Chapter 51: answer

47.6K 837 71
                                    

Short update...

==

Nagtitinginan sa 'kin ang mga tao at alam kong pinapatay na nila ako ngayon sa kanilang mga isip. Pero ano kayang meron sa rooftop mamaya?

Waaaah! Buong klase tuloy akong kinakabahan. Ano naman kayang pakulo ito?

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko nang marinig ang tunog ng bell. Tapos na ang klase, at kailangan ko ng pumunta sa rooftop. Nakipagpalit na uli ako ng cellphone kay Tristan kinabukasan nang may mangyari sa 'kin at iligtas ako ni Nathan. Sobrang nag-alala siya at sinisi ang sarili. Hindi niya matanggap na dahil sa iniwan niya ako kaya ako napahamak, pero sinabi ko namang hindi naman niya iyon kasalanan.

Habang papunta ako sa may rooftop, nakita ko si Nathan na nakatayo sa hindi kalayuan habang nakatingin sa 'kin. Nakasandal siya sa wall at 'yung dalawa niyang kamay ay nasa loob ng pocket niya. Nagtama ang mga tingin namin hanggang sa naglakad na siya paalis.

"Nathan!"

Tinawag ko siya pero hindi siya lumingon. Patuloy lang siya sa paglalakad pero hinabol ko pa rin siya. Buti na lang at naabutan ko siya kahit malalaki ang mga hakbang niya.

"Nathan, ano ba? Kausapin mo nga ako!"

Tumigil siya.

"What if I don't want to?"

"Pipilitin kita!"

"Go." At nagsimula na siyang maglakad.

"Teka nga, kinakausap pa kita!" Hinawakan ko siya sa kamay pero tinanggal niya ito at umalis. Langya, naiinis na talaga ako!

"Bwisit ka!" Sinipa ko siya sa likod kaya napadapa siya.

"Fck! Bakit mo ginawa 'yun?!"

"Kasi nakakainis ka! Ano bang problema mo ha?!"

"Wala akong problema."

"Kung walang problema, bakit mo ako iniiwasan?!"

"Hindi kita iniiwasan. Wala lang ako sa mood na makipag-usap."

"Kung ganun, bakit mo ako iniwan?!" That made him speechless. Hindi siya agad nakaimik.

"Ano na? Umimik ka!"

"Hindi ako ang nang-iwan. You said goodbye to me, remember?"

"Pero hindi mo man lang ako hinabol?"

"No need. If that's what you want, I don't give a damn." Napaiyak na ako nang tuluyan. Ang sakit ng mga pinaparamdam niya sa 'kin.

"Why did you kiss her? Nakita ko kayo. Ang sakit na sa tuwing umaalis ako, hindi mo ako hinahabol. Pinapakita mo na wala kang pakialam sa 'kin. At nang magpaalam ako sa 'yo, that's it? As in goodbye na talaga? Hindi ka man lang magpapaliwanag kung bakit naging ganun? Kung bakit tayo naging ganito? Kung iba na ang mahal mo, sana sinabi mo na lang sa 'kin. Ngayon, sabihin mo na lang talaga nang diretso sa akin na hindi mo na ako mahal para naman matahimik na ako."

"..."

"I'm sorry" sabi niya. Nakayuko siya.

"Hindi sorry ang gusto kong marinig! Titigil na ako kapag sinabi mong hindi mo na ako mahal!" Tumingin siya sa 'kin nang seryoso. Napatigil ako sa pagsinghap at nakaramdam ng kaba. Basang-basa na ang buong mukha ko ng mga luha.

Katapusan na talaga.

"I don't love you anymore. I'm sorry."

Diretso niyang sinabi sa 'kin. Napaupo ako sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib.

"I'm sorry," ulit niya pagkatapos ay tumalikod na sa akin.

Tuluyan na akong naiyak. Hindi totoong matatahimik na ako kapag sinabi mong hindi mo na ako mahal. Dahil sa tingin ko, hindi ko na iyon makakalimutan. Hindi ko kaya. Hindi ko alam kung paano.

***

Ang tagal kong umiyak doon, at habang naglalakad ako papunta sa rooftop kung saan naghihintay si Tristan ay patuloy pa rin sa pagpatak ng aking mga luha..

Binuksan ko ang pinto at biglang napahawak sa aking bibig. Ang ganda ng lugar. Inayos talaga ni Tristan ang lugar na ito para sa aming dalawa. May mga rosas sa sahig at may magandang background music.

Saktong bumukas ang mga dim lights na nakapagpaganda lalo sa paligid. Gumagabi na kaya mas gumagandang tingnan ang mga ito kapag madilim.

Nakita ako ni Tristan at sinalubong niya ako ng ngiti. Lalo lang akong naiyak. Tristan, bakit ka ba ganyan? Bakit mo ako ganito kamahal?

"Mika," naguguluhang tawag niya sa pangalan ko nang makita akong umiiyak.

Nilapitan ko siya at niyakap.

"Ang sakit. Hindi niya ako mahal. Hindi na niya ako mahal."

"Nag-usap kayo?" naguguluhang tanong niya sa 'kin.

"Sinabi niya sa 'king hindi na raw niya ako mahal." Iyak lang ako nang iyak habang yakap-yakap pa rin ni Tristan.

Hindi na ito katulad ng dati. Hindi ko na siya pwedeng ligawan dahil ngayon pa lang, alam ko na ang sagot. Hindi na niya ako gusto katulad ng dati. Nakahanap na siya ng mas gusto niya, 'yung hindi katulad ko.

"Pero nandito ako. Ako lang ang nandito all this time para sa 'yo." Napatigil ako nang ilang sandali sa pag-iyak.

"Tristan?"

"Mahal kita. Mahal na mahal kita. And I will take this opportunity." Lumuhod siya sa harapan ko.

"Mika, I love you so much that I will do anything for you. Will you be my girlfriend?"

Parang tumigil ang oras nang itanong niya sa 'kin ang bagay na ito.

Kailangan ko ng sumagot...

Kailangan kong gawin ito...

Para sa sarili ko...

At ang sagot ko ay...

{\"c�湾$�e

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon