Chapter 11: "The Selfies and First Step"

5.1K 110 17
                                    


Mas maaga pa sa alarm clock nagising si Zealian at kung tutuusin hindi siya nakatulog dahil sobra siyang sabik pumasok sa paaralan. Pagkabangon niya agad siyang kumanta ng isang nursery rhyme na "This Is The Way We Go To School Song".


"This is the way we go to school, go to school, go to school. This is the way we go to school so early in the morning!" kanta niya at may malapad na ngiti sa kanyang mga labi.


Bago bumaba, naligo muna siya, nagsuot ng rob at bago isuot ang unifrom tinitigan niya muna ito. "This is it. At last masusuot ko na ang uniform na ito. Ang cute talaga ng uniform. Simple lang pero rock." Hinihimas himas ang uniform na nakalagay sa kanyang kama.


Ang uniporme na isusuot ni Zealian ay kulay itim ang blazer na may trim na kulay puti; kulay charcoal na skirt; puti sa panloob; at ang necktie ay kulay silver. 


Pagkatapos sambahin ang kanyang uniform sinuot na niya ito. "This is the way we dress ourselves, dress ourselves, dress ourselves. This is the way we dress ourselves so early in the morning!" kanta niya tapos tinignan ang sarili sa salamin na kita ang buong katawan. "Tunay na estudyante na talaga ako...Teka di ko dapat palampasin ang araw na ito. Ito ang unang pagkakataon na nakapagsuot ako ng uniform." Kinuha ang kanyang cellphone tapos nagselfie.


Halos labing limang minuto niya tinitigan ang kanyang sarili na nakasuot ng uniform tapos kinuha niya ang kanyang bag at bumaba.


"Good morning milady," salubong na pagbati ni butler Scott.


"Good morning din po," masaya at masigla bati naman ni Zealian dito. "Butler Scott, nakahanda na po ba ang baon ko?" Naglakad siya papuntang kusina. 


"Hindi pa," sagot ni butler Scott. Sinundan niya si Zealian sa kusina. "Kasi ngayon ko pa lang iluluto atsaka milady." Tumingin siya sa kanyang relo. "Maaga pa naman 5:23 pa lang at ang pasok mo eight pa."


Naupo si Zealian sa stool. "Hindi ba pwedeng pumasok ng ganitong oras?"


"Pwede naman kaso lang madilim at baka sarado pa gate ng school na papasukan mo." Kumuha ng baso, plato, kutsara at tinidor si butler Scott upang ipaghain ng agahan ang kanyang milady. "Milady, doon ka na sa dining room. Ipaghahain na kita ng agahan."


Walang ganang tumayo si Zealian sa kinauupuan niya at wala rin siyang ganang naglakad dahil parang nadismaya siya na hindi pa pwedeng pumasok sa eskwelahan ng ganung oras. Si butler Scott naman napapangiti na lang dahil sa loob ng mahabang panahon na kasama niya si Zealian ngayon lang niya ito nakita na gumasing ng ganung kasigla at kasabik.

Ipinatong ni Zealian ang kanyang backpack sa katabing upuan. Nang naipaghain siya ni butler Scott ng agahan malungkot siyang kumain dahil akala niya na sa ganung kaaga ay pwede na siyang pumasok. Ngayon, maghihintay pa siya ng kulang kulang isa't kalahating oras dahil ang oras pa lamang ay 6:00 at aalis siya ng bahay ng 7:30. Sa kusina pinaghahanda na ni butler Scott si Zealian ng dalawang clubhouse sandwich at isang calamansi juice.

Umakyat muna si Zealian para magtungo sa banyo na nasa kanyang kwarto at doon magtoothbrush habang nagtoothbrush muli siyang kumanta ng nursery rhyme.

Kyuketsuki by IamLycheWhere stories live. Discover now