Special Chapter part 1

49.2K 903 92
                                    

Special Chapter

(Nathan's P.O.V.)

Flashback: Canada

I'm so happy that she's really here with me. Masaya kaming dalawa.

Ang cute niya habang hinahawakan 'yung abs ko. A little childish... yeah, but the hell, I swear if you see her face like this, you'll fall in love even more. That's why I'm like this, I love her to death.

I got mad earlier when I saw her smiling alone inside my car. Damn it! I think I can kill because of her. I'm just afraid that she'll find someone better than I. This sucks. Fck.

I really have this urge to kiss her... forever.

"Ang hot," bigla na lang nasabi ni Mika habang hawak ang abs ko. Natawa ako at alam kong napahiya siya sa nasabi niya. God dammit! She's really cute as always!

Mayamaya, nakarinig kami ng mga yabag ng paa sa labas ng pinto. Damn, they're already here. Dumating sina Andrea. Minura ko sila nang minura sa isip ko dahil ang bilis nilang makauwi. Gusto ko sana munang masolo si Mika. I really wanna kick their ass for disturbing us.

Ipinahiram ko muna ang kwarto ni Jun-jun sa kanya. Buti na lang at madaling kausap ang isang 'yun. Akala ko kailangan ko pa siyang pahirapan.

Tutulungan ko dapat siyang ayusin ang mga gamit niya pero ayaw niya. Nahihiya dahil makikita ko raw 'yung mga undergarments niya. Napangisi ako. Nakita ko na may condom sa loob ng maleta niya kaya kinuha ko ito. Siguro nahihiya siya sa akin dahil gusto niya nang... Darn, gusto niya ba? Dahil matagal ko nang gusto pero hindi pa ito ang tamang panahon para sa amin na gawin ang bagay na iyon. Not until I marry her.

"Waaah! Akin na 'yan!" Sinusubukan niyang kunin 'yung condom sa kamay ko pero hindi niya makuha dahil maliit siya.

"Bakit ka nagdala nito, Mika? Anong naiisip mong gagawin natin?"

"Hindi ako ang naglagay niyan ah! Si Nicole! Kaya wala akong kinalaman dyan!"

"Haha! You wanna—"

"Ewan ko sa 'yo! Huwag mo nang ituloy ang sasabihin mo, Nathan!"

"Hahaha! Sige na... sige na." Inihagis ko sa kanya ang bagay na ito. Pagkatapos ay hinalikan ko siya sa noo bago lumabas ng kwarto.

I need to get out of there as soon as possible. Why? Because of my stupid hormones.

Walang magawa dito sa labas. Nandito pa 'yung bwisit na Andrea na 'yun. Kinikilabutan ako kapag nakikita ko siya. 'Yung pakiramdam na wala naman siyang ginagawa sa 'yo pero alam mong nagpapa-cute siya? Kinikilabutan ako. Nakakainis ang mga babae. Buti na lang at hindi ganun si Mika. Ang swerte ko.

I didn't expect this coming on our third day together here in Canada.

"And for you Mr. Smith, you'll have a two-year contract with WPD. Sila ang bahala at magpo-produce ng magiging first album mo. Isn't it great? Nakitaan ka nila ng talent and I told you... sumisikat ka na talaga!"

"Nakipag-usap ka ng hindi sinasabi sa 'kin?" seryosong tanong ko.

"Why? It's my job. Besides, hindi pa naman kayo nagpipirmahan ng contract kaya wala kang dapat ikagalit."

"Lahat ng gagawin mo, dapat sinasabi mo sa akin!" Pinangungunahan na naman niya ako. I know she's my manager but the fck I care!

Itinapon ko 'yung papel sa kanya at tumingin kay Mika na mukhang maiiyak na. Oh no... Please, don't cry.

Lumabas siya ng silid kaya sinundan ko siya. Gulong-gulo siya at this moment. Ayaw niya muna akong makausap kahit gusto kong ipaintindi sa kanya na hindi ko alam ang nangyayari. Pumasok na siya sa kanyang kwarto habang umiiyak. Alam kong malungkot siya. And I can't take it kung magagalit pa siya sa 'kin.

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon