Chapter 50: See me after class

48.8K 925 149
                                    

Nasa Starbucks kami ni Tristan. Patuloy lang ako sa paghalo sa frappe ko nang mapansin niyang hindi ako nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Mika."

"Ah... ano nga uli 'yung sinabi mo?" He sighed.

"Kung gusto mo, iuuwi na muna kita sa bahay ninyo."

"Hindi na. Tristan, pwede bang huwag mo muna akong ihatid ngayon? Kasi... kasi gusto ko munang mapag-isa." Tiningnan ko ang mga mata niya at seryoso naman siyang nakatingin sa 'kin.

Hinawakan niya ang buhok ko at ginulo ito.

"Sige, pero kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako."

Katulad ng dati, nagbigay siya sa akin ng ngiti. Napangiti na rin ako sa kanya.

"Pero wala akong load na pangtawag," sabi ko na medyo nahihiya pa. "Kaka-expire lang ng unli ko," sabay pout nang ilabas ko 'yung cellphone ko.

Nag-text na agad 'yung lechugas na unlimited na 'yan. Dapat 'di 'yan nag-eexpire eh. Kaya nga unli, 'di ba? Parang pagmamahal lang, madaming nagsasabi ng I love you forever pero nasaan ba talaga ang forever? Leche. Ang emo ko na naman nang dahil lang sa unlimited text na 'yan!

"Here," sabi ni Tristan sabay abot ng cellphone niya sa 'kin.

"Para saan iyan?"

"Palit muna tayo." Kinuha niya 'yung phone ko at inilagay sa pocket niya. 'Yung kanya naman ay inilagay niya sa palad ko.

"Palit na lang tayo bukas o sa ibang araw," sabi niya sabay tayo. "Pa'no ba 'yan? Mauna na ako ha? Basta tawagan mo ako, naka-line naman 'yan." Dumiretso na siya sa pinto at lumabas.

"Pero Trist—" Hindi ko na siya naabutan. Iyon ang cellphone na ibinigay sa akin ni Nathan.

Tiningnan ko naman ang cellphone niya. Nagulat ako na ako ang nasa wallpaper. Binuksan ko rin ang gallery niya. Puro pictures ko! OMG! Iyong cellphone ko naman ay puro pictures ni Nathan.

~Amazona Alert! Amazona Alert!~

Tumunog at nag-vibrate ang cellphone ni Tristan. Ugh ka talaga Tristan. Nakakainis ang message alert tone mo! Talagang naka-set pa sa akin 'yung tone na iyon para malaman na ako iyong nag-text.

From: Amazona Girl♥

I deleted his photos. Hehe! At niloadan ko na itong number mo. I'll use it for the mean time.

Naglakad-lakad lang ako sa paligid. Alas-singko na ng hapon. Dapat ngayon pa lang ako lalabas ng school pero dahil isa akong masipag na mag-aaral, nandito ako sa labas at naglalakad habang iniisip si Nathan.

Napailing ako. Erase! Erase! Erase! Hindi ko na siya dapat iniisip!

Nag-flashback na naman sa isipan ko 'yung mismong pwesto ni Nathan kanina sa hallway ng school. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin... Napatingin din siya sa leeg ko.

Hinahanap ba niya 'yung kwintas? Pero...bakit naman niya hahanapin?

Sa sobrang pag-iisip ko sa bagay na iyon, hindi ko na napansing may mga grupo ng lalaki akong nabangga.

"Araaaay..." sabi ko habang hawak 'yung ilong ko.

"Sorry. Hindi ko lang kayo napansin. Pasensya na po." Tatalikod na sana ako nang hawakan ako nung nabangga ko sa balikat.

"Aba, ayos 'to ah? Hindi siya chix pero maganda naman. Pwede na. Anong tingin niyo, boys?"

Ang tatangkad nila. Katulad ko, mga mukha rin silang high school.

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon