Chapter 13: "The Fourth God: Dark Bandit"

1.2K 42 3
                                    


Masayang nag-iinuman ang mga bandido sa loob ng kweba. Nagdiriwang sila sa pagkakaroon ng bagong armas tulad ng gatling gun, ak-47, armalite, pistol at iba't ibang klase ng bomba.


"Magsaya tayong lahat!!!" wika ng isang bandido habang nakataas ang iniinom na alak sa ere.


"Isang magandang panimula ito, Dark Bandit," wika naman ng isang lalaki na may hawak na isang hita ng manok.


"Tama, isang magandang panimula at kapag nakumpleto ang ating mga kagamitan, manggugulo tayo di lang sa Downtown kung di sa Great Britines Palace," saad ni Dark Bandit tapos uminom ng alak.


Sa kalagitnaan ng kanilang kasiyahan, may napansin ang isang bandido na usok malapit sa lagusan ng kuweba.


"Dark Bandit, tila may usok sa lagusan at paparating na dito," saad ng bandido.


Tumingin si Dark Bandit sa lagusan, doon niya nasaksihan ang pagkapal ng usok dahil sila Zealian ay patuloy na nagbabato ng iba't ibang klase ng usok tulad ng smoke grenade, sleep grenade at tear gas grenade. Tinakpan ni Dark Bandit ng bandana ang kalahati ng kanyang mukha—mula sa may ilong.


"Magsilikas na kayo!" utos niya.


Nagtakbuhan palabas ang mga bandido dala ang kani-kanilang armas ngunit ang iba hindi na nagawang makalabas ng kweba dahil kalasingan. Hindi na nila kaya pang tumakbo o maglakad man lang. Ang mga naiwan sa loob ay nakatulog, ang iba naman ay naglalaway dahil sa usok na nalalanghap. May ibang bandido na nagmalasakit sa kanilang mga kasamahan,  tinulungan nila ang iba dito na makalabas ng kweba pero karamihan sa nagtangakang lumabas ay hindi na umabot dahil sa makapal na usok. Karamihan sa mga tumulong ay nawalan na rin ng malay. Sa paglabas ng ilang bandido, napaubo sila at nahirapan huminga. Sa paglabas din nila ng kweba akala nila ay ligtas na sila, hindi nila alam na mas mabigat pang panganib ang nakaabang sa labas. Bumungad din sa kanila ang napakakapal na usok at madilim na kapaligiran sapagkat ang siga at ilang pampa-ilaw sa labas ay namatay.


"Gumawa kayo ng siga at hanapin ang mga lapastangan na gumawa nito sa atin!" galit na utos ni Dark Bandit.


Hindi pa man din nawawala ang makapal na usok, may naghagis ulit ngunit hindi lang isa kung di limang smoke grenade. Kaya ang mga bandidong natira ay hindi agad nasunod ang pinag-uutos ng kanilang amo. Nagtakip silang lahat ng ilong upang hindi malanghap ang mga usok.


"Kyuketsuki, i-activate mo na ang night vision," wika ni Zealian.


Inactivate ni Sauver ang night vision, sumenyas siya na okay na. Kaya si Zealian sumenyas na rin na susugurin na nila ang mga bandidong nagkakagulo kung anong gagawin sa mausok at madilim na kapaligiran. Ang kanilang lider naman na si Dark Bandit, nilayo ng tatlong bandido.


"Hindi ko pwedeng iwan ang ating mga kasamahan," wika ni Dark Bandit.


"Ngunit Dark Bandit, delikado ang lugar na iyon."


"Hindi nang-iiwan ang pinuno ng grupo at higit sa lahat ang ika-apat na diyos ng Democratic Evil ay hindi umaatras sa laban."

Kyuketsuki by IamLycheWhere stories live. Discover now