Chapter 15

76.9K 1.1K 48
                                    

(Nicole's POV)

Nasa pool kami ni Arden. Palangoy-langoy lang kami at nag-uusap ng kung ano ano hanggang sa mapapunta ang topic saming dalawa kaya naman napaupo na lang kami sa hagdan ng pool.

“H-hoy! Ikaw na kulugo ka! Anong tinitingin-tingin mo sakin ha!” Aba't titigan ba naman ako nang nakakaluko.?Yung tingin na may gagawing masama? Ganun!

“Bawal ba? Ang sama mo naman! Tayo na nga lang nandito. Sino ang titingnan ko, yung tubig? Yung puno? Yung ilaw? Yung buwan?”

“Alam mo OA ka rin talaga!”

“Mas OA ka!”

“Aba! Ano naman kina-OA ko?!” Lechugas na kulugong ito! Ako pa ang OA! 

“Yang mukha mo! OA sa ganda.”

“Langya ka! Mga padali mo!”

“Tunay naman ah!”

“Tseh!”

“Yiii. Kinilig ka naman? Yiii. Nangangamatis na ang mukha mo ohh.” Pang-aasar nya sakin.

Ok. Namumula na ako ngayon... Feeling ko lang, aba malay ko, di ko nakikita itsura ko kaya feeling ko lang talaga.

“Kapal ng mukha mo.”

“Thanks. Alam kong makapal ang muscles ko.” Sabay pakita pa ng muscles nya sa kanang braso. Ang yabang! Pero may muscles nga siya, napatingin pa ako sa abs nya. Kailangan talaga hubad?!

“Sus, pati abs ko pasimple mo pang tinitingnan.” Ngumisi siya at mas lalong dumikit sakin kaya naman lumayo ako.

“Kapal! Bakit ka ba kasi nakahubad?! Kung tularin nyo kaya si Nathan! Pwede naman mag-swimming nang hindi naghuhubad eh. Naka t-shirt lang siya kanina.”

“Hindi yun maghuhubad. Wala naman yung abs eh.” Tapos tumawa pa siya. Walang abs yung suplado na yun? Ah! Kaya pala! Kawawang Mika! Bwahaha!

“Hoy,” sabi nya.

“Maka hoy naman!”

“Psh! Nicole, Girlfriend na kita ha?” Tumingin ako sa kanya sa kabiglaan pero ang lalaking ito ay seryoso lang na nakatingin sa maganda kong mukha. Ang kapal ng mukha ng hinayupak! 

“Aray! Yung tenga ko!” Piningot ko lang naman yung tenga nya. Grabe ano? Ang sarap tadyakan slash bugbugin slash patayin nitong lalaking ito!

Hindi porket gusto ko siya ay agad agad na! Tss. Inaamin ko na. Gusto ko ang lalaking hinayupak na ito pero my God! Sabihan ba naman akong girlfriend na raw nya?

“Anong Girlfriend mo na ako? Ayos ka ah! Asa ka pa naman!”

“Grabe ka naman! Ang sama mo.”

“Mas masama ka!”

“Bakit? Anong ginawa ko sayo?”

“Wala!”

“Oh, wala naman pala eh.” Sinamaan ko siya ng tingin.

“Ayoko sa mga babaerong katulad mo!” 

“Hindi naman ako babaero ah?” Pinaghahampas ko siya dahil sa kasinungalingan niya.

“Mukha mo!”

“Oh sya, tara na sa kwarto ko.” Muli ko na naman siyang hinampas sa kabaliwang tumatakbo sa utak niya.

“Gago!”

“Ano ba! Magpapalit lang naman tayo ng damit!”

“Gago kang kulugo ka! May kwarto kami!” Tumayo ako pero hinawakan niya ang kamay ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero iba ngayon yung mukha nya. Naging calm na ito at walang halong biro.

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon