Chapter 45: CANADA baby

55.6K 920 92
                                    

"What?! Pupunta ka sa Canada?!" sigaw sa akin ni Nix nang sabihin ko sa kanya ang pinag-usapan namin ni Nathan.

Sabado ngayon kaya walang pasok. Nandito ako sa bahay nila ngayon at kasalukuyang nasa loob ng kwarto niya. Tatlong araw na ang nakakalipas matapos ang celebration ng anniversary ng parents ni Tristan. Hindi ko pa uli nakikita si Tristan kaya hindi ko tuloy siya makamusta. Hindi ko naman siya magawang i-text dahil mukhang gusto niya munang mapag-isa.

"Yeah! At sa Wednesday na ang alis ko."

"Ikaw na! Kyaaaah! Ang sweet ni Papa Nathan!" kilig na kalig na sabi ni Nicole.

"Pero one week lang ako doon eh."

"Gaga! Anong one week lang?! Swerte mo nga't may paganun-ganun pang nalalaman si Nathan! 'Yung iba ngang love story, kapag umaalis 'yung boyfriend niya, as in taon na hindi sila nagkikita, mai-in love 'yung girl sa ibang guy then dadating 'yung boyfriend niya. Maguguluhan tuloy si girl kung sino ang talagang mahal niya. Aaaw!"

Sinapak ko siya. As if naman magkakagusto ako sa ibang lalaki! Never!

"Kung anu-ano na 'yang pumapasok sa isip mo! Ang layo na ng narating ng imagination mo, Nix!"

"Totoo kaya 'yun! Nangyayari rin 'yun sa totoong buhay!"

"Ewan ko sa 'yo! Sa'n mo ba napupulot ang mga naiisip mo ha?"

"Sa Wattpad!"

"Anong Wattpad?"

"Ay! Hindi ka in! Hindi mo alam ang Wattpad! Wattpad is the best place to discover and share stories on the web and across every mobile device! Madaming stories dun! Kyaaah! Kinikilig nga ako sa binabasa ko ngayon eh. Iyong My Casanova Husband by Crunchh."

Kung anu-ano na 'yung mga napapag-usapan namin ni Nicole. Lalo na tungkol sa lovelife niya. Maayos na naman daw sila ni Arden ngayon.

Lumipas ang mga araw ng wala namang nangyayaring kung ano. Hindi man uli tumawag si Nathan, medyo naging ayos na ako dahil alam kong makikita ko na uli siya. Nag-aral na lang muna ako nang maayos. Naks! May natututunan ito! Tanungin niyo pa ako! Haha!

Bukas na ang alis ko. Kinakabahan pa rin ako. Shemay. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong gawin dun. Saan ba ako pupunta? Baka maligaw ako. At paano na kapag bumagsak 'yung eroplano? Edi patay ako. Tapos hindi ko na nakita si Nathan. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya nang maayos, pati kay mama at sa mga kaibigan ko. Wala na. Hindi man lang ako naka-graduate. Kawawa naman ako. Hindi ko pa naranasan maging mayaman.

Bigla akong sinapak ni Nicole. Ang sakit! Grabe naman.

"Kung anu-ano kasi ang iniisip mo. Bilis, kailangan nang maayos ng mga gamit mo ngayon para bukas ay siguradong ready ka na at wala kang makakalimutan."

"Oo! Okay na! Sus, wala namang mamahaling bagay na nandyan ano!"

"Kahit pa, dapat ready ka."

Tinulungan na rin ako ni Mama na makapag-ayos ng gamit at mukhang natutuwa siya para sa 'kin. Alam ko kasi na gusto niyang makapunta ako ng ibang bansa pero hindi niya afford. Haay nako, ang mama ko talaga.

Kinabukasan, sina Arden at Nicole ang naghatid sa 'kin sa airport. Hindi ko alam kung bakit wala si Tristan. Ang tagal na niyang hindi nagpaparamdam.

"Nagparamdam na ba sa inyo si Tristan? Ano ba 'yan! Hindi man lang ako inihatid! Daya nun!" Nasa airport na kami.

"Hayaan mo na muna siya. Kailangan niyang mapag-isa ngayon," sabi ni Arden.

"Ganun ba? Sana maging ayos na siya."

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon