#BacktoSchool

877 46 1
                                    

Aimee's Pov:

"Uyy Tyler aba tapos na ang bakasyon mo, bumangon kana dyan" paggising ko sa natutulog na si Tyler.

"Inaantok pako, mamaya na ng konti" reklamo nya.

"Tanghali kana nga eh, bilisan mo maliligo kapa" sabi kopa sa kanya pero wala lang syang pake at nagpatuloy sa pagtulog

"Ahh Tyler yung parents mo pala hindi umuwi kagabi" sabi kopa ng bigla ko itong naalala.

"Ganon talaga kalimitan naman out of town sila, hinahabol nila trabaho" walang modo nyang sagot.

"Ahh ganun ba, akala ko ngayon lang, oh sya bumangon kana sabi dyan" sabi kopa at tumayo na sa pagkakaupo sa kama nya.

"Oh eto yung uniform mo lagay kona sa banyo ah" sabi kopa at isinampay na sa banyo yung uniform nya.

This time bumangon na sya at nag unat unat ng braso.

"Hindi mo naman kailangang gawin yan, kayang kaya konayan" natatawa nyang sagot.

"Para naman kahit nagkakaambag ako diba, tinanggap moko at pinatira dito tumatanaw lang ako ng utang na loob" sagot ko naman..

"Hay nako Aimee kahit kelan talaga, oh sya eto na maliligo nako" natatawa nyang sagot at pumasok na sa banyo
____

*SCHOOL*

"Aba aba aba, nasaan naman kaya ang dalawang tukmol netong kasama at mag isa na" natatawang bungad nung mga lalaking laging nambubully kina Tyler. Hinawakan ko sya sa braso na sign na wag na nyang patulan, nakinig naman sya at nagpatuloy sa paglalakad kaso hinarangan sya ng mga toh.

"Oh san ka pupunta? tinatanong kita" maangas pang sabi nung nagsalita din kanina, bale 3 ang mga lalaking toh.

"Umalis na sila" mahinang sagot ni Tyler at inayos yung salamin na suot nya. Bigla namang nagsitawanan ang mga lalaking to na halatang halata namang pinipilit lang nila.

"Kawawa ka naman pala, mukang magiging boring na ang pagpasok namin dito ah, iisa na yung mapapagtripan namin" natatawang sabat nung isa, nagtransfer naman agad ako sa likod nya at binatukan sya ng mabilis tapos ay bumalik na sa tabi ni Tyler.

"Ano bang problema mo, bat moko binatukan" reklamo nung isa sa katabi nya.

Bigla namang natawa si Tyler.

"Anong tinatawa tawa mo dyan!" reklamo nung asa kaliwa, kasi yung nasa kanan yung binatukan ko so pinagbintangan nya is yung asa gitna.

"Hay nako Tyler tara na nga" sabi ko sa kanya at naglakad na kami, at hanggang ngayon ayun nagtatalo pa kung sino ba talagang bumatok sa kanya.

"Bat mo ginawa yun?" natatawang tanong ni Tyler sakin habang naglalakad kami sa hallway.

"Eh pano ba naman kasi ang yayabang nakakainis sila" naiinis ko namang sagot tapos ay pumasok na sa classroom nya.

"Nakakapanibago walang makukulit sa tabi ko" malungkot nyang sabi tapos naupo na sa pinakadulong part ng room.

Naupo naman ako sa tabi nya kasi wala namang nakaupo dun..

"Tignan nyo oh, nawala na yung dalawa nyang kasama pero ganon padin sya, napakamisteryoso na parang baliw" bulong nung isang girl sa isa pang girl habang nakatingin sa gawi ni Tyler.

"Tyler pag andito ka sa school wag mo muna ako kausapin, or aalis nalang muna ako, tapos wag kang titingin sakin" paliwanag ko sa kanya

"Bakit?" nagtataka nyang tanong.

"Ayokong isipin nilang nababaliw ka, alam mo namang ikaw lang nakakakita sakin diba? kung may importante kamang sasabihin sakin, pabulong nalang pero wag na wag kang lilingon sakin" paliwanag kopa sa kanya.

"Naiintindihan ko Aimee, salamat, pero wag ka ng umalis gusto ko andito ka lagi sa tabi ko, hindi padin kasi ako sanay na mag isa nako" malungkot na sagot nya.

"Oo naman sige, dito lang ako" sagot ko

"Tyler ok kalang ba talaga?" bungad na tanong sa kanya nung girl

"Ha? Oo naman bakit?" naiilang na tanong ni Tyler.

"Nabalitaan ko lumipat na ng bahay yung friends mo, for sure malungkot yun, by the way wala namang nakaupo dito diba? pwede ba dito nalang ako?" tanong nung babae kay Tyler, napatingin naman si Tyler sakin, kasi naman dito gustong umupo nung girl sa kinauupuan ko.

"Ok lang Tyler, paupuin mona sya dito dito nalang ako sa gilid uupo, diko naman kelangan ng upuan eh" nakangiti kong sabi sa kanya, sinunod nya naman ako kasi di sya tumitingin sakin. Tumayo nako para umalis sa upuan pero.

"Nako Charmaine, pasensya kana di kasi ako sanay na may katabing babae tsaka dito ko nilalagay yung bag ko anlaki kasi, pwede bang dyan kanalang sa sunod na upuan" paliwanag na sagot naman ni Tyler at nilagay yung bag sa upuan ko.

"Upo kana" bulong nya na sapat na para madinig ko.

"Ha?" tanong pa nung Charmaine. pakinig nyadin pala

"Ah wala wala, sabi ko maupo kana dadating na si Sir" nahihiyang sagot ni Tyler, umupo naman nako sa upuang katabi nya.

"Hindi mo naman kailangang gawin yun eh, ayos lang naman sakin, hello? multo napo ako" natatawa kong sabi sa kanya.

Hindi naman sya sumasagot sakin pero kita kong may sinusulat sya tapos pinakita sakin.

*Gusto ko ikaw katabi ko*

Napangiti naman ako sa sinulat nya, natakot na talaga sya magsalita lalo na ngayong may malapit na nakaupo sa kanya

Alam kong malungkot at naninibago ka na wala si Milo at Lance sa tabi mo, pero gagawin ko lahat maramdaman molang na walang kulang, tulad ng pagpaparamdam mo saking hindi ako nagiisa.

itutuloyyyyy.....

VOTTEEE:

Let's Find Ghost (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat