Chapter 27: "Confused"

650 24 4
                                    



Sa may bailey o tinatawag na inner ward, nakita ni Xavier si Queen Elizabeth at Crown Princess Euginie na mataimtim na umiinom ng mainit na tsokolate. Nilapitan niya ang mag-ina.

"Mommy." Bineso ni Xavier si Queen Elizabeth maging ang kapaitd na crown princess.

"Saluhan mo kami," saad ni Euginie.

Naupo ang binata sa tabi ng kapatid niya.

"Nabalitaan na namin ang malagim na nangyari kay Lord Mayor Carson," salita ng dalaga.

"Nakausap mo na ba si Charmein tungkol doon?" tanong ni Elizabeth.

Tumango si Xavier. "Opo. Sinubukan ko po siyang damayan at pagaanin ang kanyang loob ngunit tila nagalit pa siya sapagkat iniisip niya na awa lang ang aking pinapakita."

"Hindi natin siya masisisi kung ganyan ang kanyang maramdaman dahil hindi naging maganda ang iyong pakikitungo sa kanya. Kaya hayaan na lang muna natin siya."

"Mainam nga po kung ganyan ang aking gawin."

"Mommy..." singit ni Euginie. "...Ano na po ang mangyayari sa kanya at kay Xavier? Hindi na po ba matutuloy ang kanilang kasal?"

"Hindi na at sa natuklasan sa kanyang ama, si Charmein ang magiging kawawa dito."

"Po? Bakit naman po?" tanong ni Xavier.

"Dahil sa royal council. Kahit na patay na si Lord Mayor Raylen Carson, titiyakin ng mga ministro na pagbabayaran nito ang lahat, lalo na yung ginawa niyang pagtataksil sa bayan. Isang malaking kasalana sa ating bansa ang gawaing iyon."

"Ano po ang maaari nilang gawin kay Charmein?"

"Wala silang gagawin kay Charmein ngunit ang yaman ng kanilang pamilya ay maaaring kunin at ipamigay sa mga maralitang nangagailangan ng lubos. Mawawala sa kanya lahat ng luho, lahat ng nakasanayan niya."

Nalungkot si Xavier para kay Charmein at batid niya na mahihirapan ang dalaga na makapag-adjust sa magiging bagong buhay nito. "Hindi rin naman po natin siya pababayaan di ba? Maaari pa siyang manatili sa poder natin."

"Xavier, hindi na siya maaaring manatili sa ating poder sapagkat pagbabawalan na siya ng mga ministro na lumapit sa royal family," tugon ni Euginie.

"Tama ang iyong ate."

"Hindi ako makakapayag na siya ang magbayad sa lahat ng ginawa ng kanyang ama. Kakausapin ko ang mga ministro tungkol dito at sasabihin ko sa kanila na huwag nang idamay si Charmein. Huwag na rin nilang balakin na pagbawalan ang dilag na iyon na makalapit sa atin."

"Xavier."

"Mommy, nasabi ko sa kanya na hindi siya nag-iisa, na nandito lang ako at ang royal family para sa kanya. Kung gagawin ng mga ministro na pagbawalan siya na makalapit sa atin baka sabihin niya na sinungaling ako, baka sabihin niya na pinabayaan ko siya, pinaasa. Inang reyna, ayoko nang ulitin sa kanya ang ginawa ko kay Zealian."

"Magkaiba naman iyon."

"Magkaiba ng sitwasyon ngunit magkapareho pa rin ng gawain."

Dahil sa balitang nakalap ni Zealian kay Kai-bin, agad siyang nagtungo sa FIA Headquarters kasama ang kasintahan upang magtanong kay Auriel kung ano nang nangyari sa imbestigasyon. Bago magawi ang pag-uusap sa lord mayor, tinanong muna siya ni Auriel kung saan galing at bakit umalis ng bahay ng walang paalam. Sinagot naman ni Zealian ang lahat at kinuwento niya ang napag-usapan nila ni Xavier.

Kyuketsuki by IamLycheWhere stories live. Discover now