#LetsFindWhiteLady

1.2K 59 3
                                    

Aimee's Pov:

So ayun na nga natuloy ang aming paghahanap sa ghost daw na nagpaparamdam dito sa school, eh ako lang naman kasi yun, kaya kahit magdamag kami dito ay wala kang mapapala.

"Hindi natunog tong device natin, wala dito yung ghost" panimula ni Lance habang hawak hawak ang hindi maintindihang bagay nayun. Basta device daw yun na pag tumunog ay may ghost na malapit sa kanila, pinagtataka ko ghost naman ako pero bakit hindi tumutunog yun?

"Lance? Sure kabang gumagana yan?" tanong ko.

"Oo sigurado kaming gumagana yan" sabat ni Tyler.

Tumakas lang kasi kami sa guard, nagpaiwan lang kami dito sa school hanggang sa abutin nalang ng gabi, kaya nakauniform padin ang tatlong toh.

Maya maya pa ay may naramdaman kaming dumaan sa likod namin, sabay sabay kaming napaharap dun.

"Guys naramdaman nyo bayun?" natatakot kong tanong sa kanila, multo naman ako pero bakit ba nakakaramdam ako ng takot.

"Mas ok siguro kung umuwi na tayo" sabat naman ni Milo. Natawa naman ako sa itsura nya, ewan koba gusto nila makakita ng ghost pero parang matatakutin naman silang tatlo.

Maya maya pa ay tumunog na nga ng malakas yung tracking device nilang tinatawag.

"Guys sobrang lapit na nya satin" sabi ni Lance. Maya maya pa ay nakaramdam kami ng yakap mula sa likod, dahan dahan kaming apat lumingon at sabay sabay sumigaw.

"Whuuahhhhhhhh" sigaw namin at nagtatakbo na kami, ng makahanap ng hindi nakalock na classroom ay pumasok na kami.

"Nakita nyo ba ang itsura nung multo para syang white lady" takot na sabi ni Tyler.

"Hindi parang kasi White Lady talaga sya" sagot naman ni Lance

"Eh anong plano natin ngayon?" tanong ni Tyler.

"Teka, asan si Milo?" tanong ko ng mapansing wala sya dito.

Milo's Pov:

"Whuahhh san moko dadalhin, guysss tulonggg" sigaw ko habang nakalutang ako sa likod ng white lady nato.

"Wag kang maingay! Ang lalakas ng loob nyang pumunta dito dis oras ng gabi tapos magtatakbuhan kayo!" sigaw nung white lady.

"Nagsasalita ka?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ba halata?" nakakatakot na sagot nito.

Aimee's Pov:

"Ayon dito, ang mga white lady ay namumuhay sa mundo ng mga tao, kung ang pagkamatay nila ay hindi nila nagustuhan o di kaya ay sapilitan silang pinatay, nananatili sila sa lugar kung saan nila naranasan ang kamatayan" panimula ni Tyler habang nakatingin sa tinatawag nilang cellphone.

"Ibig sabihin, dito sa school nato pinatay ang white lady nayun? Pero sino ang pumatay sa kanya?" sagot ko naman.

"At yun ang kailangan nating alamin, tara na baka kung ano ng nangyari kay Milo" sabat ni Lance at lumabas na. Sumunod naman agad kami sa kanya, tumatakbo lang kami sa hallway ng makasalubong ang white lady at si Milo na lumulutang na balak nyang ihulog sa baba.

"Guyss tulong ayoko pang mamatayyyy" sigaw ni Milo.

"Plss wag mong gawin toh, bakit kailangan mong pumatay" sabi kodun sa white lady.

"Tumahimik kayoo" sigaw nung white lady.

"Dito, dito ako mismo pinatay ng inakala kong taong mahal ako, minahal ko sya tapos papatayin nyalang pala ako, mamayang 12am kung anong oras nyako pinatay dito din mismo ay gagawin ko sa inyong lahat!" sigaw pa nya at pinalutang din si Tyler at Lance.

"Tylerr! Lance!!" sigaw ko.

"Bakit hindi gumagana ang kapangyarihan ko sayo, isa kading multo?" gulat na sabi nung white lady na ikinalaki ng mata ko.

"Multo?" sabay sabay na tanong nilang tatlo.

"Tapusin na natin ang paghihirap mo, wag mong gawin sa iba ang ginawa sayo, wala silang kasalanan kaya wag mo sila idamay" pakiusap ko sa kanya.

"Ang gusto kolang naman ay matupad ang pinangako sa akin, sabi nya pag sumama ako sa kanya magpapakasal kami at mamumuhay na ng sarili, matagal ko ng pangarap ang maikasal" sagot nung white lady.

"Kung yun lang yung kailangan mo para maka move-on tutulungan ka namin, basta pakawalan molang sila" sagot ko naman, maya maya pa ay ibinaba na nya yung tatlo na agad agad namang lumapit sakin.

"Aimee anong pinaplano mo?" mahinang tanong sakin ni Tyler.

"Sinong pwede sa inyong maging groom nung white lady?" tanong ko sa kanila.

"Groom?" sabay sabay nilang tanong.

"Ang gusto lang ng white lady ay maikasal na sya, at pag nagawa na natin yun makakapagmove on na sya" paliwanag ko naman.

"Si Milo nalang" sagot ni Lance.

"Anong ako? Si Tyler nalang" sagot naman ni Milo.

"Sino bang GGSS dito? Diba ikaw Lance" sagot naman ni Tyler.

"Guys ano ba, wala namang mangyayari sa inyo eh, kung walang magpriprisinta, yun dun baka may mangyari sa inyo" pananakot ko sa kanila.

"Sige ako nalang" mahinang sagot ni Tyler. Nginitian ko naman sya

"Salamat Tyler" sagot ko.

Kumuha na kami ng mga bulaklak sa gardem ng school para sa gaganapin nilang kasal. Sa 2nd floor kung san nangyari ang kanyang pagkamatay kami nagdecorasyon ng hindi naman kabonggahan, sinuotan kodin ng koronang gawa sa flower yung white lady, masaya syang naglalakad papalapit sa groom nyang si Tyler, si Lance naman ang magsisilbi nilang pari.

Nakangiti lng ako habang nanunuod sa kanila si Lance nagkakang uutal pa sa pagsasalita, si Tyler naman nanginginig na ang tuhod sa takot, ikaw ba naman ikasal sa ghost.

"Mabuhay ang bagong kasall" sigaw ko.

"Maraming salamat sa inyo, ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, ang maikasal ako at ngayon ay natupad na" sagot nung white lady at unti unti na syang kinuha ng liwanag, hanggang sa naglaho na sya. Napahiga naman silang tatlo sa sahig.

"Grabe yung gabi nato" panimula ni Milo.

"Hindi ko akalaing magiging pari ako ng isang white lady" sagot naman ni Lance.

"At mas lalong hindi ko matanggap na ikinasal ako sa isang white lady" sagot naman ni Tyler, natawa naman ako sa kanilah tatlo.

"Tumayo na nga kayo dyan, pano bayan may isang case na tayong nasolve" natatawa kong sabi sa kanila, agad agad naman silang tumayo.

"Oo nga eh sayang hindi manlang natin nakuhanan ng video" sagot ni Milo.

"Kahit kuhanan mo sila ng video hindi naman sila makikita sa camera" sagot ko naman

"Oo nga noh, eh paano natin ngayon mapapatunayan na may ghost?" sagot naman ni Tyler.

"Hindi na ngayon ganon ang goal ng ating team, ang goal natin ngayon ay makahanap ng ghost para matulungan natin silang maka move-on" sagot naman ni Lance.

"Tama si Lance" sagot ko, this time nabuhayan ako ng loob dahil baka sila makatulong sakin para makapag move on nadin ako at mapunta kung nasan dapat ako.

"Pero ang galing ni Aimee pano mo naisip yun" pagpuri naman ni Milo sakin.

"Alam mo tara uwi na tayo" natatawa kong sagot at bumaba na kami, sa park nalng ako natutulog lagi, ayokong makahalata sila sakin, hindi naman pwedeng sa bahay nila ako mag stay eh.

____

VOTEE

Let's Find Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon