Chapter 1: "Menace"

2.4K 69 10
                                    


Sa kalaliman ng gabi sa isang liblib na lugar sa siyudad ng Edictumius kung saan mapuno, madamo at mabato may isang aristokrata na naglalakad patungo sa kanyang bahay ng biglang may sumalubong sa kanya na isang lalaki na naka-fedora hat na puti, ang coat ay kulay puti, ang tuxedo shirt ay kulay pula maging ang necktie. Naka-sapatos na leather, nakamaskarang puti na ang disenyo ay bungo, ang gloves ay gawa sa leather na kulay puti at sa loob ng kanyang coat ay may tatlong kutsilyong nakasuksok na ang hawakan ay may disenyong lion.


"S-sino ka?" natatakot na tanong ng aristokrata.


Sa halip na sagutin humugot ng isang kutsilyo ang lalaking nakamaskara at agad na isinaksak sa puso ng aristokrata. Nang matuba ito sa lupa kumuha pa siya ng isang kutsilyo. Ginamit niya iyon para lagyan ng marka ang aristokrata sa noo na D.E. 


Bahagyang tinaas ng lalaki ang suot niyang fedora hat. "Au revoir mon ami," muling sinuot ang fendora hat tapos iniwan niya ang lalaki na wala nang buhay at nakasaksak pa rin ang kutsilyo sa dibdib.


"Captain, ito po ang ginamit sa pagpatay." Pinakita ni Terrence ang plastik kung saan nandoon ang kutsilyo. "Nakita ito na nakasaksak sa dibdib ng biktima at sa noo ng biktima may nakaukit naman na D.E. Kung titignan sa loob ng isang buwan siya na ang pang-limang aristokrata na napapatay ng parehong grupo...Ang Democratic Evil."


Kinuha ni Auriel ang platstik. Siniyasat niya ng maigi ang kutsilyo. "Democratic Evil," basa niya sa nakaukit sa blade. "Nagbalik na nga talaga sila," nakakunot nong sabi niya tapos muling ibinalik kay Terrence ang hawak na plastik.


"Captain, nagresearch ako tungkol sa grupo na iyan ngunit wala akong mahanap na impormasyon." wika ni Terrence. "Mukhang bago lang sila."


"Sila ay isang grupo ng kriminal na kinabibilangan ng labing tatlo na ang tawag ay Thirteen Gods of Democratic Evil. Ang hangad nila ay mapamunuan ang buong Great Britines. Sila rin ang nasa likod ng black market sa panahon ni King Adrian. Nawala na sila ng mahigit isang dekada pero ngayon nabuo na naman at nagbabalik."


"Hindi pala sila bago," sabi ni Terrence. Nakatingin siya sa plastik.


"Terrence, mamaya pumunta ka sa Great Britines Palace kailangan natin silang balaan. Kausapin mo si Chief Police Officer Granville sabihin mo sa kanya na nagbalik ang Democratic Evil."


Sumaludo si Terrence kay Auriel. "Opo Captain."


"Kung nagkataon na nandito pa si Kyuketsuki ang Democratic Evil naman ang makakalaban niya," salita ni Auriel sa kanyang isip. "Kamusta na kaya ang hambog na iyon?" mahina niyang tanong sa kanyang sarili. "Sinisigaw pa rin kaya ang pangalan niya sa buong akademiya?"


Sa bansang Pransya tahimik na namumuhay ang mag-ama kasama ang mag-asawang Zacheus, si Chandra at ang pamilya Warren. Ngayon si Jae Zealian ay pumapasok sa isang prestihiyosong akademya sa bansa. Siya ay kolehiyo na at nakatapos na sa ikalawang taon. Hindi na siya nagdaan sa unang taon sapagkat noong kumuha siya ng pagsusulit sa loob ng mahigit labing limang taon siya ang ikalawang tao na nakakuha ng napakataas na iskor kung saan ang mali ay tatlo lamang. Ang kanyang kinukuhang kurso ay political science tulad ng sa kanyang ama at ina.

Kyuketsuki by IamLycheWhere stories live. Discover now