#LFBaby(continuation)

745 44 0
                                    

Maxinne's Pov:

Ang mga bata ay pinapasok na sa mga kwarto at medyo dumidilim nadin, andami nading mga pulis na nagkalat dito, ang iba ay kinakausap ng mga sisters, bakas sa mukha ng lahat ang kaba. Wala kasi ni isang CCTV sa ampunan na ito.

"Nakakakilabot naman, basta nalang nawala yung baby, ano yun naglakad na paalis at basta nalang nawala, imposible namang may kumuha sa kanya dahil may guard sa bawat sulok ng gate" mahabang paliwanag ni Milo sa tabi ko.

"Tara na kaya umuwi, makibalita nalang tayo" sabat naman ni Tyler.

"Mabuti pa nga siguro, tara na magpaalam kana sa kanila Maxinne" sabat din ni Lance, wala sa sarili akong tumango at nagtungo kina Tita Joy na hanggang ngayon ay hindi mapakali.

"Excuse po" singit ko sa usapan nila ng pulis, nakuha ko naman agad ang atensyon nya.

"Oh Maxinne, pasensya kana ha, hindi na kita naintindi, hindi kona kasi alam ang gagawin" natataranta nyang bungad sa akin.

"Ayos lang po iyon, magpapaalam napo sana kami, sana po ay mahanap sya at malaman na kung may kumuha po ba talaga sa kanya, mauna na po kami" pagpapaalam ko sa kanya.

"Salamat iha, sya sige mag iingat kayo ha" sagot naman nya, tumango nalang ako at umalis na, sumunod naman na sakin ang tatlong ito. Ng makalabas sa gate ay tahimik lamang kaming naglalakad, dahil sa kanto pa nito ang sakayan.

"May naisip akong maganda!" pagbasag ni Milo sa katahimikan. Napatigil naman kaming tatlo at binaling ang tingin sa kaniya.

"Tara hanap ng ghost!" nakangiti pa niyang sabi.

"Sure ka? hindi kaba nakakatakot? maggagabi na kaya" sagot ko.

"Maxinne naman, kelan ba lumalabas ang mga multo, diba pag gabi" pamimilosopo pa nya, tumawa naman si Lance at Tyler.

"At san naman tayo hahanap ng ghost?" tanong din ni Lance.

Sasagot pa sana si Milo ng bigla kaming makarinig  ng iyak ng sanggol, sabay sabay kaming napatingin kung saan yung pinanggagalingan ng iyak, laking gulat ko ng makita si baby Miracle dun sa katabi ng basurahan.

"Si Baby Miracle" sambit ako at agad agad pinuntahan ito tapos ay kinuha duon.

"Paano naman yan napunta dyan?" nagtatakang tanong ni Milo.

"Baka nga may kumuha talaga sa kanya tapos iniwan dito, ah basta hindi ko alam, baka nakonsensya sya" sagot ko at pilit pinapatahan si Baby.

"Ang bastos naman ng kumuha sa batang yan, tignan nyo oh patay na pusa ang katabi nya na lugas lugas ang laman na animoy kinain ng kung ano" sabat ni Lance.

"Bat ba ang amus ng batang yan, kulay pula pa?" sagot naman ni Tyler, binaling ko ang tingin sa baby na parang kumain ng mapulang ewan at maamos ito.

"Yakkk baka naman napasubsob sya dyan sa patay na pusa nakakadiri" sabat ni Milo.

"Tara ibalik na natin sya sa ampunan, andaming nag aalala sa kanya" sagot ko naman. Lalakad na sana kami ng muli kong binalik ang tingin sa baby, nanlaki ang mata ko ng makita ang itsura nitong nakakatakot, sa pagkabigla ay naibato ko sya na agad naman tumayo sa pagkakabato ko.

"Whuuahhhhhhhh!!!" sabay sabay naming sigawwww.

"Tsanakkkkkk!!!!" sigaw pa ni Milo.

Sabay sabay kaming nagtakbuhan ng bigla akong nakaramdam ng kamay mula sa leeg ko na nakasakay sa may likod ko.

"Bitawan mo sya!!!!" sigaw ni Tyler, habang pilit inaalis yung tsanak sa leeg ko.

"Umaliss ka dito!" sigaw ni Milo at hinahampas ng kahoy yung tsanak pero parang wala lang sa kanya. Tila mapuputulan nadin ako ng hininga dahil sa lakas at tindi ng pagkakasakal nito sa akin, isama pa ang mahahabang kuko nito na bumabaon at nagmamarka na sa leeg ko.

"UMALIS KANAAAA!!" sigaw ng isang babaeng hindi namin kilalabkasabay nun ay pagkawala ng sumasakal sa akin, napaupo pako dahil sa sakit na natamo at agad agad nilapitan nina Tyler.

Agad kong binaling ang tingin sa babaeng sumigaw kanina na ngayoy umiiyak habang nakatingin sa tsanak na may nakabaon ng kutsilyoo.

"Sino ba ang batang yan? san nanggaling ang nilalang nayan?" sagot ni Tyler sa babae.

"Kapatid ko sya, kapatid ko na andami ng nabibiktima, wala ng ibang paraan para mawala sya kundi ang mamatay sya! Hindi na kakayanin ng konsensya ko kung mananahimik lang ako habang may panibago na naman syang biktima! hindi sya isang baby, kaya nyalang magtransform sa ganoon pero matanda na sya!" umiiyak na paliwanag nito at kinuha ang tsanak na wala ng buhay tapos ay niyakap.

"Patawarin mo ako sa ginawa ko, pero para sa akin ito ang pinakatama kong gawin, paalam aking kapatid" sabi pa nito at tuluyang naglaho ang tsanak na kandong kandong nya.

Hindi padin ako makapagsalita dahil sa bilis ng pangyayari at hindi pa umaayos ang system ng utak ko. Gulong gulo ako, pano nalang ngayon sina Tita Joy na naghahanap kay Baby Miracle na isa lang palang tsanak?

Kung dati marami nakong naentertain na ghost or aswang pero bilang isang multo, ngayon nakakita nako at muntik pakong mapahamak bilang isang tao.

_____

VOTEEE

Let's Find Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now