#LetsFindSexyGhost

975 53 0
                                    

Aimee's Pov:

So ayun nakaisang araw na mula nung dumating kami kahapon.

"Ahh Aimee favor naman" sabi ni Milo at napakamot sa ulo at nakanguso.

"Ano yun?" tanong ko sa kanya

"Pwede wag ka basta basta sumusulpot kung saan saan, aatakihin ako palagi sayo eh" natatawa nyang sagot. Napakamot naman ako sa ulo bago sumagot.

"Ganon ba? Pasensya na, hindi ko kasi alam kung pano ako magbibigay ng sign eh" natatawa Kong sagot sa kanya

"Ah Aimee, diba mabilis kalang nakakapunta kung saan saan?" sabat na tanong naman ni Lance.

"Hmmm oo, bakit?" sagot na tanong ko

"Yung pinto kasi sa likod ng bahay hindi ko nasarhan, pwede bang pakisaraduhan mo?" nahihiya nyang sagot

"Oo naman sige bye" sagot ko at bumalik na sa inuupahan nilang bahay.

Tyler's Pov:

"Hindi kana nahiya kay Aimee" sabi ko kay Lance.

"Eh alangan hayaan kong nakabukas yung pinto natin sa likod, mamaya mapasok payun ng kung sino" sagot naman nya.

Sasagot pa sana ako kaso nagsalita si Milo.

"Guys tignan nyoto" sabi nya habang nakatingin sa bintana.

Pumunta naman kami ni Lance duon at tinignan ang tinitignan nya.

"Wow" tanging nasabi ni Lance, ewan ko pero parang napanganga din ako sa taglay na ganda ng babaeng tinitignan namin ngayon na kasalukuyang nageexercise dito pa mismo sa tapat ng bahay ng Lolo ni Lance.

"Tara biliss puntahan natin" excited na sabi ni Milo at nagtatakbo na palabas, sumunod nalang kami ni Lance.

Pagkalabas namin naabutan na naming kausap ni Milo yung babae.

"Nice name, bago kaba dito? san kayo nakatira?" sunod sunod na tanong nung babae kay Milo. Lumapit naman na si Lance kaya lumapit nadin ako.

"Sya nga pala kaibigan ko si Lance tsaka si Tyler, hindi kami taga dito nagbabakasyon lang, dito kami tumitigil ngayon" nakangiting pagpapakilala samin ni Milo at tinuro ang bahay ng Lolo ni Lance.

"Ahh magkapitbahay lang pala tayo, dito lang ako" sagot nung babae at tinuro yung katabing bahay kung saan may narinig kaming away nung pagdating namin kahapon.

"Tara sa loob, magmeryenda tayo" sagot pa nito, may namuo namang pagtataka sa utak ko, pero Lance at Milo tuwang tuwa na sumunod dun sa babae kaya sumunod nalang din ako

Aimee's Pov:

So pagkatapos kong isara ng maayos yung pinto ng bahay na inuupahan nila chineck konadin yung mga bintana, may mga bukas padin dito, pagkatapos ay bumalik na ulit ako sa baguio kung asan sila.

Nang makabalik sa bahay ng Lolo ni Lance, chineck ko ang buong kabahayan pero wala sila.

"Guyss? nasan kayo?" tanong ko pero wala ni isang tugon akong narinig.

Let's Find Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now