#Shocks

893 47 1
                                    

Aimee's Pov:

So yun, absent si Tyler ngayon dahil natatakot sya sa banta nung lalaking nakaitim kagabi na kukunin ako, na kahit ako ay hindi kona alam ang gagawin ko, natatakot ako at hindi ko maipaliwanag kung bakit.

"Sigurado kaba Aimee na hindi mo nakikilala yung multong lalaki na nakaitim sabi mo?" tanong ni Lance, nasa video call silang tinatawag. Kaya nakikita namin si Milo at Lance.

"Hindi ko sya makikilala kasi hindi naman kita yung buong muka nya dahil takip na takip ito ng itim na kapa sa kanya, basta sigurado akong lalaki sya" sagot ko naman.

"Pano nayan, mukang hindi ka safe dyan kahit multo ka" sagot naman ni Milo.

"Aimee ang lalaki bang nakaitim ay nagagawa din ang mga nagagawa mo?" seryosong tanong naman ni Lance, napatingin naman ng seryoso din si Tyler sakin.

"Anong ibig mong sabihin?" mahina at naguguluhan kong balik tanong sa kanya.

"Yung mga nagagawa mo tulad ng kaya mong magtransfer sa mga lugar na naisin mo, yung kahit anong oras andyan ka, yung kahit umaga, tanghali or gabi man, ay malaya mong nagagawa ang gusto mo" paliwanag ni Lance, napaisip naman ako sa tatlong beses na nagpakita sakin yung lalaking nakaitim.

"Hindi ko sure eh, pero sa tatlong beses kaming nagkita ay twing madilim nayun or gabi na, tapos yung pagtratransfer sa kung saan ay marahil kaya nya, kasi kagabi bigla syang sumulpot sa harapan ko" paliwanag ko naman.

"Sa tingin ko hindi" seryosong sabat naman ni Tyler kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.

"Panong hindi Tyler?" tanong ni Milo.

"Kagabi, yung multo sa damit na sumanib kay Papa, kaya nya ding magtransfer sa ibang bahagi ng lugar pero hindi kagaya ng nagagawa ni Aimee, sa tingin mo ba Aimee bakit sa labas ng bahay kalang nya dinala? bakit dun lang kayo napunta, at bakit hindi nalang sya tumakas at magtransfer kung saan man kasama ang katawan ni Papa? kasi hindi nya kaya! Hindi nya kayang makapagtransfer sa malayuan tulad ng nagagawa mo, at marahil ay yun lamang din ang kayang gawin ng lalaking nakakapang itim" mahaba at seryosong paliwanag samin ni Tyler, mukang tama sya, pero paano nya naisip ang ganoong kalalim na case.

"Kung ganon, ang malaking tanong lamang dito, ay bakit gusto nyang makuha si Aimee, imposible namang kukunin nya si Aimee para gamitin ang katawan nito para mabuhay, kasi multo nadin naman si Aimee" paliwanag naman ni Milo.

"Naalala ko yung padalawang beses naming pagkikita, sinabi nyang Kailangan nya ako" mahina ko namang tugon.

"Kailangan?" sasabay sabay na nagtataka nilang tanong sakin, tumango tango naman ako bago sumagot..

"Oo sabi nya kailangan nya ko, pero hindi ko alam kung pano at bakit? ang naiisip kolang baka kailangan nyadin ng tulong tulad ko" sagot ko

"Kung kailangan nya ng tulong hindi ka nya haharasing kunin, magsasabi lang sya sayo ng maayos para tulungan mo sya pero hindi, kasi iba ang motibo nya at yun yung kailangan nating malaman" paliwanag naman ni Tyler.

"Maiba lang ako Aimee, hanggang ngayon ba ay wala ka pading maalala na kahit ano tungkol sayo?" seryosong tanong ni Lance, napayuko ako bago sumagot.

"Wala" tipid kong sagot.

Lance's Pov:

Gusto ko ng sabihin kay Aimee na baka buhay pa sya, pero ayaw naman ni Milo, dahil baka umasa lamang daw si Aimee sa hindi naman sigurado, at ayaw kodin naman syang paasahin, pero pakiramdam kolang talaga buhay pa sya eh.

"Wag muna nating problemahin ang memory ni Aimee, ang kinatatakot ko ngayon ay paano ko ipagtatanggol si Aimee sa multo?" seryosong sabat ni Tyler. Nagkatinginan naman kami ni Milo dito na tila kapwa wala ding alam kung paano.

"Masyado ng lumalala yung sitwasyon, hindi nako dapat nandito pa, hindi na dapat ako nandadamay pa" seryoso at malungkot namang tugon ni Aimee.

"Aimee ano bang sinasabi mo, hindi kita iiwan, at hindi ka namin pababayaan, nangako kami sayo na tutulungan at proprotektahan ka namin" seryoso namang sagot sa kanya ni Tyler.

"Tyler naririnig mopa ba yung sinasabi mo? Tyler kahit magtapang tapangan ka! Kahit ingatan moko! Kahit protektahan moko wala kang laban sa mga multo! Masasaktan kalang kung ipagpapatuloy mopa yung pagproprotekta sakin! Tyler wala nakong pakiramdam, wala nakong buhay, kaya ano pa nga bang rason para maduwag at matakot ako sa kapwa ko multo! Tanggap kona kung saan ako dadalhin ng kapalaran ko, malay ba natin sya pa magdala sakin sa katapusan! sa katapusang matagal ko ng hinahanap! Gusto ko ng manahimik, gusto ko ng manahimik kasi alam kong patay naman na ako at wala ng rason para mamalagi pako dito sa mundo nyo! Pagod na pagod  nako Tyler, at alam kong pagod na pagod na kayong tatlo sakin! Dinadala ko kayo sa kapahamakan lalo kana Tyler! Kaya pls ngayon lang ako makikiusap sayo, hayaan monako, tama na, wag mong isakripisyo ang sarili mong may buhay para sa aking multo na patay na" mahabang paliwanag ni Aimee na medyo napalakas na ang boses, damang dama ko ang sakit sa bawat bitaw nya ng salita. Na kahit walang luhang pumapatak sa mata nya ay ramdam mo yung sakit.

"Aimee naman, ngayon kapaba susuko! ngayon kapaba bibitaw, andami ng nangyari, andami na nating multong nakasalamuha at nakalaban pero lahat yun nalagpasan natin, kaya anong rason para ngayon kapa bumitaw!" medyo malakas nading sagot ni Tyler.

"Ibahin mo ang lalaking ito, hindi sya pang ordinaryong multo, may nararamdaman ako sa kanyang kakaiba, yung mga ngiti at boses nyang nakakatakot ay hindi pang ordinaryo, alam kong may malakas syang kapangyarihan na alam kong hindi mona kayang harapin pa bilang tao!" sagot naman sa kanya ni Aimee.

"Relax lang guys, Aimee wag kang ganyan, hindi ka namin iniwan, kaya sana wag modin kaming iiwan, andito kami, sasamahan ka naming lumaban kahit mapahamak pa kami, naging tunay ka saming kaibigan, at papatunayan din namin sayo yun" sabat naman ng katabi kong si Milo.

Napaupo naman si Aimee sa pagkakatayo at napahawak sa mukha.

"Aimee pls wag mokong alalahanin, lahat kaya ko basta para sa kaligtasan mo" mahina pang sabi ni Tyler at hinaplos ang likod nito.

___

PLS VOTE

Let's Find Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon