sandali lang ay mabilis din niyang na-proseso kung sino si Colleen. Mabilis niyang inilahad ang kamay niya dito.

"Nice to meet you."

Inabot rin naman agad 'yon ni Colleen, "You too." then she smiled.

Nag-iba ang aura niya. Huminhin na siya ngayon... I mean, sa ganitong pamamaraan ko talaga siya nakilala at naging kaibigan. Nawala na 'yung aura sa kanya na pagiging maldita. Ang maikli niyang buhok noon ay sobrang haba na ngayon.

Hindi ko napigilan tingnan ang pigura niya at nakita ko na lumaki... ang dibdib niya. Nilingon ko ang sarili kong dibdib pero sandali lang. Parang ang unfair ng mundo.

"Uh, this is Alec, my husband."

Natigilan ako. What?

Lumapit sa'min ang nasa likod niyang lalaki habang may hawak na batang lalaki. Natuon ang tingin ko sa bata. Don't tell me...

"And this is Ryden, my son."

Tuluyan nalaglag ang panga ko. Kasal na siya? At may anak na?

Nilahad ni Alec ang kamay sa'kin habang ang isang braso ay nakahawak pa rin sa anak niya. Malaki ang pangangatawan nito at hapit sa kanya ang suot niyang blouse.

"It's finally nice to meet you, Elaine. Nakukwento ka sa'kin ng asawa ko."

Nakita ko ang pagkalabit sa kanya ni Colleen dahil sa sinabi nito. Mabilis kong inabot ang kamay nito at nakipag-shake hands. Ganon rin ang ginawa niya kay Seth.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Where stories live. Discover now