#LF_SexyGhost(continuation)

1K 56 0
                                    

Aimee's Pov:

"May third eye kadin ba? bakit hindi ka natatakot sakin?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kung ayaw mong maglaho sa mundong ito, umalis kana at wag ka ng mangialam!" galit na sagot nito.

"Ibig sabihin tama ang mga kababaihan dito? ikaw ba talaga ang kumukuha at pumapatay sa mga lalaki? pero bakit mo ginagawa yun?" sagot na tanong ko sa kanya.

"Wala kana dun!" galit na galit na nyang sagot dahilan para masindak ako.

"Hindi ako aalis dito, ibalik mo sakin mga kaibigan ko!" matapang ko namang sagot sa kanya

"Babae kadin! at kung sayo nangyari ang nangyari sakin ganito din ang gagawin mo! lahat ng lalaki masasama tandaan moyan!" sagot naman nya.

"Pero ano bang ginawa nila sayo? Hindi mo kilala ang bawat lalaki kaya hindi mo dapat sinasabi yan, lalo na yung mga kaibigan ko, wala silang ginagawang masama sayo" mahaba ko namang paliwanag sa kanya

"Oo wala silang ginagawang masama sakin, pero mga kapwang kababaihan kolang ang iniingatan ko, ayokong maranasan nila ang naranasan ko sa mga lalaki, ayokong matulad sila sakin, kaya ngayon palang uubusin kona ang mga lalaking yan" sagot pa nya na tila nasasaktan.

"Ano bang ginawa ng mga lalaki sayo at kailangan lahat sila madamay, kung sino man ang mga lalaking tinutukoy mong gumawa sayo ng masama, hayaan nating parusahan sila ng batas, pero yung patayin mo ang mga lalaki sa lugar nato, malaking kabaliwan na, maraming mga asawa at ina ang nangungulila at naghihinagpis sa sinapit ng mga lalaking mahal nila, maawa ka sa mga lalaking pinapatay mo" mahaba kopang paliwanag sa kanya, ng bigla syang naglaho sa harap ko, teka multo din ba sya?

O_O

pero bakit nakikita sya ng lahat? nasan na sya. ano ba talagang nangyayari, agad agad akong pumasok sa loob ng bahay nila at naabutan ang isang lalaking matanda na umiiyak habang nakatingin sa isang litrato, agad agad akong lumapit sa kanya at nakita ang babaeng kausap ko kanina na nasa litrato.

"Anak kailan kaba titigil sa ginagawa mo, anak pumunta kana kung nasan ka dapat, hindi ka dapat namumuhay dito sa mundo ng mga tao dahil patay kana, tama na ang paghihiganti, alisin mona ang galit sa puso mo, maawa ka sa kanila at maawa ka sakin, hindi kona kaya ang nakikita ko, mahal kita anak, sana naman intindihin monako" umiiyak na sabi nung matandang lalaki dun sa litrato, sa tingin ko, sya si Manong Sic. pero ano ba talagang ikinamatay ng anak nya, at bakit sa mga lalaki ito naghihiganti? agad agad akong umakyat sa taas at naabutan yung babae at sina Tyler kasama ang iba pang lalaki na nanghihina na.

"Parang awa mona palayain mona kami, ano bang kasalanan namin at ng mga lalaki dito, tignan mo nga sila, hinang hina na sila" sabi ni Tyler dun sa sexyghost, sexy at maganda na may kakayahang mang akit ng mga kalalakihan tapos pag napasama na nya, ikinukulong nya dito, pinapahirapan hanggang sa manghina at mamatay, pero bakit dun sa puno ng mangga nya binibigti ang mga ito.

Let's Find Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now