Chapter 49: Why return?

47.1K 816 75
                                    

"Are you sure?" he asked then I nodded.

Naka-park kami sa tapat ng bahay namin or should I say, bahay ni Nathan. Siya naman kasi ang nagbigay sa amin nito.

Kapag pumasok ako sa loob ay tiyak na kukumustahin ako ni Mama. Ano na lang ang sasabihin ko?

"Wala naman akong magagawa. Malalaman at malalaman din nila." Bumaba ako at nagpakawala ng buntong hininga. Bumaba na rin si Tristan ng taxi. Naka-taxi lang kami dahil hindi naman niya dala ang kotse niya nung tumuloy kami sa hotel.

"Samahan na kita sa loob."

Sinalubong kami ni Mama ng may masayang mukha. Sobra siguro niya akong na-miss dahil wala siyang kasama dito sa bahay. Medyo mangiyak-ngiyak siya nung makita ako. Napansin ko namang may kaunting pagkain na inihanda si Mama para sa 'min ni Tristan.

Habang kumain ay dun na nagsimula ang pagtatanong niya. "Kumusta kayo ni Nathan? Masaya ba ang stay mo dun?"

Para akong tinamaan ng kidlat at biglang napatigil sa pagkain. "Ahh.. a-ano..."

"May pasalubong pala kami sa inyo tita." Tumayo si Tristan at kinuha sa kanyang bag ang mga pasalubong.

AT KELAN PA SIYA NAGKAROON NG PASALUBONG?!

"Aba, talagang nag-abala pa kayo sa 'kin, ano? Haha! O siya, mamaya na 'yan. Ituloy muna natin ang pagkain," sabi ni Mama.

"Basta lahat 'yan ay para sa inyo. 'Wag niyong bibigyan si Mika."

Nagpatawa na lang si Tristan habang nanatili lang akong tahimik. Pinipilit talaga niyang 'wag mapunta sa ganung usapan. Paano na lang ako kung hindi ko pala kasama si Tristan ngayon?

Tiningnan ko siya habang patuloy na nakikipagtawanan sa mama ko. Ang saya niya. Tumingin pa siya sa akin at saka ako kinindatan. Psh, bumelat lang ako sa kanya.

Haay, pasukan na naman bukas. Feeling bakasyon ako ngayon eh. Ayoko nang pumasok! Walang inspirasyon! 'Yung gigising ka sa umaga na ang bigat ng pakiramdam mo tapos ang daming alaala dun sa school. Hindi ako papasok bukas!

[5:00 A.M.]

"Baby girl, gising na." Naramdaman kong may kamay na humahaplos sa buhok ko. Inalis ko ito. Baka naman naiisip ko lang 'yun. Baka nasa loob ako ng panaginip tapos panaginip pa uli. Gets niyo ba? Dahil kung hindi, problema niyo na iyon.

Kinapa ko ang unan na palagi kong yakap at napakunot ako nang wala akong makapa. Wala ang unan ko pero may nakapa akong malaking bagay. Hmm, parang lumaki naman ata ang unan ko? Hindi bale na, masarap namang yakapin at napakabango pa! Niyakap ko ito nang mahigpit. Hmmmm...

"Baby girl."

Baby girl? Nagsasalitang unan? Iminulat ko ang mata ko at agad akong napatayo nang makita si Tristan.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Uh, ginigising ka?"

"Eh paano ka nakapasok dito?"

"Ah, ehh..." Humawak siya sa batok niya at tumingin na lang sa direksyon ng bukas na sliding window.

"Inakyat mo 'yan?! Paano kung napagkamalan kang magnanakaw?!"

"Eh hindi naman ako napagkamalan eh."

"Sira ka ba? Paano na lang kung akala nila eh magnanakaw ka tapos binaril ka!?"

"Edi wala, namatay ako nang hindi ko man lang naranasan 'yung pinaka gusto ko mundo."

"Ano bang pinakagusto mo?"

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon