#Acceptance

1.5K 71 9
                                    

Acceptance - Pagtanggap

Aimee's Pov:

Maaga palang ay napagdesisyunan ko ng umalis sa bahay nila, pero paano ako ngayon? San ako pupunta? Pano ako mabubuhay kung ganito ako, walang nakakaramdam, walang nakakarinig at walang nakakakita, tanging sila lang tatlo. Naghahanap sila ng ghost, what if malaman nilang ghost ako? Eh baka kung anong gawin nila sakin. Ng may makitang dadaan ay buong tapang akong tumayo sa daraanan nito at laking gulat ko ng tumagos lang ito sakin, nooo!! Totoo nga! Patay na talaga ako, hindi ito pwede, paano na. Wala naman akong magagawa kundi tanggapin.

Tyler's Pov:

"Guyss gising" sigaw ko ng makitang wala na si Aimee sa bahay, chineck kona lahat pero wala sya.

"Ano ba Tyler, mamaya pa pasok natin wag kang magulo" walang modong sagot ni Milo.

"Si Aimee kasi nawawala" sagot ko.

"Diba sabi nya kagabi naaalala na nya kung sino sya, baka umuwi na, kaya huminahon ka dyan" walang emosyon ding sagot ni Lance at bumalik na sa pagtulog.

Aimee's Pov:

Habang naglalakad, naalala ko yung sinabi nila sakin kagabi, na sa St.Mateo din daw ako pumapasok dahil sa suot kong uniform, baka duon makakuha ako ng clue at mahanap ko kung sino talaga ako.

Napagdesisyunan kong bumalik nalang muna sa kanila ng biglang may kotseng paparating. Napapikit ako sa gulat, ng inimulat ko ang mata ko ay nasa tabing kalsada nako, teka? Paano nangyari yun? Kaya kong mag transfer to another side or another place? Muli kong pinikit ang mata ko at inalala kung saan ako nagmula kagabi ng magising ako, pagmulat ng mata ko ay andito na nga ako, napangiti naman ako at namangha sa powers na nagagawa ko, ang galing, at dahil sa may nadiscover akong kakayahan ay mas mapapadali nako, muli kong pinikit ang mga mata ko at inalala ang kwarto nina Tyler kung saan ako natulog. Pagmulat ko ay nandito na nga ako, tulog pa si Milo at Lance habang si Tyler ay nag aayos ng gamit, dun kasi sila sa papag natulog, at hinayaan ako dito sa napakalaki nilang kama.

"Good Morning Tyler" bati ko sa kanya, mabilis naman syang humarap sakin

"Whuahh" sigaw nya at napaatras pa

"Anong nangyari!" napabaligwas naman sa pagkakatulog si Milo.

"Ano ba Tyler, kung ayaw mo matulog, magpatulog ka naman" sabat ni Lance habang nanatiling nakahiga. Binaling naman ni Milo ang tingin sakin.

"Oh akala ko sabi mo umalis na sya?" tanong nya kay Tyler.

"Pasensya na, pano ka biglang napunta dyan? Kanina pa kita hinahanap ah" sabi sakin ni Tyler.

"Hinahanap moko?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Oo bigla ka kasing nawala" sagot naman nya.

"Aimee bakit hindi ka pala nagbihis kagabi? Yan padin suot mo?" nagtatakang tanong sakin ni Milo.

"Ahh ano kasi malamig kaya hindi nalang ako nagbihis" palusot ko naman.

"Nga pala, may pasok ba kayo ngayon? Kelan kayo pupunta sa school sabay nako" nakangiti kong tanong sa kanila.

"Maya maya ng konti" sagot ni Tyler.

"Ah Aimee totoo bang nawala ala ala mo kagabi? Kasi ambilis naman ata bumalik" natatawang tanong sakin ni Milo.

"Ewan ko nga, basta nawala lang siguro ako sa sarili, sige uwi muna ako, hintayin nyoko babalik ako" sagot ko at dali daling lumabas ng kwarto nila tapos ay pumikit at bumalik sa park na dinaanan ko kanina.

Tyler's Pov:

"Wait!" sigaw ko at agad agad syang hinabol at laking gulat ko ng wala na agad sya.

"Milo, ambilis nyang mawala" sabi ko kay Milo.

____

Aimee's Pov:

After ng mahaba habang pagtambay dito sa park habang nanunuod sa masasayang tao ay napagdesisyunan kong bumalik na kina Tyler baka sakaling papunta na sila sa school. So minabuti kong magtransfer sa labas ng bahay nina Tyler kasi baka mamaya mahuli nila ako, malaman pa nilang ghost ako.

"Tyler, Lance! Milo! Andito nako" sigaw ko, bigla naman na silang lumabas ng bahay at naka uniform na.

"Tamang tama ang dating mo Aimee, paalis na kami" bungad sakin ni Tyler, nilock naman na nila yung pinto at gate tapos ay naglakad na.

"Malapit lang ba yung school dito?" tanong ko sa kanila. Nagtinginan naman ulit sila na parang nagtataka.

"Diba dun kadin napasok?" kunot noong sagot ni Lance.

"Ahh syempre joke lang nuba kayo" sagot ko at pilit tumawa. Pag ka ganito ako talagang mahahalata nila ako, kailangan mas ayusin ko.

So after a minutes na paglalakad ay nasa tapat nako ng St.Mateo Academy, pero bakit wala padin akong maalala, tama sila ang mga uniform ng girls dito ay kagaya ng sakin, posible nga kayang dito ako nag aaral? Nakauniform bako ng mamatay ako at ganito ang suot ko?

"Guys look andito na pala ang ParangAbnormal Club" natatawang bungad nung isang lalaki at nagtawanan silang tatlo, napatingin naman sina Tyler sakin na parang nahihiya.

"Wag nyo nalang pansinin tara na" sabi ko sa kanila, alam ko namang hindi ako nakikita ng iba na sana hindi nila mahalata.

"Sige" sagot ni Tyler

"Sige?" nagtatakang tanong nung isa, bigla naman akong nagpanic.

"Tara na dali wag nyo na silang pansinin" sabi ko at lumayo na, sumunod naman na agad sila sakin.

"Himala, ni isang lingon hindi lumingon si Mateo kay Aimee, samantalang makakita lang ng maganda yun nawawala na sa sarili" paliwanag ni Lance na ikinagulat ko, hindi nila pwedeng malaman, pano na to.

"Maiwan ko muna kayo ha, may klase nako eh" pagpapaalam ko sa kanila pero nagsalita si Milo.

"San ba classroom mo? Tsaka ngayon kolang napansin wala kang dalang gamit?" nakakagulantang na tanong ni Milo.

"Ano kasi, yung mga gamit ko iniiwan kona sa classroom para hindi nako nahihirapan, sige na mamaya nalang" kinakabahan kong sagot sa kanila at tumakbo na palayo.

Tyler's Pov:

"Wala ba kayong napapansin kay Aimee? Nakita lang natin sa daan, tapos sumama satin, tapos parang biglang close na close na agad natin, parang may iba sa kanya" paliwanag ni Lance sa tabi ko

"Parang napaka misteryoso nya" sabat naman ni Milo.

"Alam nyo kung ano ano na naiisip nyo, tara na nga" sagot ko sa kanila at inakbayan sila.

Aimee's Pov:

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng may nagpatak na papel mula sa isang babae, agad agad ko naman itong kinuha at inabot sa kanya, pero sa halip na abutin biglang nanlaki ang mata nya na nakatingin sa papel at nagsisigaw tapos tumakbo.

"Mayyy Multoo tulong!!" sigaw nya, agad agad ko namang binitawan yung papel sa gulat.

"Multo?" nagtatakang tanong sa kanya nung lalaki.

"Oo lumutang bigla yung papel" takot na sagot nito, tsaka kopalang narealize na wala nga palang nakakakita sakin, at kahit anong gamit ang hawakan ko ay para sa kanila lumulutang, tanging sina Tyler nalang ang nakakakita sakin, sila nalang kakampi ko dito, pag nawala pa sila hindi kona alam san ako pupulutin.

____

VOTEEEE

Let's Find Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon