Chapter 44: Tristan's girl

50.1K 902 104
                                    

(Mika's P.O.V.)

Umalis muna ako sa pool area at iniwan si Tristan. Habang mabilis ako sa paglayo na hawak ang cellphone ko, naghahanap ako ng parte ng bahay na wala masyadong tao. Sa huli, lumabas ako ng gate nila.

Sa wakas, tahimik na rin. Makakausap ko na si Nathan.

Medyo kinakabahan pa ako ngayon kasi hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ito kasi ang unang beses naming mag-uusap simula noong umalis siya.

"H-hello, Moo."

"God, how I miss your voice." Medyo husky ang boses niya ngayon. Mukhang pagod siya base sa boses niya.

"N-nathan..."

"Mika..."

Katahimikan ang umiral. Walang nagsasalita. Gusto kong sabihin na miss na miss ko na siya. Na sobrang lungkot kapag wala siya sa tabi ko. Gusto kong sabihin na okay lang kahit sigawan niya ako parati basta nandito lang siya. Kaysa ganitong walang naninigaw sa 'kin.

Nakakalungkot.

[Where you at? You were in a crowded place earlier, Mika.] -___-

"Ahh, ano kasi.. Nandito kami sa bahay ni Tristan."

[What the fck are you doing there?!]

"Anniversary kasi ng parents niya. Nandito rin sina Arden at Nix."

[Mmm...] feeling ko 'yung pagsasabi niya ng 'mmm' ay parang tumatango-tango siya. [Maayos ka ba dyan? Kumusta ka na?]

"......"

[Moo...]

"I... I miss you, Moo *sniff* Grabe! Sigawan mo na ako lagi dito oh! Okay lang sa 'kin! Ang hirap pag wala ka. 'Di ako sanay. *sniff* P-pati kahit ligawan na lang kita dito habang buhay oh! Kasi ang hirap! Tayo nga pero magkalayo naman! Hindi katulad dati nung nililigawan kita, nandito ka lang. Lagi kitang nakikita."

Pinipigilan ko ang aking mga luha pero hindi ko kaya. Iyak ako ng iyak kaya naman ganito ang nangyari. Puro ako hikbi.

Patuloy sa pagtaas at baba ang dibdib ko dahil sa paghikbi.

[Mika...]

"Nathan naman eh!!"

[Mika...]

"Sana.. sana magkasama tayo ngayon! Dapat sa mga oras na ito, kinukulit kita tapos naiinis ka sa 'kin, 'di ba? Ganun dapat eh... Kaso nandyan ka! Ang layo mo! *sniff*"

[Mika... listen.]

"Gusto na kitang makita... Waaaah!"

[Listen.]

"Waaah, Nathan!"

[Mika... Listen to me first.]

"Waaaaah!"

[ I said listen! You idiot girl! Paimikin mo muna ako, pwede?! Fck it! You're fcking loud!]

*sniff*

[Makikinig ka na ba?] Tumango ako.

[Makikinig ka na ba?] Inulit niya 'yung tanong sa malakas na boses. Mukhang naiinis na naman siya sa 'kin.

"Waaaah! Tumango kasi ako! Nakalimutan kong tawag nga pala ito kaya hindi mo nakita 'yung pag-nod ko."

[Pffffttttttt!]

"Hey! Tinatawanan mo ba ako?!"

[You're unbelievable. Pa'no ko nga ba makikita 'yung pag-nod mo eh tawag ito? Tsk. You are so slow, Moo. Kung may gamot lang para mapataas ang IQ mo, bibilhan kita ng isang truck.]

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon