#LetsFindGhost@Pool

970 66 3
                                    

Tyler's Pov:

"Uyy asan naba si Aimee, magdidilim na hindi padin sya bumabalik" pangungulit ni Milo sa tabi ko, sa halip na sagutin pa sya ay nanatili nalang akong tahimik at nakatingin kung saan.

"Hanggang 6pm lang available ang resort nato, tignan nyo oh paunti na ng paunti yung tao" sabat naman ni Lance.

"Bakit hanggang 6 lang? bawal ba mag overnight?" tanong naman sa kanya ni Milo

"Hindi ka kasi nagbabasa ng mga paalala dyan sa tabi tabi, nagtataka nga din ako eh, bakit bawal sa gabi, eh mas maraming tao pag ganun" sagot naman ni Lance. Sa halip na intindihin ang pinag uusapan nila ay nanatili na lamang akong nakatingin sa pool na kasalukuyang wala ng tao. May napansin akong biglang kuminang mula sa ilalim ng tubig. Kumunot ng bahagya yung noo ko sa nakita ko, kaya tumayo ako sa pagkakaupo at titignan kung anong meron dun sa pool.

"Oh Tyler san ka pupunta?" tanong sakin ni Lance pero hindi konalang sya pinansin at tumungo sa pool, ng makarating dun, tinignan kong mabuti yung pool kung san ko nakita yung parang kumikinang kanina pero wala na ito, inilapit kopa ng konti yung muka ko sa tubig at pilit inaaninag yung ilalim nito ng biglang _________________

_____

Aimee's Pov:

Kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa bakuran ng bahay na inuupahan nina Tyler dito sa manila habang sila andun sa baguio na napakalamig pero nag swiswimming pa, may hawak akong bulaklak at isa isang inaalis yung petals nito.

"Babalik bako sa Baguio?" tanong ko sa sarili ko at muling inalis ang isa sa petal ng bulaklak

"or dito nalang ako at hayaan nalang sila dun" sabi kopa, hanggang sa naubos nayung petals nung flower na nagtapos sa babalik ako sa baguio, so ayun walang ano ano akong nqgtransfer sa resort kung san ko sila iniwan. Pagkabalik ko dito tanging mga gamit nalang nila ang naiwan dito, at wala na ni isang tao akong naabutan dito, isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong resort, nag ikot ikot ako sa loob at labas ng resort pero hindi ko sila nakita, ng biglang nakarinig ako ng kotseng paparating, agad agad akong nagtungo sa labas at naabutan ang isang sasakyan ng police at bumaba mula roon si Milo at Lance na basang basa, naghintay pako ng ilang sandali pero wala si Tyler, dalawang pulis lamang ang kasama nila duon. Agad agad naman akong lumapit sa kanila

"Bakit may mga pulis? asan si Tyler?" nag aalala kong tanong sa kanilang dalawa. Sasagot na sana sila sa tanong ko ng biglang nagsalita yung isang pulis.

"San ba talaga nawala yung kaibigan nyo?" tanong nung pulis.

"Nakatayo lang po sya dun sa pool kanina tapos biglang umangat yung tubig at kinuha sya pailalim dun, sinubukan namin syang tulungan pero nung sumunod ako sa ilalim ng tubig wala na sya dun" paliwanag ni Lance na nakapagpakaba sakin.

"Eh mga sira ulo pala kayo eh, sabi mo kinuha yung kaibigan mo, hindi mo naman sinabing tubig, pati kami dinadamay nyo sa mga kabaliwan nyo" galit na sagot nung isang pulis at dali dali silang sunakay sa kotse

"Mamang pulis, pano yung kaibigan naminn! tulungan nyo kami!" sigaw pa Milo pero tuluyan ng umalis yung mga pulis.

"Asan yung may ari ng resort? asan yung mga tao? bakit kayo nalang ang andito?" sunod sunod kong tanong sa kanila.

"Basta ang sabi hanggang 6 lang pwede mag stay dito sa resort, hindi namin namalayan na 6 na pala kanina, at mukang ito yung rason kaya bawal magpagabi dito, dahil may kung anong kababalaghan ang meron sa pool nayun!" mahabang paliwanag sakin ni Lance.

"Eh paano si Tyler san natin sya hahanapin! Paano nato, walang naniniwala sa atin" sabat naman ni Milo na bakas ang kaba sa muka.

Umiling iling lang ako at tumakbo paloob at dumiretso sa pool.

"San dinala ng tubig si Tyler, samantalang wala namang kahit anong mali sa pool na ito" bulong ko.

"Basta lumapit lang si Tyler dyan na parang may tinitignan, tapos biglang umangat yung tubig at dinala sya pailalim, tapos nun bigla nalang syang nawala" paliwanag naman ni Lance sakin, sasagot pa sana ako ng may biglang sumigaw

"Anong ginagawa nyo dito! Umalis na kayo, hindi bat sinabi na sa inyo na hanggang 6 lang kayo pwede dito!" nakakagulantang na sigaw ng isang babae, na sa palagay ko ay syang may ari nitong pool.

"Hindi po kami pwedeng umalis, dahil nawawala payung kaibigan namin" sagot naman ni Milo.

"Nawawala?" mahinang tanong nung babae at medyo nanlaki ang mata sa narinig.

"Opo, at kinuha sya ng tubigg dito sa pool" sagot naman ni Tyler.

Umiling iling lang yung babae na parang naguguluhan na natatakot.

"Guys, sa tingin ko may alam sya sa nangyari, pilitin nyo syang umamin" sabi ko kay Milo at Lance.

"Alam po naming may alam kayo sa nangyayari, tulungan nyopo kami! ano poba talagang meron sa pool nato! ito po ba ang dahilan kaya bawal magpagabi ang mga tao dito?!" tanong ni Lance sa babae.

"Kung nakinig lang sana kayo, hindi na sana umabot sa ganito!" balik na sigaw nung babae.

"Nangyari napo, hindi na naman mababalik yun, kaya tulungan nyopo kami para maibalik ang kaibigan namin, ano pobang dapat naming gawin" sunod sunod na sagot naman ni Milo.

"Dalawang taon na ang nakalipas mula ng mangyari ang masalimuot na pangyayari sa kapatid ko, 15 yrs.old sya nun, hindi pa noon ito resort, may nagawa nuong kasalanan si Raul, kaya bilang parusa iniwan sya nina mommy dito sa bahay at ako lang ang isinama para mamasyal, tapos, tapos pagbalik namin dito sa bahay, patay na bangkay nalang ni Raul ang naabutan naming lumulutang sa pool" paliwanag nung babae at napahagulhol sa pag iyak.

"Hindi ko ginusto yun, at hindi namin ginusto yun" umiiyak pa nyang sabi.

"May nangyari na palang ganon, pero bakit sa halip na alisin nyo ang pool na ito ay ginawa nyopang resort?" tanong naman ni Milo,  napaisip naman ako sa napakaganda nyang tanong.

"Dahil yun ang gusto nya! Dahil gusto nyang mangyari sa iba ang nangyari sa kanya, papatayin nyako pag hindi ko ginawang resort ang pool nato, kaya nakaisip ako ng paraan para wala syang mabiktima, twing 6pm lumalabas at nagpapakita sakin si Raul, kaya naisipan kong buksan lamang ang resort ng umaga hanggang 5pm,pero hindi kayo sumunod!" paliwanag pa nya.

"Eh asan na yung mga magulang nya?" tanong ko sa katabi kong si Lance.

"Eh asan na ngayon ang magulang nyo?" tanong ni Lance sa babae.

"Sila ang kauna unahang kinuha at pinatay ni Raul" sagot nito at muling naiyak sa sinagot nya. Nilapitan sya ni Milo at hinaplos ang likod nito.

Eh paano namin ngayon matutulungan si Tyler? ibig ba nyang sabihin wala ng chance na maligtas namin si Tyler?

Itutuloyyyyy.....

Dont Forget to Voteee, just click the star below thanks

Let's Find Ghost (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ