Chapter 5: "First Case as a Detective"

6.5K 119 8
                                    


Alas siyete na ng umaga hindi pa rin bumabangon si Zealian sa kanyang kama at kagabi hindi rin siya kumain sapagkat nawalan siya ng gana dahil sa nangyari. Kasalukuyan na nakatayo sa labas ng kwarto niya si butler Scott at ginigising siya. 


"Milady, si young master Terrence kanina pa nag-hihintay sa iyo sa school house," saad ni butler Scott.


Dahil sa pangigising ni butler Scott, nagtalukbong ng kumot si Zealian. "AYAW KO PONG PUMASOK!" pagmamaktol niya.


"Baka makarating ito sa daddy mo," wika ni butler Scott.


"Huwag mo pong mababanggit ang tao na yan sa bahay ko. I HATE HIM!"


"Milady, ikaw naman ang nag-umpisa, hindi mo sinagot ng maayos ang kanyang katanungan kahapon."


"Paano ko po sasagutin ng maayos eh siya rin naman po ang may problema. Di man lang niya muna po ako kinamusta. Yun agad pinangbungad niya sa akin," depensa ni Zealian sa kanyang sarili. "Tapos po di pa siya nagpaliwanag kung bakit di siya nakapunta dito noong nakaraang araw. I REALLY REALLY HATE HIM!"


"Milady, don't hate your father. Marami kasi siyang iniisip. Alam mo naman ang trabaho ng isang Lord Mayor di ba? Atsaka nagwalk-out ka malamang di na nga niya magagawa iyon," pagtatanggol naman ni butler Scott sa ama ni Zealian.


Humagulgol ng iyak si Zealian na parang bata ngunit kunwari lamang upang makuha niya ang simpatya ni butler Scott sapagkat naramdaman niya na tila kinakampihan nito ang kanyang daddy. "Whaaaaa!...Hindi mo po ako naiintindihan butler Scott. Sana man lang po hinabol niya ko or pinuntahan sa room ko. Hindi niya po iyon ginawa. Masakit po yun para sa akin, bilang isang anak dahil parang binabaliwala na niya talaga ako at pakiramdam ko po totoong tinaboy na niya ako. Ayaw na niya talaga akong maging anak," pag-dadrama niya para sa kanya kumampi ang kanyang butler. "Angggggg sakitttttt langggggg pooooo!" Kunwaring humahagulgol ng iyak.


Hindi na alam ni butler Scott ang gagawin at nag-aalala na siya dahil ang alam niya ay umiiyak ang kanyang amo. "Milady huwag ka nang umiyak. Kagabi nakausap ko ang daddy mo sa telepono sabi niya tawagan ko raw siya o kaya kung gusto mo ikaw na lang mismo ang tumawag."


Agad na bumangon si Zealian. Nagtungo siya sa kanyang banyo upang lagyan ng tubig ang kanyang mga mata para kunwari ay umiyak talaga siya. Pagkalabas agad niyang binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto. "Talaga po?" humihikbi niyang tanong habang pinupunasan ang peke niyang luha upang mas kapanipaniwala. "Tatawagan mo po ngayon si daddy?"


Tumango si butler Scott. "Ipapakausap ko siya sa iyo pero sa isang kondisyon."


"Ano pong kondisyon?"


"Hihingi ka ng tawad sa kanya. Kahit hindi niya sinabi, alam ko na nasaktan siya sa mga sinabi mo."


Napayuko si Zealian. "Di ko naman po talaga intensyon na sabihin yun sa kanya. Nasaktan lang po ako ng todo dahil umasa talaga ako na dadating siya," malungkot niyang sabi.


"Okay." Kinuha ni butler Scott ang kanyang cellphone. "Ikaw ang tumawag sa kanya." Inabot niya ito kay Zealian.

Kyuketsuki by IamLycheWhere stories live. Discover now