#Goodbye

994 51 1
                                    

After 1 week

Aimee's Pov:

So kasalukuyan na kaming nandito sa park habang nakaupo sa malinis at madamong kalupaan, para enjoyin ang last day na magkakasama kaming apat, nakakalungkot isipin na aalis na si Milo at Lance. Sa Tagaytay na sila mag aaral dalawa, magkaibigan daw kasi parents nila at balak na maglipat duon, ayaw daw pumayag ng parents nila na magstay sila dito kaya naman bukas ay papunta na sila dun, mapapalayo na sila samin. Si Tyler naman stay padin dito sa Manila ang kaso sa bahay na nila sya magsstay kasi wala ng reason para umupa pa sya kasi wala naman na yung tropa nya, promise ang sad ng scene na to, yung tipong parang pinagdarasal nilang magtagal yung oras ngayong araw para mas matagal pa yung pagsasama sama nila. Kung tao lang ako umiiyak na sana ako ngayon.

"Ikaw Aimee bisita ka samin sa tagaytay minsan ha" bungad sakin ni Milo.

"Pano ako makakapunta dun eh wala pa sa stock ng utak ko yung lugar, remember mga napupuntahan kona ang pwede kolang transferan if gusto ko" natatawa kong sagot.

"Problema bayun, eh di sumama ka samin bukas pagpunta dun, mabilis kalang naman makakabalik dito diba" sabat naman ni Lance, ngumiti naman ako at tumango tango.

"Pano bayan Tol, si Aimee anytime pwede naming makita at makasama eh ikaw?" nang aasar pang sabi ni Milo.

"Baliw ka talaga Milo, alam mo na ngang sad sya kasi iiwan nyo na sya eh" natatawa ko namang sagot.

"Ayos lang ganon talaga walang pernamente sa mundo, lahat nawawala, lahat nang iiwan" walang emosyong sabat ni Tyler habang nakatingin sa mga batang naglalaro, tumahimik naman kaming tatlo sa inasal nya. Walang sumasagot samin kaya magsasalita na sana ako ng nagsalita ulit sya.

"Pano na lang ang Let's Find Chost Club natin, pano nalang yung mga binuo natin, pano nalang yung mga gamit na pinaghirapan nating gawin, pano nalang yung mga ghost na kailangan tayo para makamove on, at paano si Aimee, pano natin sya matutulungan kung malayo kayo sakin" sabi pa ni Tyler, ramdam ko yung lungkot sa boses nya na ayaw nyang ipahalata. Inakbayan naman sya ni Lance at Milo sa magkabilang balikat.

"Alam mo Tol, pwedeng pwede mo parin ituloy ang nasimulan natin, kasama mo naman si Aimee eh, at kahit malayo kami, nakasuporta padin kami sayo, pero mas ok sigurong mag quit muna tayo dito, itigil muna natin, hindi namin alam ang nangyayari sa inyo kung may mga cases kayong isosolve dahil malayo kami, para sa kaligtasan mo mas mabuting tama na muna, pwede naman natin ito ituloy pag bumalik na ulit kami diba" mahaba at seryosong sagot naman ni Lance, ewan ko pero sobrang sakit lang sa pakiramdam kahit wala ako nun sa mga nasasaksihan ko, alam ko gustong gusto ng kumawala ng mga luha sa mata nila na pilit nilang tinatago dahil mga lalaki sila.

"Tama si Lance tol, enjoyin mo muna yung buhay kasama si Aimee" singit ni Milo at ngumiti pa sakin ng nakakaloka, hinampas ko naman sya sa balikat.

"Mamimiss kodin yang panghahampas mo samin Aimee, tsaka yang OOTD mo" natatawa pang sabi ni Milo dahilan para magtransfer ako sa harap nya at pinitik ng malakas yung ilong at bumalik sa kinatatayuan kanina.

"Anlakas mo talaga mantrip noh, porke ito nalang araw araw suot ko ganyan kana, atleast di naman ako namamaho diba" naasar kong sagot sa kanya.

Nagtawanan naman sila maliban kay Tyler na hindi talaga magawang tumingin sakin, or kahit kay Milo at Lance.

"Uyy Tyler wag ka ng malungkot diba may ginagamit kayong ano yung para makita mo padin yung isang tao kahit nasa malayo?" sabi ko kay Tyler.

"Video Call tawag dun gamit yung messenger app" paliwanag naman ni Lance, tumango tango nalang ako, nakaupo silang tatlo at ako nakatayo, naglakad ako sa harap ni Tyler at lumuhod sa harap nya tapos ay hinawakan ang kamay nya, this time nakatingin na sya sakin. Agad agad nyang inalis yung kamay ko dahil malamig ito.

"Tyler listen mo me hindi lahat ng nawawala nang iiwan, yung iba bumabalik, hindi ka iiwan nina Lance, may mga bagay lang na kailangan natin sundin, gusto na ng parents nila yun wala na silang magagawa dun, hindi pa naman ito ang huli diba, hindi pa ito ang pagtatapos , marami pang mangyayari sa inyo, pwedeng pwede padin kayo magkita, bisita ka sa kanila minsan or bibisita sila senyo, wag ka na kasing malungkot dyan" mahabang paliwanag ko sa kanya

"Andami kolang talagang mamimiss na gawin kasama kayo" panimula nya at tumingin kay Lance at Milo.

"Antagal na nating magkakasama sa iisang bahay, para na tayong magkakapatid, maninibago lang ako na babalik nako sa bahay, tahimik na ulit yung buhay ko" malungkot pa nyang sabi.

"Dati Oo tahimik yung buhay mo sa bahay nyo, pero ngayon andyan na si Aimee hindi pa ba sya sapat para maging maingay yung buhay mo, eh sa kulit nyan baka ikaw pa mismo umayaw sa kaingayan nya" natatawa na namang sabat ni Milo, sinaman ko naman sya ng tingin at muling hinampas sa balikat kahit kelan talaga tong lalaking to, ginagawang katawa tawa lahat ng bagay kahit seryoso na.

"Hindi naman kasi ako yung gusto nyang kasama, kayo kasi" sabat ko naman.

"Hindi sa ganun Aimee, hindi na nga din ako sanay pag wala ka" sagot naman ni Tyler

"Ok tama na finish na may nanalo na" natatawang sabat ni Milo tumawa din naman si Lance. Masaya ako kasi kahit nag away kami ni Tyler last time dahil sa pag amin nya ng feelings sakin ay maayos na ulit kami bilang magkaibigan.

"Tama na nga tara na" sabat ni Lance at tumayo na, tumayo nadin ako at si Milo, naiwan namang nakaupo padin si Tyler. hinawakan ko sya sa braso at pilit tinatayo.

"Aimee bitaw, ang lamig sobraa" reklamo nya habang pilit inaalis yung kamay ko sa braso nya.

"Tatayo ka, or maninigas ka sa lamig ng kamay ko?" medyo mataray kong tanong sa kanya, di naman sya nakatiis at tumayo na, hinipan hipan pa nya yung hinawakan kong para namang napaso sya.

"Alam nyo tara na enjoyin nalang natin ang araw nato" nakangiti kong sagot at tumakbo at nanguna na sa kanila.

_____

Click the star below for VOTE

Let's Find Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon