Chapter 12: "Arrogant but Heroic"

4.9K 107 16
                                    


"Goyangi, gumising ka na." Nakaupo si Kai-bin sa gilid ng kama. "7:00 na ng umaga malelate ka na sa school mo."


Lalong tinalukbong ni Zealian ang kanyang kumot sa kanyang mukha. "Ayaw kong pumasok, walang kwenta ang school na iyon."


Sinusumpa na ngayon ni Zealian ang eskwelahan, di dahil sa gusto niyang makatungtong kung di dahil sa nalaman niya na ang mga pinag-aaralan doon ay tinuturo rin ni Terrence at Kaela ngunit sa ibang paraan at ang kanyang pagkasabik ay naglaho na parang bula.


"Jae Zealian, hindi ka naman papasok sa school para sa klase, di ba kaya ka nandoon dahil may mission ka? At ang mission na iyon ay lutasin ang krimen na nangyari sa loob ng school."


Biglang bumangon si Zealian. Ang kanyang buhok ay nakasabog sa kanyang mukha. "Oo nga pala nakalimutan ko masyado kasi akong nasabik kahapon sa school, school, school ang boring na school," wika niya ngunit hindi nakatingin kay Kai-bin—para itong tulala.


Inayos naman ni Kai-bin ang buhok ni Zealian. "At kahapon, naghihintay si Terrence ng report mo tungkol sa case. Ang sabi ko sa kanya wala kang nagawa dahil sa sama ng loob."


"Kai-bibe, eyes, wrist, and brain are the only key to solve all the puzzle and mystery," wala sa sariling sabi ni Zealian.


Nablanko naman si Kai-bin sa sinabi ni Zealian. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibigsabihin ng mga salitang iyon. "Ano ibig mong sabihin sa sinabi mo?"


Tumingin si Zealian kay Kai-bin ngunit walang emosyon. "Ang mata ang tagahanap ng ebidensya; ang galanggalangan ay nagpepresenta ng relo ko na napakahalaga sa akin dahil sa oras ko sinisira ang alibi at ginagamit ko rin para malaman ang saktong oras kung kelan nangyari ang krimen; at ang utak, gagamitin ko ang extraordinary ability ko na bukod sa kagandahan ko eh wala rin ang iba." Nilapit niya ang kanyang mukha kay Kai-bin. "Kai-bibe, sa mga araw na ito hindi ko gagamitin ang mga yan bilang isang detective, gagamitin ko ang tatlong yan sa pagiging magnanakaw ko."


"Bilang magnanakaw?"


Tumango si Zealian. "Oo bilang magnanakaw." Nilayo niya ang kanyang mukha tapos niyakap ang unan. "Nasa loob ng eskwelahan ang ebidensya at ang president nito parang may tinatago na ayaw niyang malaman ng awtoridad. Isa pa mapapabilis ang paglutas ng kaso kapag ginamit ko ang retrocognition ko."


"Kung gayon..." Tumayo si Kai-bin. "...Tumayo ka na diyan. Ayusin mo na ang sarili mo tapos ihahatid na kita sa school." Tumingin siya sa kanyang relo tapos naglakas papuntang puntuan. "7:16 na."


Bumangon si Zealian upang mag-ayos na ng sarili.


Bago lumabas ng kwarto ni Zealian sinabi ni Kai-bin sa dalaga na siya ang naghanda ng baon nito. "Ako nga pala naghanda ng baon mo ngayon. This time sandwich na may smiling face."


"Ang sweet mo talaga," sabi ni Zealian.


"Mas si-sweet pa yan kung sasagutin mo na ako," biro ni Kai-bin ngunit may ibigsabihin.


"Hindi pa ako tapos. Ang sweet mo talaga ang sarap mong patayin," saad ni Zealian tapos pumasok sa banyo para maligo.

Kyuketsuki by IamLycheWhere stories live. Discover now