#BacktoNormal

941 46 5
                                    

Aimee's Pov:

"Oyyyy Tyler gising, paalis na sina Milo" sabi ko sa natutulog na si Tyler, pero sa halip na bumangon lalo pa syang nagbalot ng kumot.

"Ano ba Aimee ayoko nga diba, dito nalang ako, ikaw diba sasama ka, balik ka nalang agad" walang modo nyang sagot at nanatiling nakabalot.

"Tyler naman eh, alam kong masakit sayo na aalis na sila, pero ayaw mo manlang bang sumama paghahatid sa kanila" sagot ko naman.

"Ayaw" tipid nyang sagot

"Tyler isa!" medyo galit kong sabi sa kanya, pero sa halip na masindak ay namilosopo pa..

"Dalawa" pamimilosopo nya, agad agad ko naman syang hinampas sa braso..

"Alam mo ako nanggigigil na sayo ha babangon ka ba o babangon ka?" naiinis kopang sagot sa kanya, inalis naman na nya ang kumot na nalabalot sa kanya at naupo.

"Alam mo Aimee, pumunta kanadun bago kapa nila maiwan, dahil ako hindi talaga ako aalis dito, pakisabi nalang ingat sila, wag ka ng makulit!" seryoso na nyang sagot at bumalik sa paghiga at nagtakip ng unan sa muka. Nag pout nalang ako dahil sa inasal nya, aalis na sana ako ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto nya.

"Anakk, diba ngayon ang alis ng mga kaibigan mo, hindi moba sila ihahatid?" bungad ng mama nya. Andito na kasi sya sa bahay nila ulit nagsstay kasi remember mawawala na si Lance at Milo kaya wala ng dahilan para mangupahan pa sya, at syempre ako hindi ako nakikita ng mama nya kahit katabi ko sya ngayon.

"Oh ayan pati Mama mo pinababangon kana" pangungulit kopa sa kanya, bigla ulit syang bumaligwas at napakamot sa ulo.

"Ma. hindi ngapo ako sasama para ihatid sila kayang kaya na nila yun" sagot nya at bumangon na diretso sa cr mismo netong kwarto nya.

Pagkapasok na pagkapasok nyapalang sa cr nya ay nagtransfer agad ako dun..

"Oh, kakagulat ka, hanggang dito ba naman susundan moko, diba bawal kang pumasok sa cr lalo na pag asa loob kami" paliwanag nya sakin.

"Oo alam ko naman yun, pero alam ko naman kapapasok mopalang, gusto kolang sabihin sayong GOODBYE! babalik agad ako pag nakasama nako sa kanila papunta dun, kung bakit ba naman kasi ayaw mopang sumamang maghatid, alam mo Tyler bahala ka dyan, maamag ka mag-isa" nang iinis kong sagot at nagtransfer na sa bahay nina Milo.

___

"Hi Milo" bungad ko kay Milo na kasalukuyan ng pababa ng hagdan nila, ang ganda naman pala ng bahay ng lalaking toh 2nd floow eh.

"Talaga ba Aimee balak monakong patayin? lagi monalang akong ginugulat" sagot nya naman sakin, natawa naman ako sa itsura nya.

"Pasensya na, si Tyler kasi ayaw sumama sakin papunta dito para manlang magkita kita muna kayo bago kayo umalis" sagot ko naman.

"Hayaan mona lang muna sya Aimee, mahirap talaga sa kanyang mawalay samin, lalo na sakin" natatawa nyang sagot at tinaas taas pa yung kilay, baliw talaga toh.

"Anak ayos kalang ba? sino kausap mo?" bungad ng mommy ni Milo na pababa din ng hagdan.

"Ahh wala Mommy, akin napo yan, ako napo magbababa" sagot ni Milo at kinuha sa mommy nya yung mga bags.

"Milo, andito na sina Lance tara na, Hon, tara na" sigaw naman nung daddy nya sa labas, nagtransfer naman agad ako dun para puntahan si Lance.

"Oh Aimee, andito kana pala, kasama moba si Tyler?" bungad na tanong sakin ni Tyler, ngumuso naman ako tapos ay umilimg iling.

"Hindi eh, ayaw nya talaga, pinilit kona at lahat pero ayaw talaga" malungkot ko namang sagot.

"Lalaking yun talaga, hayaan monalang" sagot naman nya at ngumiti.

"Ah anak ayos kalang ba?" bungad na tanong ng daddy nya.

"Opo, opo" naiilang na sagot ni Lance, natawa naman ako sa naging reaksyon nya, dumaan pa ang ilang minuto at nagsimula na silang magsisakayan sa van na gagamitin nila.

Pinapwesto ako ni Lance sa tabi nila ni Milo sa pinakadulo ng van, may isang kapatid na lalaki din tong si Lance, ng medyo naka sampong minuto na kaming nasa byahe biglang nagsalita yung mommy ni Lance.

"Anak ang luwag naman dyan sa likod, patabi nako senyo ni Milo medyo nahihilo ako dito" bungad na sabi nung mommy nya.

Itinigil nila ang sasakyan at akmang uupo nayung mommy ni Lance sa kinauupuan ko ng biglang

"Ma. wait, kasi ano po, nahihilo din ako eh balak kopong humiga dito maya maya" palusot naman ni Lance.

"Tsaka tita baka bigla na naman akong masuka, eh senyo pa mapunta" natatawa namang sabat ni Milo, kahit kelan talaga ang lalaking toh, natawa naman ako sa kanilang dalawa.

"Ganon ba sya sige dito nalang ako" sagot ng mommy ni Lance.

"Nuba kayo pwedeng pwede naman kahit dun nalang ako sa papag or dun sa inuupuan nya sa gitna ih" natatawa kong sabi sa kanila.

"Hindi ka namin makakausap pag andun ka, hayaan mona" natatawang bulong Milo, asa gitna nila kong dalawa.

"Kamusta kaya si Tyler siguro nag eemote nayun ngayon" walang konek kong sagot kay Milo

"Konting oras palang kayo di nagkikita namimiss mona agad" natatawang sabat ni Lance.

"Nako Aimee iba nayan" natatawa ding sagot ni Milo, binatukan ko nga.

"Alam mo Milo kanina kapa sa bahay ha, parang may iba sayo, sino bang Aimee yan?" biglang tanong nung mommy ni Milo na kinagulat naming tatlo.

"Yan ding si Lance nahuli kong may kinakausap pero wala naman" sabat nung daddy ni Lance na kasalukuyang syang nagdridrive.

"Alam nyopo gutom lang yan, si Aimee po pinag uusapan namin dito yung girlfriend ni Tyler, masama pong nakikinig sa usapan ng may usapan" natatawa namang sagot sa kanila ni Milo, si Milo talaga yung kilala kong halos lahat ginagawang biro.

"Anong girlfriend ka dyan?" biglang tanong ko sa kanya.

"Wag ka nalang magulo Aimee" bulong ni Milo habang natatawa.

"Ahh Lance, malayo paba?" naiinip kong tanong sa kanya.

"Oo eh, gusto mo matulog kanalang muna" bulong na sagot sakin ni Lance para hindi siya marinig ng mga kasama namin dito sa van.

"Ahh alam kona, wait guys ah, bisitahin ko muna si Tyler, asa stock naman na ng memory ko itong van, makakabalik ako dito agad" masayang sabi ko sa kanila, feeling ko ang talino ko kasi naisip koto hihihi.

"Talagang hindi ka makatiis noh, sige na puntahan mona sya" natatawang sagot ni Milo, natawa din naman si Lance.

"Mga baliw kayo, sigee ingat kayo ah byeee" sagot ko at nagtransfer na sa bahay nina Tyler sa bandang couch, pagpunta kodun naabutan ko si Tyler na.........

Itutuloy......

VOTE mga bebe thankkk youu ❤️

Let's Find Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon