PROLOGUE

10.7K 161 18
                                    

ANG INGAY NG BUONG PALIGID. Hindi na halos marinig ni Mikee ang sinasabi sa kanya ng mga kaibigan niya. She's practically just reading their lips so she could figure out what they are saying. Nakakaaliw talaga sa bar. Hindi niya nararamdaman ang katahimikan ng mundo niya lalo na at mag-isa na lang siya sa bahay nila ng kanyang nanay.

Mikee's mother died when she was just 16 years old at mula noon ay mag-isa na lang siya. Wala naman na siyang pamilyang pupwedeng mapuntahan but her mother. She was a secret. A love affair's hidden fruit. Yes. Kabit lang ang nanay niya kaya naman wala na siyang ibang mapupuntahan.

It was devastating for her and she became a different person because of that loss. Siya na lang mag-isa sa bahay nila ng ina kaya naman napabarkada siya at natutunan na din niyang uminom at mag-party. Hindi pa siya legal sa bars ay laman na siya noon. She has her ways kaya naman she will party until she drops, and she will drink until her heart is content.

"Mikee, my girl!" Masayang bati sa kanya ng kaibigan niyang si Sage, kilala na niya ito mula pa noong first year college sila. He's older than her by two years like most her classmates pero sobrang kasundo niya ito. "Kamusta ang birthday girl natin?"

Oo nga pala, birthday niya nga pala. This is her debut and finally ay legal na siyang makakapunta sa bar at hindi na kailangan ng fake IDs. Mula pa noong 16 siya ay taong bar na siya. Sanay na siyang magpa-ikot-ikot sa bars sa ka-Maynilaan.

"Well, this girl is ecstatic to party!" She shouted. Ready naman na talga siya. She was dressed to party for tonight, showing just enough skin to feel free.

"Madami ka na atang nainom?" He asked.

"Medyo." She giggled. Kasama naman niya ang mga kaibigan kaya naman okay lang iyon. "Tonight, all drinks are on me. It's my birthday so keep the booze flowing my friends. Let's get wasted!"

Ganito lang ang buhay niya. She parties like crazy and goes to school like nothing happened the night before. Well the only good thing about Mikee is that she's smart. Despite all the partying and rebelling from her own self ay at the age of 18 ay patapos na siya sa college. She started a bit early than most kids did kaya may head-start din siya. Mabuti na lang at nakalusot din sa mga acceleration exams dati. Kaya heto siya at patapos na sa kursong Advertising Arts sa UST.

"Hi there." Nakangiting bati ni Mikee sa gwapong lalaki sa may counter ng bar, malayo sa magulo at maingay na dance floor na pinanggalingan niya.

Nice, he looks like those men from magazine covers. Nakasuot kasi ito ngayon ng puting polo na nakatupi hanggang sa siko nito. Man, those arms. She smiled and sat beside him kahit na hindi siya nito pinansin kanina. Mukhang sobrang seryoso naman nito. Bakit pa kaya nasa bar?

After a while ay na-gets na niya na ayaw nitong magulo. Hindi naman niya pagpipilitan ang sarili niya kung ayaw nito. Sayang nga lang at hindi niya nakita ang kabuuan ng hitsura nito. He must be handsome, sa side profile pa lang nito ay panalo na.

Bumalik na lang siya sa mga kaibigan niya dala ang alak na kinuha sa bar at sinimulan na uli ang pag-inom at pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan hanggang sa mapag-tripan niyang pumunta sa dance floor at makiparty naman doon. Some of her friends who were still there are already quite drunk, kasama si Sage na sana ay aayain niyang sumayaw. May ilan na sinundo na at bago pa siya tumayo mula sa la mesa nila ay kinuha na ng kuya nito si Sage. Hay nako, mga olats sa pag-inom. Such a bunch of weaklings.

"Mikee, hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ng kuya ni Sage na si Ethan. "Ihahatid na din kita."

"Hindi na kuya, okay pa ako." She smiled.

"Are you sure?" Tanong muli nito. Crush niya dati ang kapatid ni Sage na ito pero lumipas din naman. Ethan's a new doctor just like their mom. He's super pogi and caring also kaya madami nang nakapila para makuha ang puso nito. Di na siya makikiagaw.

San Vicente 1: Tenacious ✅Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ