#LetsHelpAimee

1.1K 60 2
                                    

Aimee's Pov:

So kasalukuyan akong nakaupo dito sa park ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Aimee!" sigaw ni Tyler sa hindi kalayuan. Humarap naman agad ako sa kanya kasama nya si Milo at Lance, ng makalapit na sila sakin ay nagsalita si Milo..

"Aimee, pasensya ka na kung natakot kami sayo, tara sama ka na ulit samin" panimula ni Milo.

"Isa pa parte ka ng grupo at sabi ko nga walang iwanan" sabat ni Lance.

"Tutulungan ka namin Aimee para makapag move on kanadin kung san ka dapat" sabat din ni Tyler, napangiti naman ako sa kanila bago sumagot.

"Talaga? Hindi na kayo takot sakin?" nakangiti kong tanong sa kanila.

"Hindi na" sabay sabay nilang sagot, maya maya pa ay napansin ko ng may nakatingin samin, magkakatabi kasi silang tatlo na nakaharap sakin, syemrep mapapagkamalan talaga silang baliw.

"Ah guys tara na siguro" pag aaya ko sa kanila.

*BAHAY*

"Sabi dito, Kapag narinig ang salitang " espiritu" karaniwang negatibo kaagad ang ating nagiging konotasyon. Na type cast kasi ang mga espiritu o ghost bilang masasamang nilalang sa dilim na naghahatid ng takot at pangamba sa kaninuman" mahabang sabi ni Tyler habang may binabasa sa phone nya.

"Hindi naman ganyan si Aimee eh, kahit anong oras nya gusto lumabas ay pwede sya hindi tulad ng ibang ghost na sa dilim lang" komento ni Milo.

"At hindi naman naghahatid ng takot si Aimee at lalong hindi sya nakakatakot" komento din ni Lance.

"Kung ganon anong klaseng ghost ako?" tanong ko sa kanila.

"Meron pa, sabi din dito Taliwas sa karaniwang pagsasalarawan sa mga espiritu bilang mababagsik at mapapanganib na nilalang mula sa dako pa roon, hindi lahat ay mapaminsala. Ang iba ay may mabuting intensyon tulad ng pagtulong. Ang iba ay naghahangad lamang ng kausap" paliwanag pa ni Tyler habang nagbabasa.

"Yan, yan si Aimee ang intensyon nya ay tumulong sa ibang ghost para makapag move on" sabat ni Milo.

"At naghahangad lang sya ng kausap" sabat din ni Lance.

"At kayong tatlo yun, kayo lang naman nakakakita at nakakausap ko eh" sagot ko naman.

"Paano natin ngayon malalaman kung sino ka Aimee at kung bakit hindi kapadin nakakamove on?" sagot ni Tyler.

"Tsaka bakit parang ngayon lang ako naka entertain ng ghost na pwedeng lumabas anytime, kahit umaga" sabat naman ni Milo.

"Wala ka ba talagang naalala kahit konting konti lang?" tanong ulit sakin ni Lance.

"Kahit ano wala, basta nagising nalang ako nun dun sa tabi ng kalsada tapos nun wala nakong maalala" sagot ko naman.

"Hindi kaya nandun sa kalsadang yun ang kasagutan sa mga tanong mo?" sagot ni Tyler.

"Tama, kasi diba yung WhiteLady andun sya sa school nagsstay kasi dun naganap ang kanyang pagkamatay" sagot din ni Milo.

"Kung ganon tara na dun" sagot ni Lance at tumayo na.

"Guys una nako ah" pagpapaalam ko sa kanila.

"Wait Aimee, ano pang ibang powers ang nagagawa mo?" tanong ni Tyler sakin.

"Hindi ko alam eh, basta nadiscover kolang toh bigla, yung kaya kong maglaho at magtransfer sa ibang lugar" sagot ko naman.

"Ang astig ah" komento pa ni Milo.

"Sige, bilisan nyo ah, dun sa place kung san nyoko unang nakita" sagot ko at nagtransfer na papunta dito.

Ano naman kayang kasagutan ang mahahanap ko dito? Ilang minuto ako naghintay bago sila dumating.

"Dito, dito ako mismo nagising tapos wala ng maalala" sabi ko sa kanila at tinuro ang tabing kalsada.

"Wala kabang naaalala sa lugar nato?" tanong ni Tyler.

"Hmmm wala eh, kahit anong pilit kong pag-iisip ay wala naman akong maalala" sagot ko naman.

"Tignan mo yung paligid Aimee, hindi ba pamilyar sayo?" tanong ni Lance. Nilibot ko naman ang tingin sa buong paligid, pero ni isang ala ala o ni isang katiting ay wala akong maalala.

"Wala talaga, pano nalang yan, habang buhay nalang ba akong ghost? Sino kayang family ko? San kaya ako nakatira?" malungkot kong sagot sa kanila.

"Wag kang mawalan ng pag-asa Aimee" sagot ni Tyler.

"Guys tignan nyo si Aimee, naka complete uniform sya, uniform ng girls sa St.Mateo, Aimee? hindi kaya dito ka sa lugar nato namatay? At hindi din malabo na naka uniform ka sa pagkamatay mo? Kaya ngayon heto ka" paliwanag ni Milo.

"Pero pano nga makaka move on si Aimee kung wala syang maalala, iba ang case ni Aimee dun sa WhiteLady, kasi yung White Lady alam nya ang gusto nya at alam nya ang nangyari sa kanya" paliwanag naman ni Lance.

"Tama kayo" malungkot kong sagot.

"Pero Aimee wag kang mawawalan ng pag-asa" sagot ni Tyler at inakbayan ako.

"Salamat sa inyo" mahinang sagot ko

Bigla namang tumunog yung phone ni Tyler.

"Guys mukang unti unti na tayong nakikilala ah" sabi nya at pinatingin samin yung phone nya.

Sender:
Ilan ng tao ang kinuha ko para mapalayas ang gumagalang vampira dito sa gabi, pero ni isa sa kanila walang nagawa, walang naniniwala sakin, at kahit labag sa loob ko, gusto kong pumunta kayo dito at tignan natin kung may magagawa kayo.

"Kahit labag daw sa loob nya, grabe naman yun" komento ni Milo

"Ayos lang yan, ano tara mamaya?" sagot ni Lance.

"Guys kasi, diba hindi naman na ghost ang vampira? aswang nayun, hindi ba kayo natatakot?" sagot ko naman.

"Tama si Aimee, pero kahit ganon, tutulong padin tayo" sagot naman ni Tyler

"Kung ganon, maghanda na kayo, dahil mamayang mamaya din pupunta na tayo dun" sagot ni Lance.

"Go Team" natatawang sabat ni Milo, ewan kolang pero ansaya kona nakilala ko sila, ang tatapang nila pero pag kaharap na nila yung multo o aswang bigla namang naduduwag, nakakatawa lang isipin. Pero dahil tinanggap na nila ako, hindi dapat ako mawala sa mga ganitong case's.

____

VOTEEE

Let's Find Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now