#Truth

910 49 0
                                    

After ng tahimik at mahabang byahe nakarating na nga kami dito sa lilipatin ni Milo at Lance, ang laki din nung bahay at ngayon kolang narealize na magkakasama sila sa iisang bahay, ganon pala kaclose ang mga parents nila, sayang at hindi nila kasama si Tyler dito, eh bakit ko ngaba iniisip ang lalaking yun bahala sya, ng makababa na kaming lahat ng sasakyan ay nagsalita nako.

"Lance pwede bang dito muna ako senyo" panimula ko.

"Oo naman, eh teka hindi moba sinasabi sakin kung bakit parang ayaw mong bumalik kina Tyler, nag away na naman ba kayo?" tanong nya sakin

"Hindi nga kasi" pagsisinungaling ko, bigla namang may nagring na phone napatingin kami pareho kay Milo.

"Ano naman kayang kailangan ng lalaking toh" sabi pa nya bago sinagot yung tawag, lumapit naman kaming dalawa ni Lance sa kanya.

"Oh tol, napatawag ka?" tanong ni Milo sa kausap nya.

Nakaloudspeaker naman kami dinig din namin yung sinasabi ng kausap nyang si Tyler pala.

"Nandyan naba kayo sa tagaytay? si Aimee kasama nyoba? kanina pa kasi hindi bumabalik dito eh" sagot ni Tyler.

Nagsign naman ako kay Milo na sabihing wala ako dito, pero dahil pasaway sya.

"Oo kasama namin" sagot nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin at nagkibit balikat, eto namang si Lance ayun tumatawa na naman.

"Pasabi namin bumalik na sya dito, gusto ko syang makausap" sagot ni Tyler sa kabilang linya.

"Oh Aimee parinig mo naman siguro yun, pumunta kana daw dun" sabi ni Milo sakin.

"Pasabi din sorry" sabi pa ni Tyler tapos binaba na ni Milo yung phone nya siguro naend na yung call tapos tumingin si Milo at Lance sakin.

"Kung ano man yung pinag awayan nyo ayusin nyona, sige na Aimee mag usap na kayo, basta bisita kadito minsan ha" sabi ni Milo.

"Oo nga Aimee, pero matanong kolang ano ba talaga pinag awayan nyo?" seryosong tanong ni Lance.

"Eh pano ba naman kasi, ayaw nyakong samahang ihatid kayo dito, ang lungkot lungkot nya padun na akala mo naman talaga malungkot sya dahil aalis na kayo , tapos maabutan ko sya sobrang saya dun kasama yung babae, bat kasi hindi nalang nya sabihing hindi sya makakasama paghahatid senyo kasi nga may pupuntang babae sa kanila" naiinis kong paliwanag sa kanila habang nanatiling naka kibit balikat.

"Eh bakit ba high na high ka" natatawang sagot ni Milo sakin, sinamaan ko naman sya ng tingin, this time seryoso nako, naiinis nako pati sa kanila isama pa tong laging pagtawa ni Lance sa seryoso kong paliwanag.

"Bahala kayo, pare pareho kayo!" naiinis kong sagot at nagtransfer sa kung saan, nagulat ako ng dito ako mapunta kung san nagsimula ang lahat, kung san ako nagising ng walang maalala, nasa tabing kalsada ako habang nakatingin sa mga sasakyang nagdadaanan dito. Sino ba talaga ako? Gusto ko ng magising sa katotohanan. Ayoko na ng ganito, ayoko ng mabuhay sa mundo ng mga tao kung patay nako, multo nako pero bakit ba kasi nakakaramdam ako, nakakaramdam ako ng sakit, at nakakaramdam ako ng pagmamahal. Habang nakatingin sa mga sasakyang nagdadaanan ay may isang lalaking nakaitim na suot na multo akong nakita sa kabilang kalsada, nakangiti sya sakin, ng may dumaang malaking sasakyan bigla syang nawala, asan na sya? tsaka sino sya? bakit sya nakangiting nakatingin sakin? hindi ko maintindihan pero bigla akong nakaramdam ng takot. Umiling iling ako at nagtransfer papunta sa park kung saan ako laging tumatambay pag galit ako kina Tyler or may tampo ako at gusto kong mapag isa. Naupo ako sa bakanteng upuan dito, tanghali na pala kasi wala ng masyadong tao dahil siguro sa init. Habang nakaupo hindi ko maiwasang mapatingin sa mga taong dumadaan, may magkakaibigan, may magkapatid, tapos may mga pamilya, napatingin ako sa langit at pumikit.

"Lord, sino po bang pamilya ko? ayos lang po ba sila? may kapatid poba ako? may mga magulang papoba ako? nasan po ba sila? Lord sana po bago ako mawala dito sa mundo ng mga tao ay makita komanlang sila, hindi kopo alam kung hanggang kailan at hanggang saan ako nandidito pero humihiling po ako sa inyo na dalhin nyoko sa kanila"

Matapos kong sabihin ito ay may humawak sa balikat ko kaya napamulat ako at nagulat ng makita si Tyler sa harap ko nakatayo habang nakaupo ako.

"Wag kang mag alala Aimee, sisiguraduhin kong maaalala mona sila, sasamahan kitang lagpasan ito" sabi pa nya, inalis ko naman ang kamay nya sa balikat ko at tumayo at tumalikod sa kanya

"Anong ginagawa mo dito, umalis kana Tyler gusto kong mapag-isa" sagot ko

"Aimee pls, uwi kana, sumama kana sakin, sorry kung yun yung naramdaman mo, Wendy is my ex crush, inimbitahan nyalang ako sa birthday party nya kaya sya andun kanina, Aimee, nung high school kopa sya crush pero ngayon wala na, wala nakong nararamdaman sa kanya" paliwanag pa nya.

"Eh bakit kaba nageexplain? wala ka naman kailangang ipaliwang ah, at hindi ako humihingi ng paliwanag" sagot ko habang nanatiling nakatalikod.

"Nagpapaliwanag ako para malinawagan kang hindi ko sya pinili over sa inyo, hindi kodin naman alam na dadating sya sa bahay that time. Hindi ako sumama pag hahatid sa kanila dahil hindi ko talaga kaya, hindi ko kayang ihatid sila tapos hindi kona sila kasamang umuwi, Aimee masakit sa part koyun, hindi ko na nga alam kung pano magsisimula ulit ngayong wala na sila" paliwanag pa ulit nya, this time medyo nalinawan nako, pakiramdam ko ako pa ngayon yung nakasakit at masama, dahan dahan akong humarap pero diko magawng sagutin sya

Pagkaharap ko hinawakan nyako sa magkabilang balikat at muli syang nagsalita.

"Hinding hindi ko ipagpapalit ang Let's Find Ghost Club kahit kanino, hinding hindi ko kayo ipagpapalit" sabi pa nya at niyakap ako. Habang nanatili syang nakayakap sakin ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mga taong nakatingin sa kanya, sino ba naman kasing hindi magtataka nakayakap sya sa hangin sa paningin ng lahat. Pinikit konalang ang mata ko at hinayaan sila.

____

Voteee poo thank youuu

Let's Find Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now