Chapter 14

71.3K 1.3K 55
                                    


Heto na naman sila at nag-iinom kaya nakikisali na naman ako. Ayoko naman ma-out of place ano!

“Pare wala ka nung nagpunta kami sa fresto's bar! Yung mga chix dude! They're so fcking hot! Galing pa raw sa Cavite ang mga yun!” sabi ng mokong na si Arden kay Nathan.

“Pakialam ko ba?” Poker face lang naman syempre ang prinsipe ko.

“Oo nga ano bang pakialam nya ha?” mataray ko namang sabi. Binatukan naman siya ni Nicole.

“Hoy kulugo, wag mo ngang idamay si Nathan sa mga kalokohan mo! Magsama na lang kayo ni Tristan!” Nicole.

“Hoy! Anong ako?!” Natatawang tanong ni Tristan sa kanila.  

“Sus. Kunwari ka pa! Isa ka rin namang playboy! Ewan ko ba sa inyo.” Umiling naman si Nicole.

“Nagseselos ka lang naman kapag may kasama akong iba eh. Sabi ko naman sayo, ikaw na lang girlfriend ko.” Sabi ni Arden kay Nicole.

“Ano ka ba! Tumigil ka ngang kulugo ka!” Nag-away na silang dalawa dahil dun. Pero kilala ko si Nicole, kahit na pinapakita niya na naiinis siya kay Arden ay alam ko kung ano ang nararamdaman nya talaga. Ganyan din kasi siya sa una niyang boyfriend... Baka gusto na rin niya si Arden. Tsk. Bakit iyon pa? Ang playboy kaya ng mokong na yun!

“Aray! Pucha naman! Ang sakit!” Sigaw ni Arden nang kurutin siya ni Nix sa bewang. Ayan, buti nga sayo! 

“Teka, i-check ko muna si Faye sa kwarto.” Tumayo si Tristan at tumingin kay Nathan. “Alam ko naman na nag-aalala ka rin sa kanya ‘di ba? Pinsan mo yun eh.”

Umiwas lang ng tingin si Nathan pero mukhang nag-aalala rin naman siya sa ginawa niya sa pinsan niya. Ang taas din kasi ng pride nya.

Tumabi ako sa kanya at binigyan siya ng mansanas. “Gusto mo?”

“Thanks.” Kinuha niya iyon at kinagatan. Kitang-kita ko pa ang paglapat ng labi niya sa mansanas na para bang nag slow motion ito. My gaaaad! Ang ganda ng labi niya! Bigla ko pang naalala yung scene kanina noong hinalikan niya ako.

“Para kang tanga dyan.” bulong sakin ni Nathan.

“Ha?”

“Pa ngiti-ngiti ka at namumula ka.” Napainom na lang ako ng beer sa sinabi niya. He smirked.

“B-bakit?”

“Sige lang uminom ka lang. I like you getting drunk.”

“Ha? Bakit naman?!”

“Basta kasama ako, it’s okay to get drunk. Dahil gustong-gusto kong ako lang ang tinatawag mo kapag nalalasing ka.” Bulong niya.

“Huwag mo nga akong lokohin!” Itinulak ko siya para ilayo sakin. Nahiya ako bigla!

“Sus! Ang sweet nyo! Tara na nga Nicole! Magswimming na lang tayo doon!” Arden.

“Ha?! Tayong dalawa lang?!” Nicole.

“Oo. Tara na! Iwan na natin ang dalawa dyan!” Walang nagawa si Nicole nang hilahin na siya ni Arden papunta pool.

Nang umalis na yung dalawa ay nilingon ko na naman si Nathan.

“Nathan, ikaw! Pinaglalaruan mo ako!” Bumuntong hininga siya at tumayo na. “Teka, saan ka pupunta?”

“Matutulog na.”

“Iiwan mo ako?”

“Matulog ka na rin.”

May mga hindi talaga ako maintindihan sa kanya. Yung kiss, yung pagiging mabait niya sakin kanina, pero ngayon? Parang ang suplado na naman niya at ayaw niya akong makasama. Ano bang problema? Ang hirap talaga ligawan ng isang Jonathan Smith!

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon