Chapter 18: "Tail"

4.1K 84 5
                                    


Pagkatapos kumain ng dalawa, humingi ng pabor si Zealian kay Auriel na samahan siya na maglakad hanggang sa ikalawang kanto sapagkat nais niyang makita kung bukas na ang coffee shop ni Kai-bin.

Habang naglalakad nagkukwentuhan ang dalawa ng kung ano-ano. Nagtanong si Zealian tungkol sa pamilya ni Auriel na sinagot naman nito ng walang pag-aalinlangan. Sinabi rin nito sa kanya na solo siyang nakatira sa isang apartment sa residential community at ang mga kapatid at mga magulang niya ay nasa kabilang siyudad.

Sa kwentuhan nila biglang bumagal ang lakad ni Zealian na tila pinakikiramdaman ang paligid dahil parang may sumusunod sa kanila.


"Guardian angel, kanina ko pa po ito nararamdaman noong kasama ko pa po si prinsipe ng mga baka," medyo mahinang sabi ni Zealian na halos pabulong na.


"Nararamdaman?" tanong ni Auriel. Inaayos ang kanyang half finger gloves.


Tumango naman si Zealian. "Parang...Hindi pala 'parang' may sumusunod nga talaga sa akin."


Lilingunin na sana ni Auriel ngunit pinigilan siya ni Zealian. "Huwag mo pong lingunin baka tumakbo. Sumunod ka lang po kung saan ako pupunta."


Pinagpatuloy ng dalawa ang paglalakad at habang naglalakad may pinaplano si Zealian para mahuli ang sumusunod sa kanya. Sa halip na kumaliwa, kumanan silang dalawa.


"Huwag ka pong magsasalita, makinig ka lang po. May plano ako para mahuli ang sumusunod na yan. Madadaanan po natin ang Cross Lane, mauna ka pong lumakad sa akin tapos lumiko ka po sa ikalawang eskinita tapos kumaliwa ka po. Ako naman liliko sa unang eskinita. Itatratrap po natin siya."


Ang Cross Lane ay isang eskinita na may mahabang daanan at tatlong maikling daanan na ang hugis ay pa-krus. Dadaan si Auriel sa mahabang parte ng eskinita habang si Zealian naman dadaan sa unang maikling eskinita tapos kapag kumaliwa siya dadaan ulit siya sa maikling eskinita na may haba na mahigit dalawapung metro—katapat nito ang mahabang parte ng eskinita na dadaanan ni Aurie—doon niya balak itrap ang taong sumusunod sa kanya.

Tumango si Auriel bilang pagsang-ayon at para sabihin na rin na naintindihan niya ang sinabi Zealian.


"Zealian, kita na lang tayo bukas," wika ni Auriel habang nakataas ang kamay. Napatanong siya sa kanyang isipan kung kaninong tauhan ang sumusunod kay Zealian.


Si Zealian naman nakatayo lang habang nakatingin sa kanyang relo. "Mula dito aabutin si Guardian angel ng mga tatlong minuto bago makarating sa Cross Lane, habang ako naman ilang hakbang lang nasa unang eskinita na ako. Siguro mga pagkalipas ng dalawang minuto na lang ako papasok sa eskinita," saad niya sa kanyang isip. Tumingin siya ng patagilid. "Sino kaya itong sumusunod sa akin?"


Makalipas ang dalawang minuto naglakad si Zealian papunta sa unang eskinita, habang naglalakad pinapakiramdaman niya kung may sumusunod pa rin sa kanya. Lumiko siya sa kanan tapos biglang tumigil sa paglalakad. Agad siyang humarap; nakita niya ang isang lalaki na patakbo ngunit sa pagtakbo nabunggo nito si Auriel. Tatakas sana ito ngunit hinawakan na ni Auriel ang damit tapos pumapalag itong iniharap kay Zealian.


"Bakit mo ako sinusundan?" tanong ni Zealian. Lumalapit siya sa lalaking hawak ni Auriel. "Paparazzi ka ba?" Tinignan niya kung may camera itong dala. "Wala ka naman camera. Sino ka huh?"

Kyuketsuki by IamLycheWhere stories live. Discover now