#Ala-ala

785 46 0
                                    

Maxinne's Pov:

"Anak, kanina ka pa naming hinahanap, nakapagreport nadin kami sa mga pulis saan kaba nanggaling?" sunod sunod na tanong sakin ni mommy pagkapasok kopalang sa gate.

"Bakit hindi ka namin macontact? aba kagagaling mopalang sa sakit tapos paganyan ganyan kana agad" galit namang bungad sakin ni daddy..

"Hon, ano ba bakit moba sya pinapagalitan" sabat naman ni mommy.

"Pasensya napo, nalowbat po kasi ako, tsaka may nangyari lang po, tsaka nga po pala may kasama po ako" sagot ko sa kanila, tapos ay sumilip ako sa labas ng gate at pinapasok sina Tyler.

"Kayo na naman? talaga bang hindi nyo tatantanan ang anak ko!" galit na bungad ni mommy sa tatlo.

"Kelan kapa natutong bumarkada sa mga lalaki ha Maxinne!" sabat naman ni daddy.

"Ma, Dad. Sila po yung nagligtas sakin, kung hindi sila dumating ay baka hindi na talaga ako nakauwi pa dito" paliwanag ko naman sa kanila

"Ganoon ba, kung ganon ay maraming salamat sa inyong tatlo, halikayo, pumasok muna kayo" nag aalangang sagot ni mommy.

"Hindi narin po kami magtatagal, Aimee este Maxinne mauna na kami" pagpapaalam ni  Tyler.

"Maxinne mauna na kami" pagpapaalam din ni Milo at Tyler.

"Maraming salamat ulit, ay pasensya na sa kasungitan ko sa inyong tatlo, mag iingat kayo" nakangiti ko namang sagot sa kanila, ngumiti lang din sila at lumabas na ng gate.

"Sigurado kaba anak na ok kalang? eh yung may balak sayong masama nahuli ba?" tanong ulit ni mommy sakin.

"Nakatakas po eh, pero sigurado po akong hindi na sya babalik" sagot ko naman.

"Paano ka naman nakakasiguro anak?" nagtatakang tanong ni daddy.

"Basta po, sure po ako hindi na sya babalik" sagot ko "sana" bulong kopa na sapat na para hindi marinig ni mokky at daddy.

"Kahit na kailangan pading mag ingat, oh sya pumasok na tayo at kumain kana" sagot ni mommy at pumasok na kami sa loob.

Mabilis lamang akong kumain at tumungo na sa kwarto ko para matulog. Muli ko na namang nakita ang sulat ng tatlong yun na laging nakapatong lamang dito sa table lamp ko. Muli ko itong kinuha at inalala ang mga nangyari kanina.

Bakit naman nuon ay walang nagpapakita saking kahit anong multo tapos ngayong galing ako sa coma at nagising ay may kung ano ano ng nangyayaring kababalaghan sa akin. Ano ba kasing ginawa ng kaluluwa ko bilang si Aimee habang ako ang katawan ko ay mahimbing na natutulog. Gusto kong maalala ang pagkamulto ko, ayokong mabuhay sa punong puno ng misteryo ang buhay ko. Hindi kona alam kung kailan susugod ang panganib sa akin.

Habang nasa ganoong pag iisip ay nahiga nako at pinikit ang mata ko. Pero bawat pagpikit ko ay yung lalaking multo lamang na nakaitim ang palagi kong nakikita. Hanggang sa naramdaman ko na ang antok at unti unti akoy nakakatulog na.

• "Tulungan nyoko! Wala akong maalala" •

•"Talaga hindi na kayo takot sakin?" •

• "Tyler! Milo! Lance andito nako!"•

• "Sino ba talaga ako? san ako nakatira? nasan kaya ang pamilya ko?" •

•"Ano bang kailangan mo sakin!?"•

•"Pasensya kana Milo hindi ko kasi makontrol ng maayos yung kapangyarihan ko"•

•"Seryoso ako Lance! Bakit ba lagi mokong tinatawanan"•

•"Ano bang sinasabi mo Tyler, patay nako kaya hindi ka dapat nagkakagusto sa kagaya kong multo!"•

"Go Let's Find Ghost Club!"•

"Whuuuahhh!" gulat akong napabaligwas dahil sa panaginip na ito, pawis na pawis ako at ang bilis ng tibok ng puso ko, hinawakan ko muna ang kamay ang muka ko at nagpunas ng pawis.

Panaginip lang ba ang mga iyon? o totoo talagang naging multo ako at nakasama ko ang tatlong lalaking yun, pero bakit ganon, bat napakabilis naman ng panaginip na ito, bakit hindi nito dinetalye ang lahat lahat ng nangyari sa pagkamulto ko. Hanggang ngayon ay hindi padin ako makapaniwala sa mga sunod sunod na kakaibang nangyayari sa akin. Maya maya pa ay biglang bumukas ng kusa ang bintana sa kwarto ko dahilan para mapatingin ako dun ng gulat. Kasabay nun ay pagpasok ng malakas na hangin, agad agad akong tumayo para saraduhan yun, ng makarating sa bintana ay may biglang sumulpot duon.

"Whuauhhhh!" sigaw ko dahil sa gulat at napaupo sa sahig, agad agad akong tumayo at sinilip ang nakakagulat na itim na asong biglang bumungad ruon.

"Saan kaba nanggaling na aso ka! Gabing gabi na nananakot ka!" sigaw ko sa aso habang nakahawak sa dibdib ko. Pagtapos nun ay sinarhan kona ang mga bintana. Napakamatatakutin kona talaga ngayon, masyado nadin akong magugulatin, pakiramdam ko palagi ay may multo akong makikita na hindi kona kayang makita pa.

itutuloyyy____

VOTE THANKSS

Let's Find Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now