Chapter 5

173 2 0
                                    

Sinama ni Auriel si Zealian sa headquarters ng FIA upang ipakita ang ilan ebidensya na nakuha nila sa bawat pinangyarihan ng krimen. Una na dito ang mga police report. Kung kailan at saan nangyari ang krimen; pangalawa ang mga litrato ng ebidensya tulad ng kuwadro na laging iniiwan ng kriminal sa kanyang biktima at ginamit sa pagpatay; at ang pangatlo ang mga litrato ng mga biktima na kuha ng pulisya-ang mga ito ay nakadikit sa board na may haba na 10 feet at may taas naman na 5 feet na nasa pader. Pagkatapos makita ng dalaga, nagtungo sila crime scene kasama si Terrence.

Habang nasa biyahe, tinanong ni Auriel ang dalaga kung sigurado na ito at pinaulit-ulit niya pa dito kung paano pinatay ang mga biktima ngunit iisa lang ang sagot nito, sigurado ang dalaga na balikan ang pangyayari upang makatulong sa pag-usad ng imbestigasyon at matigil ang brutal na pagpatay sa mga inosensteng mamamayan ng Great Britines.

Nang makarating, pinarada ni Auriel ang sasakyan sa may tapat ng bakuran ng bahay kung saan naganap ang karumaldumal na krimen. Sa labas ng bahay ay may police tape pang nakalagay dahil iniimbestigahan pa rin ang labas at loob nito. Hindi na rin sila pumasok sa loob nito. Nanatili sila sa loob ng sasakyan. Ang nasa driver seat ay si Auriel, sa passenger seat si Terrence at sa backs seat naman si Zealian.

"Sigurado ka na ba talaga?" muling tanong ni Auriel.

"Siguradong sigurado na po ako." Tinignan niya ang kanyang relo. Naganap ang krimen bandang twelve ng madaling araw kaya babalik siya ng mga 11:45 para makasigurado na maabutan niya ang kriminal. Pinikit niya ang kanyang mga mata at nagsimula nang bumalik ang kanyang diwa sa nakaraan.

Nakatayo si Zealian sa loob ng bakuran ng tahanan ng pamilya na napatay. Ilan minuto ang lumipas, napalingon siya sa gate dahil may dumating. Nakasuot siya ng itim na cowboy hat. Nakatakip ng mask ang kanyang mukha-mula iling hanggang leeg. May dalang backpack. Hindi ito agad pumasok. Nanatili itong nakatayo sa tapat ng gate. Ang kanyang mga mata ay nagmamatyag sa kapaligiran. Tinitiyak niya na walang makakakita sa kanya.

Kahit na imposible na makita ni Zealian na makita ang mukha ng lalaki, nilapitan pa rin niya ito para kahit man lang mga mata nito ay kanyang makita. Nagbabakasakali siya na makatuling ang maliit na detalye na iyon para makilala ang kriminal. Tinititigan niya ng husto ang mga mata nito. Habang tumatagal ay parang nagiging pamilyar na ito sa kanya.

"Nakita ko na ang maamong mga matang yan."

Nang makatiyak ang lalaki na walang tao, umakyat siya sa gate. Sa kanyang paglalakad, kumuha siya ng kutsilyo sa kanyang holster. Tinago niya iyon sa kanyang likod tapos ay kumatok sa pintuan. Ilan beses na siyang kumakatok ngunit walang nagbubukas ng pintuan kaya ang ginawa niya, kinuha niya ang piraso ng alambre na dala niya. Sa pamamagitan noon ay binuksan niya ang naka-lock na pintuan. Pumasok siya sa loob. Sinara niya ang pintuan atsaka kinandado. Sinundan ni Zealian ang lalaki.

Normal na naglakad sa loob ng bahay ang lalaki. Hindi nangangamba na may makarinig sa kanyang mga yapak. Tumigil ang lalaki sa may estante na puro litrato ng pamilya.

"Hindi ko gustong gawin ito kaya sana mapatawad niyo ako," saad niya.

Nagtaka si Zealian. Napatanong sa kanyang sarili na kung hindi nito nais pumatay bakit nito ginagawa? Kung labag sa kalooban niya bakit pa niya pinagpapatuloy?

Muling naglakad ang lalaki. Umakyat siya sa taas kung saan naroroon ang kwarto ng mag-anak. Pumasok siya sa kwarto ng anak na dalaga ng may-ari ng bahay. Mahimbing itong natutulog habang may yakap na malambot na unan. Nilapitan niya ito. Tinakpan ang bibig atsaka sinaksak ang dalawang mata. Napapikit si Zealian. Tila nanlambot ang mga buto niya sa kanyang nasaksikan at nanginig ang kanyang mga kamay. Ang dilag naman ay pilit na sumisigaw ngunit hindi niya magawa dahil sa nakatakip na kamay ng lalaki. Kalaunan ay nawalan na rin ng malay.

Kyuketsuki by IamLycheWhere stories live. Discover now