Chapter 18

89.2K 1.2K 97
                                    

(Nicole's POV)

What the hell?! Totoo ba ang sinasabi ng bestfriend ko? Oh baka naman sa sobrang pagkabaliw niya kay Nathan ay naging totoong baliw na talaga siya?!

"Mika, nag-i-illusyon ka na naman ba dyan? Dahil kung oo, pwedeng itigil mo kasi hindi nakakatuwa?"

"Pero totoo nga yung sinasabi ko! Bakit ba hindi ka maniwala!" Mika.

"So nag-date kayo?" She nodded. "At nagpaalam pa siya sa mama mo? Yung... yung suplado prince na yun gagawin yun?! Impossible!"

"Oo!" Natutuwang sabi niya. Kilig na kilig pa nga siya habang nagkukwento. Mukhang may nangyayaring hindi ko alam.

Yung supladong yun? Eh mailap yun sa babae eh! Si Honey Faye lang ata ang nagtyatyaga dun na dumikit maliban dito sa bestfriend ko. Kung si Arden pa yung nagyaya, mas maniniwala ako dahil playboy ang isang yun! Pero subukan lang niyang yayain si Mika patay siya sakin! Oo nga at gusto ko siya pero hindi ako papayag na pagtripan niya si Mika!

"At doon pa ako natulog sa mansyon nila at—"

"Oh my God, Mika! May nangyari?!" 

Hindi ako makapaniwala! May nangyari sa kanila! Sa kanila ng suplado prince na yun!

"Bakit Mika?! Bakit mo ibinigay ang perlas ng silangan mo?! Huhuhu!" Inalog-alog ko siya. "Bakit mo agad ibinigay! Ang iniisip ko pa naman ay ako ang mauuna sa ating dalawa!"

"Nicole!"

"He-he-he! Joke lang! Pero ano nga? Kayo na ba? O baka naman pinilit ka nya?" Humawak ako sa baba ko at inisip ang mga posibleng nangyari ng gabing yun.

Imagination number one:

Nathan: Mika...

Habang nakahiga si Mika sa kama ay unti-unting lumalapit si Nathan. Gumagapang na ito sa ibabaw ni Mika kaya nagtaklob ng kumot si Mika.

Mika: Wag Nathan... Hindi pa ako ready!

Nathan: Okay lang yan, Mika. 'Di ba gusto mo naman ako? Ito na ang pagkakataon mo.. Rawr!

Mika: No! Nooo! Nathan please...

Tinanggal ni Nathan ang kumot ni Mika... Nanlilisik ang mga nito na nakatingin kay sa kanya.

Nathan: Mika... Rawr!

Mika: Waaaah!

End of Imagination.

"Hmmm... teka? Parang imposible naman ata yung iniisip ko?" Tama. Imposible nga yun! Kasi si Mika ang may malaking pagkagusto kay Nathan. Hindi kaya?

Oh no! Nagawa yun ng kaibigan ko?!

Imagination number two:

Nathan: Aaaahhhh! Lu-lumayo ka sakin! Ahhh!!!

Napasandal sa dingding si Nathan... wala na siyang mapupuntahan... Na corner na siya ni Mika.

Mika: Bwahahahaha! Mapapasakin ka Nathan kahit anong mangyari! Akin ka lang! Akin! Gggrrr!

Nathan: Please Mika, maawa ka. Virgin pa ako!

Mika: Virgin pa rin ako pero wala akong pakialam! Nathan, halika na!! Gggrrr!

Nathan: Aaaaah! Lumayo ka sakin! 

Tumakbo si Nathan nang lapitan siya ni Mika at dumiretso sa pinto. Naka lock ito! Lagot! Wala na siyang takas kay Amazona girl! Nagpaputok muna ng mga daliri si Mika. Takot na takot si Nathan kaya napaupo siya sa sobrang takot sa halimaw na si Mika.

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon