Book of Thirteen Gods of Democratic Evil"

2.1K 69 2
                                    



Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Makalipas ang mahigit isang taon, sa bansang Great Britines may isang siyudad na nilamon ng dilim at malayo na sa itsura nito dati. Ang siyudad na ito ay walang iba kung di ang Edictumius ang dating pinamumunuan ni Lewis Vigoureux. At sa pag-alis ni Lewis sa siyudad ay siya namang dating ng isang kilalang grupo. Iyon ay ang Democretic Evil na minsan nang pinahirapan di lang ang royal family kung di ang buong Great Britines dahil nagawa nitong pabagsakin ang ekomoniya ng bansa.

Sa kasalukuyang panahon, sila ay nagpapalaganap ng mga iligal na mga gawain tulad ng pagbebeta ng iligal na droga, iligal na pasugalan, may nagaganap na nakawan at patayan at ang pinakamasakit sa lahat laganap na rin ang bentahan ng mga maralita. Ino-auction nila ang mga ito sa isang tagong lugar kung saan ang mga kliyente nila ay mga aristokrata. 

Sa pag-alis din ni Lewis sa siyudad bilang lord mayor, naging malaki ang epekto nito sa mga aristokrata lalo na sa mga maralita. 

Tila naging malupit ang tadhana sa mga maralita dahil ang dati nilang masaganang pamumuhay ay napalitan ng dobleng paghihirap. Hirap silang buhayin ang kanilang pamilya at madalas ay tag-gutom. Hindi na kasi sila masyadong napapansin ng lokal na pamahalan. Dahil sa ganung pamumuhay, kahit anong trabaho mapa-iligal man ito o ligal ay kanila nang pinapasok, mabuhay lamang ang kanilang pamilya. Ang mga aristokrata naman ay lalong yumayaman at lumakas ang kapangyarihan sa lipunan.

Kyuketsuki by IamLycheWhere stories live. Discover now