Chapter 8: "Fafa Tyler Had a Farm"

5.8K 116 13
                                    


Ang Agricultural Land sa Edictumius ay napapalibutan ng dalawang bundok, isang mahabang ilog; pala-isdaan; mayroon itong napalawak na sakahan kung saan may mga baka, kalabaw, bibe, kambing; baboy na mga alaga at taniman ng palay; at may nakatanim na ibat ibang klase ng halaman at puno na inaani para sa siyudad at ito rin ang isa sa mga pinagkukunan ng suplay ng bansa ng mga gulay at prutas maging ng bigas. Ang iba naman ay ibinebenta sa ibang bansa.

 Nang makarating sa Agricultural Land, kahit na malayo pa sila pinatigil na ni Zealian ang sasakyan dahil natatanaw na niya si Tyler na papalapit sa kanila. Meron itong kasamang baka.


"Ang layo pa natin," wika ni Terrence.


"Okay lang po yan," salita naman ni Zealian. Nagmamadali niyang tinatanggal ang seatbelt.


Napailing na lang si Terrence tapos tinanggal na rin ang kanyang seatbelt. Pagkababa nila ng sasakyan doon palang nalaman ni Terrence ang dahilan kung bakit pinatigil na ni Zealian ang sasakyan.


"Ehemmm, kaya naman pala ang apple of your eyes ay papalapit dito," wika ni Terrence. Ang kanyang tingin ay na kay Tyler tapos tumingin siya kay Zealian para asarin dahil titig na titig ito sa lalaking may dalang baka. "Laway mo tumutulo na parang gripong nakatodo ang bukas," pang-aasar niya habang pinupunasan ang bibig ni Zealian ng kanyang panyo. 


Napahawak naman si Zealian sa kanyang bibig. "Hindi naman," bulong niya.


"Anong balak mo? Ang layo pa natin."


"Gusto ko pong maglakad hanggang sa bahay para makalanghap ng sariwang hangin at makita ang kagandahan ng kapaligiran," sagot ni Zealian habang dinarama ang hangin na humahaplos sa kanyang mga balat.


"Dami mong alam parang totoo naman na iyon ang dahilan."


"Nagtanong ka pa po kung alam mo naman ang dahilan?"


Napailing nalang si Terrence. Tinawag niya si Tyler. "TYLER!"


Nakangiting kumaway si Tyler kay Terrence. "Terrence welcome back," mainit na pagbati niya. "Hi Zealian."


Ngumiti naman si Zealian bilang sagot sa pagbati na ginawa ni Tyler.


Bahagyang nilapit ni Terrence ang kanyang bibig sa tenga ni Zealian upang bumulong. "Ako una niyang pinansin hindi ikaw so ibigsabihin sa akin siya may gusto," pang-aasar niya habang nakahawak sa suot na cowboy hat.


Binelatan naman siya ni Zealian nang may inis.


"Paki samahan na lang si Zealian hanggang sa bahay," sabi ni Terrence kay Tyler. "Di ko na kasi dadalhin ang sasakyan doon gusto niya kasi na maglakad."


"Sige po," tugon ni Tyler sa utos sa kanya.


"Salamat ng marami Tyler. By the way, nandyan na ba sila Kai-bin?" tanong ni Terrence.


"Halos kararating lang po nila."

Kyuketsuki by IamLycheWhere stories live. Discover now