Chapter 28: "Case Closed"

2.8K 69 9
                                    


Kagabi, pagkauwi ni Zealian sa kanilang bahay kinausap siya ng kanyang ama na bukod kay Auriel may isa pang nagbabatay sa kanya at alam ang isa niyang pagkatao, iyon ay walang iba kung di si Hue. Dahil doon minungkahi niya sa kanyang ama na nais niyang makausap ang dalawa sa kanyang bahay at nais niya rin na humingi ng tulong para sa planong inilatag niya para mahuli si Knight Ghost.

Kinabukasan, dumating si Hue at Auriel, tinanggap ng dalawa ang imbitasyon ng lord mayor na magtungo sa bahay ni Zealian ngunit di nila alam kung para saan. Kasalukuyan sila ngayon na nakaupo sa couch sa may living room kasama si Carisse at Kai-bin. Si Zealian naman nakatayo sa kanilang harapan habang ang kanang siko ay nakapatong sa kaliwang kamay; ang hinlalaki ay nasa ibabang bahagi ng baba tapos ay naglalakad ng pabalikbalik—pakanan at pakaliwa —habang nakatingin sa dalawa.


Tumigil si Zealian sa paglalakad ngunit ang kamay niya ay nasa kanyang baba pa rin at medyo itinaas niya ang kanyang isang kilay upang magmukhang mataray at seryoso. "Okay, ate Hue ikaw po ang uunahin ko. Sabi po sa akin ni daddy na ikaw at si Anika ay iisa lang, may katotohanan po ba ang pahayag na iyon?" tanong niya na para bang isang lawyer na nasa court at may ipinagtatanggol na kliyente.


"Totoo," sagot ni Hue.


"At nagtatrabaho ka po sa coffee shop ni Kai-bibe ko para bantayan ako? Tama po ba?"


"Tama."


Tumango-tango si Zealian tapos nagpamulsa naman at muling naglakad ng pakaliwa at pakanan. "Ikaw naman po guardian angel. May nakapagsabi naman po sa akin na isa sa mga tauhan ko na inatake ka kagabi ng isang lalaki na naka-monocle at naka-half-mask." Tumigil siya sa paglalakad. "Gaano po iyon ka totoo?"


Ang nagsabi sa kanya ng impormasyon na iyon ay walang iba kung di si butler Scott at kakasabi lang kaninang umaga.

Napapikit sandali si Auriel at pinipigilan tumawa. Para makasagot nang di natatawa huminga siya ng malalim at ginawang seryoso ang mukha tapos ay ikinuwento't dinetalye niya ang naging engkwentro kagabi sa lalaking nakasuot ng monocle


"Kilala mo po ba ang lalaking iyon? O may idea ka ba kung sino siya?"


"Wala akong idea kung sino siya basta kilala ko lang siya sa pagsuot niya ng monocle."


"Ako kilala ko po siya, nagkita't nagkausap na rin po kami."


Nagulat si Hue at Auriel sa pahayag ni Zealian.


"Kailan, saan at bakit kayo nagkita?!?" tanong ni Auriel na medyo may pagkagulat.


"Matagal na po kaming nagkita sa may isang open field dito sa siyudad at ang dahilan ay nakikipagsabwatan siya sa akin," sagot ni Zealian.


"Pumayag ka naman?" tanong ni Hue.


"Pumayag po ako at sa ikalawang pagkikita namin pinag-usapan namin ang isang plano."


"Isang plano?" sabay na tanong ng dalawa.


Kyuketsuki by IamLycheWhere stories live. Discover now