Chapter 30: "Unmasked"

558 17 0
                                    

Kakalabitin na ni Leolin ang gatilyo nang magulat siya na may pumulupot sa barrel ng kanyang baril na string na may treble hook sa dulo. Sinundan niya ang string hanggang sa makita niya ang isang tao na nakatayo malapit sa pillar. Sakto rin na pagkakita niya, hinila nito ang baril at nabitawan niya ito.

Nagulat ang hari sa nangyari ngunit nakahinga siya ng maluwag sapagkat hindi natuloy ang pagputok ng baril.

"YES!" Nakataas ang nakasarado nitong kamao. "Ang galing ko talaga."

Nagsalubong ang kilay ni Leolin at tumalas ang kanyang tingin nang makita niya kung sino ang may kagagawan noon. "Kyuketsuki."

Nang malaman ng hari na si Kyuketsuki ang humila sa baril, mas lalo siyang kinabahan dahil nailigtas man siya nito, may posibilidad pa rin na patayin siya nito sapagkat kilala ito bilang mamamatay tao.

Sa likod ng maskara, napangiti si Zealian. "Kanina pa ako nandito. Hindi lamang ako nang-istorbo sapagkat nag-uusap pa kayo."

Dahil sa hindi naman ganun kaliwanag ang throne hall sapagkat namatay ang ilan ilaw nito lalo sa pagpasok dahil sa pagsabog na nangyari kanina, nakapasok si Zealian ng tahimik at hindi napapansin. Ginamit rin niya ang mga pillar upang doon magtago.

Nang mapunta ang kanyang tingin sa hari, yumuko siya upang magbigay galang. "Magandang gabi po, mahal na hari." Tumindig siya ng maayos.

Natawa si Leolin. "Nakuha mo pang magbigay galang huh?"

"Natural. Hari kaya siya ng bansang ito."

Ngumisi ang binata. "Kamusta ka na, traydor?"

"Wow...Grabe...Yan na naman ba tayo? Ilan beses ko bang sasabihin na hindi ako traydor at sino ka ba huh? Ngayon lang kita nakita."

"Ako si Dark Phantom. Ang lider at first god ng Democratic Evil. Ang magpapabagsak sa royal family."

"Siya pala ang lider." Muling yumuko si Zealian. "Kinagagalak kitang makilala." Tumindig siya ng maayos. "Hayaan mo naman na pormal akong magpakilala sa iyo. Ako si Kyuketsuki, ang tinaguriang thief-assassin ng siyudad na ito kahit hindi naman."

Nagsalubong ang kilay ng hari. Para kasing hindi si Kyuketsuki na notorious na kriminal ang nakikita niya. "Siya ba talaga si Kyuketsuki?"

"Akala ko nakakatakot ka, nagkamali pala ako. Isa ka palang isip bata," saad ni Leolin.

"Hindi ako isip bata, sadyang magalang lang talaga ako," sagot ni Zealian.

"Okay, okay...May offer na lang ako sa iyo."

"Ano?"

"Nais kong pumatig ka sa akin, sa Democratic Evil. Sabay natin pabagsakin ang royal family."

Umiling si Zealian. "Ayoko. Kailan man hindi ako papanig sa inyo. At nandito ako para tumulong."

"Tumulong? Saan?" Tinuro ni Leolin ang hari. "Sa haring ito?"

"Hindi lang sa kanya kung di sa bansang ito."

Natawa si Leolin. "Ang kriminal na tulad mo ay tutulong sa bansa? Nahihibang ka na ba?"

Nagsalubong ang kilay ni Zealian. "Hindi ako nahihibang at para sabihin ko sa iyo hindi ako kriminal. Nadungisan lang ang aking pangalan nang dahil kay Caedmon, dahil sa grupo mo o maaari dahil na rin sa iyo. Tutulungan ko ang bansang ito hanggang sa kamatay dahil mahalaga ito sa akin. Ito ang aking inang bayan," matapang niyang saad.

Tumiklop ang kamao ni Leolin at sumama ang tingin niya kay Zealian. "Inang bayan huh?" Tumakbo siya patungo sa direksyon ni Zealian habang ang kamaong nakasarado ay nakataas-kalevel ng kanyang ulo. "Sige! IPAGLABAN MO ANG IYONG INANG BAYAN!"

Kyuketsuki by IamLycheWhere stories live. Discover now