#GoodbyeAimee

862 58 7
                                    

Aimee's Pov:

"Tyler hindi kaba natatakot sa mga pwedeng mangyari?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami patungo kung saan lahat nagsimula.

"Sa dami na ng nangyari at napagdaanan natin, ngayon paba ako matatakot" sagot nya na ng hindi tumitingin sa akin.

Nanatili na lamang akong tahimik hanggang sa narating na namin yung kalsada kung saan lahat lahat nagsimula.

Hapon na at palubog nayung araw.

"Aimee tignan mo ng seryoso yung paligid, ifocus moyung sarili sa paligid na ito, tapos pumikit ka at alalahanin mo, wala ng ibang makakatulong sayo kundi sarili molang" seryosong sabi sakin ni Tyler, huminga ako ng malalim kahit wala ako nito tapos ay ginawa ang sinabi nya.

Habang nasa ganoong posisyon, tahimik lamang akong nakapikit at purong itim lamang ang nakikita ko ng biglang lumabas dito si Tyler, Milo at Lance, kung saan dito kaming tatlo nagsimula, kung saan nakilala ko sila, kung saan kinupkop nila ako at tinanggap, tinulungan at pinrotektahan, sama samang lumaban at tumulong sa ibat ibang ghost, kung saan nasali ako sa Let's Find Ghost Club, kung saan kahit wala akong maalala ay may naituturing akong pamilya, yun lamang ang umiikot sa paningin ko habang nakapikit, kusang ngumiti yung mga labi ko habang inaalala ang lahat ng masasayang nangyari sa akin kasama ang tatlong ito. Tuwing naiisip ko yung katapusan kong hindi ko alam kung kelan at paano magtatapos ay hindi ko maiwasang malungkot, hindi kona kayang mawalay sa tatlong naging bahagi ng talambuhay ko bilang multo, lalong lalo na si Tyler na nagkagusto sa kagaya kong patay na, sila ang kasama ko sa paglutas ng napakamisteryoso kong buhay, hanggang sa kung sino sino at ano anong ghost na ang nakakasalamuha namin, pero hanggang huli walang iwanan, hanggang ngayon na may mga bagay ng hindi ko maintindihan ay hindi sila bumitaw. Kahit wala akong maalala at wala na ata akong maaalala ay masaya padin dahil kahit gayunpaman ang nangyari may magaganda padin akong nakuha. Habang nasa kalagitnaan ng pag iisip habang nakapikit ay tila nakakaramdam ako ng kakaiba. Napamulat ako ng mabilis dahil tila may kung anong kapangyarihan ang bumabalot sa akin.

"Aimee anong nangyayari sayoo!" malakas na bungad sakin ni Tyler at hinawakan ang dalawa kong kamay, napatingin ako sa mga binti kong unti unti ng naglalaho pataas. Nanlaki ang mga mata ko sa nasasaksihan, hindi magkaintindihang takot at kaba ang bumalot sa akin.

"Tyler ano to, anong nangyayariiii??!!" takot na takot kong sigaw ng biglang nagpakita na naman sa aming harapan ang lalaking naka itim pero sa pagkakataong ito hindi na sya nakangiti.

"Hindi ito pwede! Kailangan kita! Hindi ka pwedeng magising pa!" sigaw nung lalaking nakaitim.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Tyler habang hawak hawak padin ako sa dalawa kong kamay, nasa may palda ko na yung paglalaho na lalong nagpatakot sa akin.

"Tylerr anong nangyayari sakiiin?" mangiyak ngiyak kong tanong sa kanya dahil takot na takot na talaga ako, kasabay nun ay pagkawala ng lalaking nakaitim sa harap namin.

"Aimee kumapit ka sakin, anong nararamdaman mo?" seryoso at kitang kita din ang takot sa boses ni Tyler.

"Wala, wala akong nararamdaman Tyler!" takot na takot kong sagot sa kanya. Ng makarating na sa may tiyan ko ang paglalaho ay pumikit nalamang ako ng mabilis bago inalis ang kamay ni Tyler na nakahawak sa kamay ko, tapos ay hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi.

"Kayong tatlo ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, lalong lalo kana Tyler, hinding hindi ko kayo makakalimutan, marahil ay ito na ang hinihintay kong katapusan, marahil ay ito na ang wakas sa pangalawang buhay na pinagkaloob sa akin ng Diyos, lagi kayong mag iingat, pakisabi kay Lance at Milo, maraming salamat" paliwanag ko sa kanya ng makarating na sa may chest ko ang paglalaho.

"Aimee pls wag mo akong iiwan, wag mo kaming iiwan, parang awa mona hindi ko kayang mawala ka" sagot ni Tyler na sa pagkakataong ito ay umiiyak na talaga sya, magkahalong dobleng sakit at lungkot ang bumalot sa akin. Bakit hindi manlamang ako binigyan ng pagkakataon para magpaalam sa kanila ng maayos, bakit kailangan sa ganitong paraan pa matatapos ang lahatt

Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha ni Tyler at duon at inilapat ko ng dahan dahan yung labi ko sa labi nya ng 3segundo tapos ay bumitaw na ako.

"Goodbye Tyler" bulong kopa at laking gulat ko ng may pumatak na luha sa mga mata ko, sa kauna unahang pagkakataon ay nangyari ito, at kasabay ng pagpatak ng luhang yun ay pagkalaho ko..

________________

Tyler's Pov:

"Aimeeeeeeeee!!!!" malakas na sigaw ko sa tabi ng kalsada habng umiiyak, napaupo ako at napasabunot sa buhok...

"Aimee!! parang awa mona bumalik kaa!!" sigaw kopa, na halos lahat ng dumaraang sasakyan ay napapatingin sa akin, pero sa pagkakataong ito, wala nakong pakealam kung isipin nilang nababaliw nako, dahil sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Bakit kailangan mangyari ang mga bagay na ito sa akin.

Aimee, babaeng nakasalubong lang namin sa daan, babaeng napagkamalan naming baliw dahil babae sya at nagpupumilit sumama sa aming mga lalaki dahil wala daw syang maalala at wala ni sinumang pumapansin sa kanya, ang akala namin nuon ay tao talaga sya, unang kita kopalang din sa kanya ay may kakaiba nakong naramdaman sa kanya, hanggang sa nalaman  naming multo pala sya, natakot kami nung una, na ang Aimee na pinangalan nya sa sarili ay nabasa nya lamang sa isang magazine na naging pangalan na nya habang kasama namin sya, si Aimee na hindi natakot samahan kami sa mga katapangan at kabaliwan namin, si Aimee na masayahin, si Aimee na nagiging sanhi ng bawat ngiti ko, si Aimee na hindi nang iiwam kahit san ako pumunta, si Aimee na gigising sakin pag late nako, si Aimee na mangungulit saking pumasok ako, si Aimee na kaibigan namin, si Aimee na nag iisa isang tumanggap at sumali sa Let's Find Ghost Club namin, si Aimee na nagpatunay sa amin kung paano ba talaga maging matapang at humarap sa mga problema, si Aimee na nagpapalakas ng loob ko, si Aimee na maingay, si Aimee na makulit, si Aimee na maganda, si Aimee na multo, si Aimee na nag iisa lamang sa mundo, si Aimee na sigurado akong mahal ko, si Aimee na ngayon ay wala na sa harap ko.....

____

[A/N: Mangiyak ngiyak nadin ako habang sinusulat ko ito, hindi ko maintindihan pero ansakit talaga huhuhu]

DONT FORGET TO VOTE THIS CHAPTER 🤧

Let's Find Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now