Chapter 9

82.6K 1.3K 100
                                    

Ngayong nag-birthday si Nathan ay 18 years old na siya. Nauna maging 18 sa kanya sina Tristan at Arden. Grabe talaga yung mga yun! Ang babata pa nila pero ang dami nang kalokohan na alam! Teka nga, kung 18 years old na silang tatlo, bakit nasa high school pa rin sila? Hindi ba dapat college na sila ngayon?

Aish! Bahala na nga muna sila! Ang poproblemahin ko muna ay itong quiz ko.

“Saan ko ba i-aadd 'to? Tsk. Ano ba yan! Puro X ang hinahanap!” May quiz kami ngayon sa Math. Waaah! Kainis! Ang hirap naman! Buti na lang may one to five na True or false kaya siguro naman may tama na ako dun.

Ang daya ni ma’am! Dapat ginawa na lang niyang 10 items ang true or false para mas malaki ang chance namin na makatama!

“Miss Mendoza!” saway sakin ni ma’am.

“Sorry po.”

Nagpatuloy na ako sa pagsagot. Kainis talaga! Kahit kalugin ko 'tong utak ko wala talaga. Haaay. Curse you Mathematics! Curse you Trigonometry!  

Tingin sa kaliwa...

Si Joshua lang naman kasi ang katabi ko dahil nasa likod kaming dalawa. Yeah right! Kami lang dalawa ang nandito.

Sa dinami-rami naman, bakit itong baklang madamot pa magbigay ng sagot ang nakatabi ko! Badtrip!

Aish! Hirap manulad kung puro solution! I’m dead! So so so dead! Pinangkakamot ko na ng ulo ko yung ballpen na kanina ko pang hawak.

“Last 10 minutes!” sabi ni ma’am.

Ayoko na! Suko na talaga ako. Napatingin na lang ako sa pinto. Masaya ako nang makita kong dumaan si Nathan pero agad iyong napawi nang makita kong mayroon siyang kasamang babae. Babaeng yumakap sa braso niya... sa maganda niyang braso. Hindi! Sino ang lapastangan na iyon?!

“Ma'am!” Tumayo na ako saka ibinigay sa kanya yung test paper ko. Kinuha ko na rin ang bag ko saka biglang lumabas ng room.

“Nathan!” Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako naririnig dahil malayo na sila. Tumakbo pa ako para mas makalapit sa kanila. “Nathan! Nathan!” sigaw ko. At sa wakas ay tumigil na sila.

Pumunta ako sa harap niya. Hinihingal pa ako kaya hindi agad ako makapagsalita.

“Ano?”

Tumingin ako sa babaeng kasama niya. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

“Sino siya?”

  

“Im his girlfriend.” Masayang sagot ng babae. Hindi naman siya yung tinatanong ko pero siya yung umimik. Tss. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkapit sa braso ni Nathan na siyang kinairita ko.

“Totoo? Totoo bang girlfriend mo siya?!” Hindi makapaniwalang sabi ko. Sana hindi totoo. Sana talaga... Dahil hindi ko kayang tanggapin na may nagugustuhan na si Nathan. Kahit hindi niya ako gusto, basta single siya ay masaya ako. Pero ngayong taken siya? Hindi ko matatanggap!

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon