Chapter 3

84.5K 1.5K 122
                                    

Waaah! Mababaliw na ata ako. Kanina pa ako nag-iisip dito sa garden kung ano ang dapat iregalo kay Nathan. Malapit na ang birthday niya. Tsk. Hindi na nga ako nakapasok sa last subject namin sa kakaisip eh. Naiwan ko pa yung bag ko sa loob ng class room. Mamaya ko na lang kukunin kapag uwian na talaga.


“Hay.. regalo. Kailangan ko makaisip ng regalo." Napabuntong hininga na lang ako. Kailangan mapansin niya ako sa ibibigay kong regalo sa kanya.


“Hi there, Amazona girl!"


"Ay Regalo!!" Muntik na ako mahulog sa pagkakaupo ko nang dahil sa gulat. Napatingin ako sa nagsalita. Si Arden, kasama pa niya si Tristan.. at si.. teka, OMG si Nathan my loves! Ang engot ko naman! Sa dinami-rami naman ng pwedeng sabihin bakit regalo pa?!


"B-bakit kayo nandito? At bakit ba kayo nanggugulat?!”


"Hindi ka naman namin ginugulat eh, wala ka lang sa sarili." Patawa tawang sabi ni Arden. Ano naman kaya ang kailangan ng mga ito sakin? Ito ang unang beses na kinausap nila ako. Lumapit sa akin si Arden at hinawakan ako sa mukha. Agad ko namang tinapik ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.


“Ano bang ginagawa mo?!”


“Wala naman. Natutuwa lang ako sayo.” Tumingin siya kay Nathan na nakatingin naman sa ibang direksyon. Halatang wala siyang pakialam sa amin. Tumingin ulit

si Arden sa akin. “Kay Nathan ka lang talaga tinatamaan ano? Kahit ako walang epekto sayo."
"Tama na yan, Arden. Umalis na tayo. Nagugutom na si Tristan.” Sabi ng mahal kong prinsipe.


"Hindi mo man lang ba babatiin si Amazona Girl?" tanong niya kay Nathan.


“Syempre hindi.” Ouch. Ang suplado naman talaga ng Nathan ko. Pero teka.. anong tawag ni Arden sa akin?!


"Amazona girl?!” Gulat ko naman daw! Amazona? Ako?!
"Amazona ka naman talaga ah? Galing mo nga sumuntok dun sa pangit na yun nung first day eh. Idol na kita!”


“Aaaaah! Huwag mo nga ako tawaging Amazona Girl!”


“Wait lang mga dude ha? Nakakatuwa kasi si Mika eh. Haha!” Arden.


“Alam mo naman pala ang pangalan ko eh!”


“Syempre kilala ka namin. Ikaw yung laging sumusunod kay Nathan. Ang tyaga mo rin ano?” Natatawang sabi ni Tristan. Hindi ko na lang siya pinansin.


"Huwag kang mag-alala. Malay mo naman bumigay din sayo itong kaibigan namin? Alam mo ba nung umalis ka, nakita ko siyang—“


Nagulat ako nang sipain ni Nathan si Arden. "Aaaaaaaaaahhh! Dude, ang sakit nun! Bakit mo ako sinipa?" Tinulungan na lang siyang tumayo ni Tristan.


“Ang daldal mo kasi.” Tristan.


“Tara na nga!” Nagsimula nang maglakad si Nathan. Nakalagay lang ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Hindi ko man lang siya nakitang tumingin sakin. Hay..

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon