Special Chapter part 2

51.9K 899 152
                                    


Yung girl sa taas ay si Kim. Haha

==

(Nathan's P.O.V.)


May inutusan na lang ako na sunduin si Mika kapag nagising na siya. And when she came, tapos na ang performance ko. Ang totoo, hindi ko na-enjoy ang pagkanta ko kanina dahil sa problema ko. Iniba pa 'yung sched ko kaya napauna ako sa pagpe-perform. Hindi na niya ako naabutan. Hindi ako galit sa kanya pero pinili ko na lang magalit. Wala akong masabi. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang lahat o ano. I chose to leave her, wala akong magawa. Baka masaktan ang mama niya kapag may nakita si Mama sa 'min. Siguradong marami siyang taong inutusan para subaybayan kaming dalawa.

I lied to her. Sinabi kong hindi mahanap ni Andrea ang susi wherein fact I just didn't wake her up dahil gulong-gulo ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya.

Nakaupo lang akong nag-iisip nang lumapit sa 'kin si Andrea.

"Nathan."

"What are you doing here?"

"Telling that to your manager, isn't that too much Nathan? You're being rude," sabi ni Andrea.

"Tsss..."

"Just give her up. Kaya kitang pasikatin. Kaya kong gawin ang lahat para sa pangarap mo as your manager, and ." Tiningnan ko siya nang masama pero hindi pa rin siya tumitigil sa paglapit sa 'kin.

"Just say yes, Nathan. Hindi ka magsisisi. Be mine." She leaned towards me and kissed me.

Inilayo ko siya.

"Tigilan mo ako, Andrea!"

"Isang tawag lang at madali kong masasabi sa mama mo ang mga ginagawa mo sa 'kin. Gusto mo ba 'yun? Your ex girlfriend is in danger. Remember that, Nathan. I'm not really like this. You made me like this."

Nag-init lalo ang ulo ko sa sinabi niya.

"You have no choice, babe," She kissed me again. "Nathan, don't make me mad. Kapag ako na mismo ang nainis, sisiguraduhin kong mas gugustuhin pa ni Mika na hindi mabuhay. Your mom plus me, it'll be great isn't it?" She smiled then kissed me again.

Mas lalo niya akong inakit. "Kiss me, Nathan..." muli niyang sabi sabay halik sa 'kin.

I closed my eyes.

Damn it. I'm sorry Moo.

Sorry.

I kissed her too as she wish. At habang ginagawa ko ito, I cursed Andrea in my mind. Sht! Sht! Sht! I can't imagine that I will be controlled like this. I am Jonathan Smith pero wala akong magawa.

Matapos ang lahat, hinanap ko si Mika pero hindi ko siya nakita. Tinawagan ko siya pero agad na kinuha ni Andrea ang cellphone ko.

"For sure nasa dorm na 'yun. Let's go," nakangiting sabi niya sa 'kin.

Inis na inis talaga ako sa babaeng ito. Kung pwede lang, binugbog ko na 'yan eh. Ang lakas lang ng backup niya dahil mama ko pa.

"Sino 'yang kasama mo?" tanong ni Warren nang makita si Mika na kasama si Tristan pagkadating namin sa dorm. Nasa labas sila ng pinto. Aish, anong ginagawa ni Tristan dito?

Ngayong araw ko rin nalaman na gusto niya ang babaeng mahal ko. My best friend Tristan really knows how to choose the right girl. Sigurado ako na hindi si Mika ang mga tipo niyang babae pero nagkagusto siya dito. Matagal na akong nagkakahinala sa bagay na ito pero ngayon ko lang nakumpirma nang umamin talaga siya sa 'kin.

At sobrang sakit hindi dahil nalaman ko ang bagay na iyon. She said goodbye to me. I don't want this to end. Ayoko. Hindi ko kaya pero wala akong magawa.

"Tama na, Nathan! Tumigil ka na!" sigaw ni Mika nang akmang susugudin ko na naman si Tristan. Damn it! Why her, Tristan? Why Mika?

"Are... are you defending him?" tanong ko. Hindi ako makapaniwala na ako pa ang pinapatigil niya.

"Oo, kaya aalis na kami ngayon. Magsama kayo... kayo ng malanding Andrea na 'yan!" Tinuro niya si Andrea. May alam ba siya sa nangyayari? Imposible! Tulog siya kagabi nung kausap ko si Mama.

"Anong?" sabi ni Andrea.

"Kunwari ka pa! Magsama kayong dalawa!" sigaw ni Mika.

Itinayo niya si Tristan. Tinawag ko siya.

"Moo."

Ngayon ko lang yata uli siya natawag ng Moo. Pero sa halip na lumingon siya sa 'kin, sinabi niyang...

"Goodbye." Kinuha niya ang maleta niya.

Susundan ko siya, hindi pwedeng magtapos kami nang ganito. At ayoko.

"Nathan! Dito ka lang!" utos ni Andrea sa 'kin. Napatigil ako nang nasa may pinto na ako.

May tumatawag sa cellphone ko. Agad kong tiningnan kung sino iyon. Damn it! Ano na naman ang kailangan niya?

"Hello."

[Jonathan, you're starting to be obedient. Pero winawarningan uli kita, tigilan mo ang babaeng iyon.]

"How could you do this to your own son?" manginig-nginig na sabi ko.

[I'm your mother. And I know what is the best.]

"The best for your company."

[Shut up! Lahat ng ito ay para rin sa iyo. Kaya sumunod ka na lang!] sabi niya sabay end ng call. Lumapit si Andrea sa 'kin pero tinabig ko 'yung kamay niyang lumapat sa katawan ko.

"Leave me alone." Tiningnan ko si Warren at alam na niya ang gagawin. Inilayo niya si Andrea. Umalis ako at hinanap kung nandun pa si Mika sa baba pero wala na sila, baka nakasakay na sila ng taxi.

"Aaaaahhhhhhh!!! Fck!"

***

Andrea gave me the contract. Tiningnan ko ito at saka ginusumot.

"I won't sign it," matigas kong sabi sa kanya.

Hindi ko matawagan si Moo dahil na kay Andrea ang cellphone ko. Damn it!

"Marami akong ganyan kaya kahit ilang punit at gusumot ang gawin mo dyan, wala kang mapapala," sabi ni Andrea.

"Ikaw ang walang mapapala," sabi ko sabay alis.

Para akong nasa kulungan. Wala akong magawa dahil kina mama at Andrea. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. It's like killing me. I saw Andrea holding my phone while looking at my cellphone chain. She removed it from my phone and placed it in the garbage can. What the hell!

"Fck it, Andrea!"

Damn it! Kinuha ko agad 'yung chain sa garbage can. What the hell! Nang makuha ko ito ay tiningnan ko kung may nasira o ano. Mabuti na lang wala.

"Ano bang problema mo, Nathan? Cellphone chain lang 'yan!" sabi ni Andrea.

"You don't know how important it is." I looked at her with a blank expression. "More important than your life." I left her speechless.

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon