Chapter 29: Kim, Clarisa, Christine

56.3K 970 99
                                    

(Mika's P.O.V.)

Tanggap na raw ako. Wow! Iyon ang sabi sa akin ni Tristan. Nakakaloka! Hindi pa ako nai-interview, natanggap na agad ako! Mabuti na lang at kaibigan ni Tristan 'yung manager dito. Kilala rin kaya niya ang may-ari nito?

Pwede na raw akong mag-start ngayon kung gugustuhin ko. Okay lang naman tutal may nakahanda na pa lang uniform para sa akin. Sosyal dito kasi kahit kaming mga employees ay may locker na may salamin pa sa loob!

At.... ang ganda ng uniform namin! Hahaha! Black and white na parang sa anime.

Pagkatapos kong magpalit ng uniform ay lumabas na ako para magpakita kay Tristan.

"Tadah!" Umikot pa ako sa harap niya.

"O, ayan. Bagay! Tsk! Ikaw lang pala ang kailangan ng restaurant na ito para mas lalong gumandang tingnan."

Mayamaya ay may dumating na isang medyo chubby na lalaki. Kahit gano'n siya ay malinis at professional siyang tingnan.

"Manager Shi," bati ni Tristan dito.

Lumingon sa 'kin si Manager Shi. "So you must be the new employee? Mika Mendoza?"

"Ah, opo sir."

"Bagay na bagay sa 'yo ang uniform namin ah? Halika! Ipapakilala kita sa iba."

Hinila niya ako. Pumalakpak siya ng tatlong beses dahilan para tumigil ang lahat sa kanilang mga ginagawa.

"Guys, her name is Mika Mendoza. Siya ang bago niyong makakasama rito."

"Hello sa inyong lahat!" Nag-bow ako at ngumiti sa kanila. Lahat sila ay nakangiti rin sa 'kin.

"Hi, ako nga pala si Clarisa!"

"Ako naman si Kim!"

"Christine here!"

Hinawakan ako ng tatlong cute na mga empleyado. Para silang mga bata na sobrang kulit at amaze na amaze na makita ako.

"Ang cute mo! Bagay sa 'yo ang short hair!" puna ni Christine.

"Oo nga! Welcome nga pala!" sabi ni Kim habang masayang tumatalon nang hawak ang kamay ko.

"Uy, ako naman!" Itinulak ni Clarisa si Kim. "Friends na tayo ha? Yes! May new friend na ako!"

"Over?! Hindi pa nga siya sumasagot eh!" sabat naman ni Christine.

"Hahaha! Gano'n talaga!" sagot ni Clarisa.

Natigil lang sila sa pangungulit sa akin nang makita nila si Tristan.

"Waaaaah! Sir Tristan! Miss ka na namin! Mabuti naman at naisipan mong bisitahin 'tong restaurant mo. Waaaah!" nagsisisigaw na sabi ni Christine.

Lumapit sila kay Tristan at saka ito sinalubong ng yakap! Para siyang artista na pinagkakaguluhan at gustong iuwi sa bahay.

"Tsk! Ang ingay niyong tatlo!" saway ni Tristan.

"Eh sir naman eh, ang gwapo-gwapo niyo talaga!" sabi naman ni Clarisa.

Wait, ano itong sinasabi nilang restaurant ito ni Tristan?! Gusto ko sanang magtanong pero abala pa sila kay Tristan. Mayroon ring isang maganda babae na pumunta sa pwesto namin. May side bangs ang style ng buhok niya. Ang ganda niya!

"Mabuti naman at naisipan mo pa kaming dalawin rito, ano? Tss. O, ano? Na-miss mo na kami?"

Base sa suot niya ay isa rin siyang empleyado rito. Meron siyang matapang na aura na bumagay sa kanya.

"Waaaah! Aagawin na naman niya ang atensyon ni Boss Tristan!" pagmamaktol ni Kim.

"Oo nga! Waaaah!" pagsang-ayon naman ni Kristine.

"Nakakainis ka naman Ira eh! Baka solohin mo na naman si Sir!" sabi naman ni Clarisa.

Nagdadaldalan na lang sila dun kaya lumapit na ako kay Tristan.

"Boss ka nila? Ibig sabihin, sa family mo ang restaurant na 'to?!" Sumimangot ako sa kanya

"Aish! Ang daldal talaga ng tatlong 'yun." Nagkamot siya ng ulo.

"Ahhh! Daya mo naman! Hindi mo agad sinabi sa akin!"

"Baka hindi mo tanggapin eh."

"Tsk! Hayaan na nga! Kailangan ko naman ng pera."

Tinawag na kaming lahat ni Manager.

"So first day ko ngayon. Salamat talaga ha?"

"Wala 'yun."

"So, boss pala ang dapat na itawag ko sa 'yo? Haha!"

"Tristan na lang. We are friends, Mika."

Nagsimula na akong magtrabaho. Tinuruan muna ako sa loob ng kitchen ng kung ano ang mga dapat gawin. Pinauna sa 'kin ang paghuhugas ng plato then mop ng sahig. Then, nung natuto na ako, pinagse-serve na ako ng mga pagkain sa bawat table. Masaya naman pala sa trabahong ito. Lalo na't may mga nakita akong bagong kaibigan.

Ang kukulit nina Clarisa, Kim and Christine. Masaya sila sa ginagawa nila lalo raw at nandito ang prince charming nilang si Tristan. Patay na patay pala ang tatlong iyon kay Tristan. Haha!

Nang matapos ako sa aking ginagawa, nakita kong natutulog sa table si Tristan. Nakapatong ang ulo niya sa table at kitang-kita ko ang natutulog niyang mukha.

Nang lumapit ako ay napagmasdan ko ang makinis niyang balat. Wow! Mas makinis pa ang mukha niya kaysa sa akin! Nagpapa-facial kaya siya?

Pinagmasdan ko rin ang buong detalye ng mukha niya. Ang gwapo talaga ng mga members ng Three Prince. Bagay na bagay sa kanila ang bansag na iyon.

"Tapos ka nang titigan ako?" nakangiting sabi ni Tristan habang nakapikit pa rin. Psh! Hindi naman pala siya natutulog.

"Gising ka pala! Psh! Paano mo nalamang nakatingin ako sa 'yo?"

"Nararamdaman ko lang. Ano, gwapo ko, 'di ba?"

"Syempre, boss kita eh. Hahaha!"

Nagtawanan na uli kaming dalawa.

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon