#Memories?

817 50 0
                                    

Lance's Pov:

"Tyler maiwan ko muna kayo, punta lang akong hospital" sabi ko kay Tyler, si Milo naman busy sa cellphone nya.

"Anong gagawin mo sa hospital?" tanong naman ni Tyler.

"Kakausapin kolang yung doctor ni Mommy dun, may pinapakuha din sakin eh" sagot ko naman.

"Sasama ako!" sabat naman ni Milo.

"Hindi na Milo, samahan monalang si Tyler dito, hindi din naman ako magtatagal eh" sagot ko naman.

"Ayos lang, sumama kana Milo, gusto kodin munang mapag-isa" sagot naman ni Tyler..

"Ano bang nangyayari talaga sa inyong tatlo? lalo kana Tyler? aba basta kanalang nagkaganyan, pati pagpasok hindi nyo na iniitindi, bigla bigla na lamang kayong naging tamlayin dyan na parang namatayan" sabat naman ng mommy ni Tyler na kadadating palang galing kusina.

"Namatayan naman talaga" mahina at malungkot na sagot ni Tyler.

"Sya sige, Tita maiwan na po muna namin kayo, Sige Tyler balik agad kami" sagot ko naman at lumabas na kasama si Milo.

*HOSPITAL*

"Kanina pa tayong paikot ikot dito, nasan ba talaga yang doctor na hinahanap mo?" naiinis na tanong ni Milo at napakamot pa sa ulo nya.

"Sabi ko naman sayo wag ka ng sumama, tapos ngayon magbubunganga ka dyan" naiinis kodin namang sagot sa kanya, hindi ko naman kasi sya pinilit na sumama tapos ang ingay ingay.

Kung san san na kami nagtanong, at kung san sana na sila tumuro pero pag pinupuntahan namin yung tinuturo nila wala naman dun yung doctor na hinahanap ko. Dahil walang choice ay umakyat nalang kami sa 2nd floor, dahan dahan lang kaming naglalakad, at naglilinga linga sa paligid umaasang makakasalubong ko sya.

Milo's Pov:

Habang nag lalakad dito may napansin ako sa isang kwarto pero transparent yung mirror nito kaya kitang kita ko yung nasa loob, nakaside view ang babaeng tinitignan ko ngayon kaya hindi ko sya masyadong makita, inilapit kopa ang muka ko sa transparent mirror at duon ay pagharap ni.....

"Aimee?" mahina kong tugon

O_O.

Lance's Pov:.

"Aimee?" bulong ni Milo sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya, at tinignan ang tinitignan nya, at halos mapaupo ako dun ng makita si Aimee na nakatingin samin, pero walang expression ang muka nito.

"Lance si Aimee yun diba! Si Aimee yun! Hindi ako pwedeng magkamali!" hindi magkaintindihang sabi ni Milo sa tabi ko habang hinihila hila pa yung braso ko.

"Si Aimee nga tara puntahan natin!" sagot ko naman at agad agad kumatok sa pinto ng kwarto nito. Agad agad din namang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang hindi kilalang babae, mukang mommy ata ni Aimee, babatiin kopa sana yung mommy ni Aimee kaso ay nagtatakbo agad si Milo papunta kay Aimee kaya agad agad ko syang sinundan.

"Aimee!!! Hindi kami makapaniwalang buhay ka! Kaya ka pala biglang nawala" masayang bungad sa kanya ni Milo pero yung itsura ni Aimee parang wala lang .

"Teka nga, sino ba kayo? Tsaka sinong Aimee ang pinagsasabi nyo dyan, Maxinne kilala moba ang dalawang to?" tanong naman ng mommy ni Aimee.

"Maxinne?" sabay na nagtataka naming tanong ni Milo.

"Pwede ba kakarecover palang ng katawan ng anak ko at kagigising nya palang sa coma, mali siguro kayo ng napasukang room" sagot naman ng mommy ni Aimee na ngayon ay tinatawag nilang Maxinne?

"Aimee  hindi mo na ba agad kami nakikilala? Ako to si Milo! Tapos eto si Lance tapos si Tyler asa bahay, akala namin tuluyan ka ng nawala, salamat kay Lord dahil nabuhay na pala ang katawan mo kaya ka nawala, akala talaga namin ay kinuha ka na nya" masayang paliwanag ni Milo

"Sinong Aimee? pasensya na pero hindi ko kayo namumukhaan, at hindi ko kayo kilala" mahinang sagot ni Aimee, nagkatinginan naman kami ni Milo dahil sa inasal nya.

"Hindi kami pwedeng magkamali, ikaw talaga yun, yang mukha mo, nag iisa lang yan!" sabi pa ni Milo.

"Mga iho, nagkakamali lang siguro talaga kayo, Maxinne ang pangalan ng anak ko hindi Aimee" sabat naman nung mommy ni Aimee.

"Aimee habang nakahiga ka dyan dahil sa coma, naglalakabay ang kaluluwa mo, naging kaibigan mo kami habang multo ka, wala ka nung maalala kahit pamilya mo, ang buong akala nating lahat ay patay kana at naliligaw lamang ang kaluluwa mo, alalahanin mo naman kami" mahaba ko pang paliwanag sa kanya pero tila hindi padin sya nalilinawan.

"Kaluluwa? Multo? nasisiraan naba kayo ng bait? Lumabas na nga kayo, ginugulo nyo yung pahinga ng anak ko, mali kayo ng napasukang kwarto, dun kayo sa mental!" pagtataboy pa samin nung mommy nya at tinulak tulak kami palabas, muli kong binaling ang tingin kay Aimee na wala pading emosyon ang muka.

Hindi kona hinanap ang doctor na pinunta ko dito at agad agad kaming umuwi sa bahay ni Tyler para ibalita sa kanya ang aming natuklasan.

"Tyler si Aimee!" sigaw ni Milo pagkapasok palang namin ng bahay nila, agad agad naman syang lumabas mula sa kusina.

"Asan?" excited nyang bungad sa amin.

"Tyler buhay si Aimee, nakita namin sya sa hospital kanina!" sabi pa ni Milo.

"Ha? Sigurado ba kayo? Saan? Tara puntahan na natin" sagot pa nya.

"Hindi pwede, hindi na tayo papalapitin ng mommy nya sa kanya" malungkot ko namang sagot.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Tyler.

"Walang maalala si Aimee na kahit ano tungkol sa pagiging multo nya" malungkot kopang sagot.

Natahimik naman si Tyler sa sinabi ko.

"Wala akong pakealam kahit harangin ako ng kahit sino, ang mahalaga sakin ngayon ay nalaman kong buhay sya, hindi man nya tayo maalala ngayon hindi ako susukong ipaalala kung sino tayo sa buhay nya" sagot naman ni Tyler.

"Tara na samahan nyoko sa kanya" sunod pa nya at lumabas na.

"Oyy Teka san na naman kayo pupunta?!!" sigaw nung mama ni Tyler pero sumunod nalang kami palabas sa kanya.

Itutuloyy......

VOTEEE ❤️

Let's Find Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now