#LihamPagpapaalala02

763 54 0
                                    

Tapos yung third case naman natin ay yung sexy ghost, nakakahiya nga kaming tatlo dito eh, dahil mag isa mong nilutas ang case na ito, eto yung pumunta tayo sa baguio sa Lolo ni Lance habang walang pasok  tapos yung mismong kapitbahay pa pala ni Lolo na sobrang ganda at napakasexy pala ang ghost, nagpadala kami sa ganda nya tapos pag napasama ka na nya sa loob ng bahay nila ay hindi kana makakalabas dahil papahirapan ka nya bago patayin, ayon sa kwento mo, naghinala ka sa babaeng ito dahil ayon sa mga narinig mong kwento ay simula ng dumating ang magandang babaeng ito ay sunod sunod na lalaki na ang namamatay kung saan lahat yun ay binibigti sa puno ng mangga gamit ang baging. Kaya nung pupunta kana sana sa loob ng bahay ng babae ay nakita ka nya, nagkasagutan pa kayo, nalaman mong alam nyang multo ka at sinabi nyang wag kang mangialam kaya naghinala ka nagpilit kapadin pumasok sa loob at nakita ang ama nya na umiiyak habang hawak ang litrato ng anak na babae na yun ngang multo. Umakyat ka sa taas at dun naabutan mo kami at ang ibang lalaking nanghihina na, dun kanadin naglakas ng loob para kausapin yung babae kunh ano ba talagang problema nito at gumagawa ng ganitong kasamang pagpatay. Sinabi naman nyang galit siya sa mga lalaki, dahil may matindi pala itong pinagdaanan sa kamay ng mga lalaki, ginahasa siya tapos ay pinatay gamit ang pagkakabigti sa kanya sa puno ng mangga, kaya naman nung nabigyan ang kaluluwa nya ng pagkakataon ay ginamit nya ito para maghiganti, pinasakay nya sa ganda nya ang mga lalaking gumahasa sa kanya na hindi sya nakikilala dahil sa tagal na tapos ay pinatay nya ang mga ito pagtapos ay binibigti din sa puno ng mangga tulad ng mga pinagdaanan nya. At bilang pagprotekta sa mga kapwa babae kagaya nya, balak nyang ubisin ang mga lalaki sa lugar, dun kana nagsimulang magpaliwanag sa kanya, pinalinaw mo ang magulo nyang pag iisip habang kaming tatlo walang magawa habang nakatali lamang dun. Matapos yun dumating din ang ama nya na nagmamakaawa sa kanyang tigilan na nya ito. At dahil sa paliwanag mong yon, nalinawan na sya, at dahil sa kagustuhan ng kanyang ama ay sumuko na sya at handa ng tapusin at patahimikin ang sariling kaluluwa, hinayaan na nyang putulin ang puno ng mangga na nagsisilbi nyang buhay at pinoprotekthan nya. At duln nasaksihan natin ang paglaho ng kaluluwa nya habang nakayakap sa ama nya. Sinermonan mopa kami nun, basta nga naman kasi lalaki pag maganda bibigay kaagad, gayunpaman may natutunan naman kami dun. Tapos yung pang apat naman nating case nag kaaway pa tayong dalawa, nakakahiya man sabihin pero  nagtapat kasi ako ng feelings sayo, simula palang naman kasi nung una may gusto nako sayo eh, hindi kolang masabi kasi natatakot ako, at ayun nga nung umamin ako sayo nagalit ka, sabi mo anong mangyayari sa akin kung makikipagrelasyon ako sa patay na. Tapos ayun nga umalis ka, tapos nun hindi namin namalayan na 6pm na wala, eh kauna unahang paunawa sa resort ay hanggang 5pm lang at dapat wala ng tao dun, kaso ayun nga dahil sa pag iisip ko sayo hindi ko namalayang nag 6pm na wala tapos nun bigla akong kinuha nung tubig sa pool. Tapos nun napunta ako sa isang lugar na puro bungo at hindi ko alam kung san yun, tapos ayon ayun sa kwento netong si Lance nung nawala daw ako ay tumawag na sila ng police pero nung sinabi nila na kinuha ako ng tubig ay nag alisan agad at hindi naniwala, tapos dumating kadaw, tapos kayong tatlo ang gumawa ng paraan para maligtas ako, nalaman nyoding alam pala ng owner ng resort na may ganoong kababalaghang nangyayari pero nanahimik sya kasi kapatid nya pala ang multo sa pool, kayo yung nagtulong tulong para iligtas ako. Tapos yung huli, tayo lang dalawa ang involve sa case nato, kasi si Milo at Lance asa tagaytay, sa ukay ukay tayo nun, bumili ako ng t shirt kasi mura lang naman sya, 20 pesos lang. Tapos ayun isinampay kolang yun sa kwarto ko yun, tapos one time asa cr ako nun tapos sabi mo pumasok si papa sa kwarto at hinahanap ako tapos nakita nya nga yung t-shirt at isinuot nya ito, pagtapos ay biglang nag iba sya at nakikita ka nya, yun pala may sumpa ang t-shirt , pero madali lang naman nating itong natalo dahil fried rice lang ni  mama ay naglaho na unlike sa ibang ghost. Pero hindi pa dito nagtatapos yung problema, dahil may isang lalaking nakaitim at nakakapa ang laging nagpapakita sayo, at balak ka nyang kuhanin. Takot na takot ka nun, at dahil sa takot na pati kami ay mapahamak ay sumuko kana, handa mo ng ibigay ang sarili sa lalaki para lang hindi na kami madamay, pero syempre naman diba hindi ka namin iiwan, magkakaibigan tayo at nabuo ang samahang ito sa loob ng 5 buwan nating pagsasama sama. Kaya ayun balak na nating harapin yung takot mo, bumalik tayo sa lugar kung san nagsimula ang lahat, sa tabi ng kalsada kung saan ka nagising tapos wala ka ng maalala pero bakit ganun , ang pinunta natin dun ay hanapin ang sarili mo pero ang nangyari naglalaho ka, hindi ko maimagine kung gaano kasakit sating dalawa ang sandaling yun, habang unti unting nawawala ang katawan mo ay magkahawak lamang ang kamay natin at ako wala akong magawa kundi umiyak nalang din sa mga nangyayari dahil kahit ako hindi ko alam paano kita tutulungan. Buong akala namin nawala ka dahil kinuha na ni God yung kaluluwa mong naligaw, dahil akala naman talaga natin multo ka kaya patay kana, pero nagkamali kami, at nagkamali ka, dahil ang patay na si Aimee ay buhay pa pala sa totoong buhay bilang si Maxinne, kaya kahit hindi mo kami maalala ang mahalaga sa amin ngayon ay buhay ka, at magagawa mona ang mga bagay na kinaiinggitan mo sa aming mga tao nuong multo kapa. Mahal ka namin Aimee o tawagin ka nalang namin sa tunay mong pangalan. Mahal ka namin Maxinne, at hindi kami magsasawang kulitin ka at iparamdam sayo ang mga bagay na pinaramda. namin sayo nuon. Sana sa kwento kong ito ay maalala mona, maalala mona kahit sobrang katiting lang. Salamat sa iyong pagbasa...

-Let's Find Ghost Club

_______

VOTE

Let's Find Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now